My Ice-Cold Bunny

333 7 4
                                    

CreshaJoice's POV

"Bum-bum" tawag ko sa kanya. Pero walang sagot akong natanggap. Sinundot ko ang kanyang tagiliran pero parang isang tulog mantika ang taong ito. Bigla ay nakaisip ako ng isang paraan na syang makakapagpabangon sa kanya.

"babangon ka dyan o magpapaalam ka sa mga kuneho sa labas?" agad naman siyang napabangon sa kanyang narinig. At tinitigan ako ng sobrang sama na siyang kinalunok ko ng laway.

"I may be love you but touch any of them or say goodbye to our relationship" sabi nya na ikinanginig ko. Dali-dali syang tumayo at inayos ang kanyang higaan.

"Sobrang malinis talaga sa katawan kahit kailan. Daig pa ang babae sa linis" sabi ko sa isip ko habang parang tuod na nakatayo pa din sa aking kinatatayuan dahil takot na baka nga sineryoso ang aking sinabi kahit isang biro lamang.

"are you just going to stand there and watch me changing?" kanyang sabi habang may mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Dali-dali naman akong lumabas ng kanyang kwarto at saktong nakasalubong ko si mimi.

"Cresha? May problema ba?" tanong niya na mabilis ko namang ikinailing. Habang puno ng kuryosidad ang mukha ay humakbang na siya papalayo. Bigla naman akong lumambitin sa kanyang braso at itinago ang aking mukha ng kauntian para iparamdam ang kahihiyan ko na siguradong naiintindihan niya

Sa lahat, si mimi ang mabilis makabasa ng nararamdaman kaya sya ang mas sabihan ko ng mga sikreto.

Nang makarating kami sa kusina ay agad siyang dumaretso sa kitchen sink para magumpisa sa pagluluto habang ako naman ay nasa isa sa mga upuan ng kanila dinner table.

Bigla na lamang naglapag si mimi ng chocolate candy na hugis ulo ng isang kuneho. Kinuha ko ito at balak na sanang kainin ng may isang ulo ang humara ang napasupalpal dito ang candy.

"Mine" sabi nito na tila inaangkin. Ibubuka ko na sana ang aking bibig para bulyawan siya sa kanyang ginawa ngunit bigla nya akong hinalikan ngunit sa mabilis na paraan na syang ikinapula ko. "also mine" pabulong nyang sabi na syang lalong ikinapula ko ng mukha.

Sa likod nya naman ay kita ko si mimi na may hawak ng sandok at tila na sasabik sa kanyang nakita at pilit ding pinipigilan ang kanyang pag tawa.

"엄마, 나를 위해 그녀를 돌봐. " baling nito kay mimi gamit ang mala-alien na naman na kanyang pananalita.

"그래, 걱정하지 마세요." balik na alien word sa sabi ni mimi. Bigla na naman nya akong hinalikan sa pisngi bago magpaalam para pumuntang trabaho.

Siya si Oh Myun Jung. Kenneth ang tawag namin sa kanya o Ken. Ang dakilang misteryoso, mas malamig pa sa yelo, mahilig sa kuneho ngunit matamis. Half-korean and half-filipino. Boyfriend ko sya sa di maipaliwanag na dahil na tanging silang dalawa lang ni mimi ang may alam (Inggit ka noh! Wala ka kasing jowa. Pak! Nakabold, italic, at underlined pa na WALA KANG JOWA. Boom! Capslock! )

Mas magaling si Ken sa lahat ng bagay na syang kabaligtaran ko naman. Lagi syang advanced pagdating sa academics. Sporty at madaming hilig gawin. Napaka loyal din nya.

(Flash back)

Nasa kalagitnaan kami ng pamamasyal sa mall at naisip ko na bumili ng mga girly stuff kaya pinakiusapan ko sya na maghintay na lang muna sa isang bench na malapit lamang sa store na nakita ko para pagbilhan.

Sa sobrang tagal ko noon ay pagbalik ko'y pinagkakaguluhan na sya ng mga babae. Kita-kita ko dahil glass wall lang naman ang likodan nya. Nakaakbay pa nga ang tigkabila nitong braso na akala mo'y mukha syang playboy pag naka talikod.

Naisipan ko na nga noon na gumawa ng eskandalo kahit na maaaring madaming tao ang tumingin ngunit hahakbang pa lamang ako'y tumayo na siya at inalis ang pagkakakbay sa dalawa. Nang humarap siya ay animo'y parang isang leon na nakawala sa hawla dahil sa dilim ng expression nito. Rinig na rinig mo pa ang pangangaral nito kaya madami ang nakatingin sa kanyang direksyon.

"I guess you got a wrong guy to flirt with. I am not a playboy and don't you dare compared my looks to a playboy. And if you're here to destroy my date with my girlfriend, I swear you'll pay worst to that." sabi nito at pumasok sa kung nasaan ako at saktong nakita nya agad ako kaya't parang pusa na naman na bumalik sa lupa siya.

Yung date namin ay medyo... parang maganda na di mo maeexplain. May sa isip bata rin siya eh. Nang may madaanan kase kaming Toy store agad na nahagip ng mata nya ang mga stuff toy na bunny lalo na yung human-sized. Binili nya lahat yun at wala ni isang bunny stuff toy na iniwan.

Kaya nung uwian lahat nung stuff toy ay sa loob ng kotse nyang BMW habang yung akin ay sa compartment ng sasakyan. Yung isa ngang normal-sized stuff toy ay nasa lap nya habang nagmamaneho.

Hinatid nya naman ako sa bahay at tinulungan sa mga gamit ko. Agad naman din syang umalis dahil balak nya daw na ayusin pa yung kanyang mga ipinamili. Sumalubong naman agad ako sa aking mga magulang at mga kapatid na may kanya-kanyang mundo.

Nang makarating sa kwarto ay inayos ko ang aking mga pinamili. Saktong tapos na akong magayod nang mag-vibrate yung cellphone ko. Nang ito'y aking kinuha, nagtaka ako dahil may palawit na ito. Kulay violet at maayos na pagkakadesenyo ng mga beads at may kunehong nagpapacute ito sa pinakang lawit nito.

Nabasa ko naman ang naka message sakin na galing kay Ken na sabing, "so that we're same", may kasama pa itong picture ng palawit na katulad sa akin ngunit kulay puti ang sa kanya. Todo-kilig naman ako sa kanyang ginawa.

(Present)

Hanggang ngayon ay sweet pa rin naman sya kahit patago. Nagising na lamang ako sa pag-iisip nang may magpatong ng pagkain sa aking harapan.

Nakita ko si mimi na sobrang saya habang kausap sa skype si dada. Silang dalawa ang magulang ko sa rpw kaya nasanay akong mimi at dada ang tawag sa kanila. Si Ken? Kapatid at kuya ko sya sa rpw pero who cares? Rpw lang naman yun hindi real life kaya wala kayong pake.

Sina mimi at dada, sobrang dami na ng kanilang pinagdaanan pero tignan mo nga naman ang tibay pa rin at hanggang ngayon ay sila pa rin kahit na magkalayo.

Kami kaya ni bum-bum maging ganito katagal ang pagsasama?

P. S. Ang magsabi ng walang poreber di magkakajowa at maging madre pero don't worry, ika nga sa kanta

🎼Ang mga ibon~🎶
🎼Na lumilipad~🎶
🎼Ay mahal ng diyos~🎶
🎼Di kumukupas~🎶
🎼Ang mga ibon~🎶
🎼Na lumilipad~🎶
🎼Ay mahal ng diyos~🎶
🎼Di kumukupas~🎶
🎼Wag ka nang malungkot~🎶
🎼Oh praise the lord~🎶

🎼Ang mga tao~🎶
🎼Na walang jowa~🎶
🎼Bibigyan ng diyos~🎶
🎼Sobra-sobra pa~🎶
🎼Ang mga tao~🎶
🎼Na walang jowa~🎶
🎼Bibigyan ng diyos~🎶
🎼Sobra-sobra pa~🎶
🎼Wag ka nang malungkot~🎶
🎼Oh praise the lord~🎶

===================
A/N:
Yow guys! This story was written by Kenny my rpw son hahahhaha dedicated to one and only CreshaJoice. Enjoy and don't blame me. I'm not really the writer of this shot😂

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon