Saglit

367 5 2
                                    

Kaith Matthew Pascual

"Kaith, m-magpapaliwanag ako. I'm--"

Tinignan ko sila ng nakangiti, na parang di nasasaktan, na parang wala akong nakita. Napapakagat siya sa labi na parang kinakabahan sa pwede kong gawin, sa pwede kong sabihin. Pero isa lang ang nasabi ko sa dami ng pumapasok sa isipan ko.

"okay lang. Tanggap ko na"

Oo, tanggap ko na. Matagal ko nang alam na may iba. Matagal ko nang alam na niloloko mo lang ako. Marahil pwedeng nagpakat***a ako para di pansinin ang kaagaw ko. Bakit pa? Bakit pa kita ipaglalaban kung alam kong talo na ako?

"I know I'm already defeated. Yung panahong nilulubos ko na, binibigay ko na, inuubos ko na pagmamahal ko sa sarili ko para lang sayo, kinutuban na ako"

Napabangon ako nang muli kong maalala ang mga panahon na pinalaya ko ang sarili ko sa isang malaking bangin bago pa ako mahulog ng tuluyan at mamatay.

Kahit papaano ay nagamot ko ang pagmamahal sa sarili ko na nasira at halos di na muling mabuo. Tumayo ako sa kama nang makita ang oras at nagsimulang pumunta sa banyo para magsimulang maligo.

Alam kong kailangan na makalimot, pero di sa lahat ng oras makakalimot ka. It was part of the hurtful memories kaya ang kailangan mo lang talaga is tumanggap. Tanggapin ang masakit na nakaraan para sa muling pagbabago. 

Matapos makapagbihis at kumain ay lumabas ako ng bahay para mamasyal sa parke. Pagkarating na pagkarating ay makikita ang dami ng tao sa parke. Naupo ako sa isang bench na nasa ilalim ng isang puno.

Napikit ako at dinama ang hangin na humahampas sa mukha ko. Isang kakaibang ginhawa ang pakiramdam nang bigla kong maramdaman na may naupo sa tabi ko. Sa simula ay di ko ito pinansin pero nang nagsalita ito'y napamulat ako at tinignan siya.

"Kaith"

Ganun pa din sya. Isang babae na may kakaibang ganda. Simple ngunit may mahalimuyak na amoy. May kutis na kasing lambot ng unan. Mga mata na may kislap ng mga bituin na sa oras tumitig ka ay  makikita mo ang sarili mong nangangarap sa kanya.

*sigh* "ikaw pala, kamusta na? Kayo?" tanong ko sa kanya

"wala na kami... Matagal na..." sagot nya

"oh..." dun pa lang nagkahint na ako. Gusto nya makipagbalikan pero sakto lamang ang dating ng girlfriend ko. Tumayo ako para yakapin sya at paupuin sa bench habang nananatili akong nakatayo.

Bigla syang nalungkot at nagpaalam na lamang. May pagsisisi sa kanyang mga mata na di mo maunawaan. Nang makaalis siya ay naupo naman ako para lambingin ang girlfriend ko. She know na ex ko sya kahit saglit lang.

Sa kahit saglit lang minahal ko sya.

Sa kahit saglit lang sa kanya ko lang naituon ang mundo ko kahit nagtitira pa din ako sa sarili ko, iba pa rin ang pakiramdam na halos ibuhos mo na lahat at wala ka nang itira.

Pero kahit ganun ay kailangan lang na tumanggap. Magpasalamat sa lahat ng bagay.

Pinagpapasalamat ko na minahal ko sya nang saglit dahil naturuan nya ako ng mga bagay na di ko nalalaman. Sya lang yung minahal ko na una. But I guess di sya ang magiging huling mamahalin ko.

==============

a/n: sorry kung short. e-edit pa naman namin toh. nalalaliman pa lang kami sa  music eh. hahahaha

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon