Chapter 2

7 2 0
                                    

Claire's POV

Kanina pa ako naghihintay dito sa kanto pero ang tagal nila. Ang mga kaibigan ko talaga! Wala ba silang relo sa bahay nila? Hindi man lang marunong dumating ng on time! Buti na lang talaga.. Buti na lang talaga maganda ako HAHAHA

"Ang-tagal-nila selfie" sabi ko at nag wacky pose.

"Kleeeng!" malambing na sigaw? Ah basta.

"Ali! Himala ata at nauna ka?" natatawang tanong ko. Putek! Isa itong himala. Para sa mga nagtatanong kung may himala? MERON! HAHAH

"Bakit? Dapat ba mamaya pa ako pupunta? Bakit hindi mo sinabi? Nagmadali pa naman ako" mahinhing paliwanag nitong babaeng 'to. Teka? Sino 'to ulit? Hindi ko 'to kilala!

"Sagutin mo naman ako, Kleng." mahinahon muli niyang tugon. Teka? Wag mong sabihing...

"Sorry na...*sob* Hindi ko naman alam...*sob* Kasi... First day ng klase*sob*"

Walanjo! Umiyak ang bestfriend ko! HAHAHA clap clap. Hanga na talaga ako

"Ali. Wag ka ng umiyak. Wala kang kasalanan" pinili kong pigilan ang pagtawa ko kahit na tawang tawa na talaga ako

"Talaga? Hindi ka galit?" pffft! Gusto ko na humalakhak ng bongga

"ako? Galit? Hindi 'no! Halika nga" At hinug ko ang napaka slow kong bestfriend. Susmaryosep! Ito ba talaga ang natagalan ko ng 5 years?! Pwede na siguro akong parangalan!

"yey! Bati na tayo" masaya niyang sambit saka pinahid ang ilong niya. Ang gandang babae pero salaula HAHAHAH

Alliyah Raine Castro. Ali for short. Ang pinaka slow sa group. Legit na slow!

"Oh, anong kadramahan ang nangyayare?" ayan na nga. Kasungitan attacks HAHAHA

"Wala ito, Kim" masaya pa ring sambit ni Ali

"Yeah whatever" reklamo ni Kim at aba! Umirap pa! Well... Ano pa nga bang bago?

Kim Lee. Ang pinakamasungit sa group at pinakamasungit ding nakilala ko sa buong buhay ko. Daig niya pa ang menopause sa sobrang taray! Swear!

"Nasaan na 'yong iba? Alas syete na!" mataray na reklamo nitong babaeng 'to. Kung makapagreklamo, wagas? Ano pa kaya akong halos isang oras ng naghihintay?!

"Chillax, babe. Naiirita ka na naman? Masyado mo ba 'kong namiss?" may panunuyang pagtatanong ng isa sa pinakamahanging taong nakilala ko! Susmaryosep garapon!

"Dumagdag ka pa Clyde!!!" iritang irita na si Kim. HAHAHA.

Clyde Buenavista. Minsan, Buenabwesit din. Ang pinakamahangin sa group. Kaya humanap na kayo ng kapitan kapag may scene siya.

"Sorry kung nalate kami" Mahinahong sambit ni Nathan "Hinintay pa kasi namin 'tong si Josh. Hindi pa naliligo noong dumating kami eh" paliwanag niya muli.

Nathan Cuanco. Ang pinakamabait sa boys pero...weird din, i guess. Masyado siyang tahimik eh. Ganun talaga siguro ang matatalino.

Pero mas gusto ko pa 'tong kasama kesa sa ibang kaibigan kong parang mga ewan HAHAHA

"Eh si Justin? Nandito na ba?" pagtatanong ni Trevor. Patay na patay 'to kay Tin eh

"May nakikita ka bang Justin dito?" pagsusungit ni Kim. Putek HAHAHAH!

"Wala, kaya nga ako nagtatanong. Malay ko ba. Baka tinatago mo jan sa bag mo" nang iinis na sagot ni Trevor. Hala! Binuklat niya talaga yung bag ni Kim!

"Justin? Nandiyan ka ba sa bag ni Kim? Tin?"

Humagalpak ng bongga ang tropa at lalong nairita si Kim. Susko ka Trevor! Anak ka talaga ng nanay mo! HAHAHAH

Trevor Santos. Trevs for short. Ang pinaka play boy sa group at pilosopo rin. Literal na pilosopo! Nakita niyo ba 'yong kanina?! Ayun! Ganun HAHAHA! WALANG PINIPILI!

"Mukhang ang saya niyo ata ah" nangingiting sabat ni Nicole.

Nicole Thrix Nazareno. Pwede niyo rin siyang tawaging Nics. Ang queen bee sa group. Beauty and brain kaya ligawin.

"Sayang at hindi mo naabutan ang show ni Trevor! The best!" tumatawang wika ni Josh. May pa hampas pa sa table 'to kanina.

Josh Reyes. Ang MVP sa puso ni Nics. Chour HAHAHA! Siya ang team captain ng basketball team ng school namin. Nasa kanya ang looks na hinahanap ng mga mahaharot na babae.

"Wag mo na 'kong ipahiya, Josh!" seryosong wika nito at saka nag ayos ng buhok niya. Ahhhh. I get it HAHAHA

"Tumino. Porket nandito na si Justin" iritadong sambit ni Kim. Paktay ka! HAHAHA

"Bakit? Anong meron?" pagtataka ni Justin. Ang ganda talaga ng ngiti nitong babaeng 'to! Kainggit HAHAHA!

"Ah eh. Wala naman, Tin" naiilang na sabi ni Trevor habang nakahawak sa batok niya. "Huwag mong pansinin 'yang mga kaibigan nating siraulo" Hala? Tumino? HAHAHA

Justin Faith Tuazon. But we prefer calling her Tin. Ang math wizard ng group. Kahit mahihirap na tanong, nasasagot niya. 'Yong mga formula na sobrang hihirap eh alam niya!

"Aba? Parang naging anghel ka ngayon ah? HAHAHA" pang aasar ni Clyde

"Tumahimik ka na lang, Clyde!" sabi ni Trevor saka binato ng ballpen ang kupal. HAHAHAHA! Mga siraulo!

"Tara na, guys. Bilisan natin" sabat ni Warren at dire diretsong naglakad papuntang school.

"Ano na naman kayang iniisip niya?" madalas talaga, ganyan si Warren. Minsan lang siya magsasalita pero parang laging may something... Makahulugan

Warren de Guzman. Ang mala Sherlock Holmes ng group. Masyado siyang mahilig sa mga mysteries and everything na minsan, ang weird na talaga pero at the same time, cool. Walang nakakaalam ng iniisip niya dahil madalas siyang tahimik. I wonder kung ano ang iniisip niya ngayon.

"Tara na at kanina pa tayong late. Ang kukulit niyo kasi" pabirong wika ni Mikailah. Aba? Nagsalita ang nagseseryoso sa buhay ah! HAHAHA

Mikailah Mercado. Ang pinakamakulit aa group. Kung naloloka na kayo sa kakulitan ni Trevs kanina, naku! Mas maloloka kayo sa kakulitan ni Mikailah! Siya ang happy pill ng bawat isa. Ang sarap niyang kasama.

"Oh, narinig niyo si Mik-Mik? Arat na!" pang iinis na sabat ni Stephen.

Stephen Morales. Ang pinakamahilig mang-asar sa group pero mabilis din mapikon. Hilig niya talagang asarin si Mikailah kasi sila na ang magkasama simula pagkabata. Feeling ko, may gusto talaga sila sa isa't isa pero tinatanggi lang nila.

"Anong sabi mo?" mataray na pagtatanong ni Mikailah.

"Mik-Mik, umuusok na naman 'yang ilong mo oh" pangkukulit pa rin ni Stephen. O-OW! WORLD WAR 3 NA! At ayon, naghahabulan na naman ang mga bata.

Silang sila pa rin talaga. Sila pa rin ang mga kaibigan ko for about 5 years. Himala na lang at buhay pa ko!

"First-day-of-school selfie" itinaas ko ang cellphone ko at saka nagpicture. Ayon, kanya kanyang pose ang mga lola' lolo niyo.

I'm Claire Diaz. Ako ang selfie queen ng group. Healthy din ako pero at least maganda. HAHAHAH!

Kami ay senior high school na sa SHU o Sacred Heart University. At hopefully, graduating na kami. Kita mo 'yon? Nakarating kami sa ganitong stage pero para pa rin kaming mga bata HAHAHA!

Oo, nakakastress ang mga kaibigan ko pero I can't imagine myself na wala sila sa tabi ko. They mean so much to me. Gagawin ko ang lahat para sa kanila.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon