Trevor's POV
Hindi ito maaari.
Patay na si Josh...bakit?
Bakit dito pa?
10 pm na. Nandito pa rin kami sa bodega.
Tulala ang boys
Umiiyak ang girls
Hinihintay namin si Warren. Ang huli niyang sinabi samin ay tatawag siya ng pulis. Halos dalawang oras na kaming naghihintay dito.
Walang gumagalaw sa katawan ni Josh. Naaawa ako sa kalagayan niya ngayon.
Halos naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Ang dami niyang sugat sa katawan...mga saksak sa iba't ibang parte...at...namatay siyang mulat ang mga mata...
Hindi pa rin ako makapaniwala na may makagagawa ng ganitong karumal-dumal na krimen. Kung sino man ang gumawa nito, hayop siya! Walang awa!
"Tin...ma-may iba...pa bang tao rito?" mahinang tanong ni Nathan.
Tumingin dito si Tin. Mababakas ang lungkot sa kanyang pugtong mata. Kanina pa sila umiiyak...naaawa ako...wala man lang akong magawa...
"W-wala...tayo lang" malungkot na wika ni Tin. Pinipigilan niyang umiyak. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kalungkot.
Lalo na si Nicole...wala na ang maganda niyang ngiti...wala na rin ang masaya niyang mata...hindi siya ganito...
"Fuck! Nasaan na ba si Warren?!" -Stephen. Mukhang nauubusan na siya ng pasensya.
Bakit ba ang tagal tagal niya?!
"Hahanapin ko siya." tumayo si Nathan at saka tumingin sa amin.
"Sasamahan ka na namin. Sa ganitong panahon, hindi dapat tayo naghihiwa hiwalay" matatag na wika ni Mikailah. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.
"Pero...walang kasama si Josh..." malungkot na wika ni Kim...
"Tama si Mikailah. Hindi...hindi..dapat tayo... maghiwa hiwalay"-Nicole
Napatingin kaming lahat sa kanya. Tumayo siya at pinagpagan ang suot na shorts. Makikita pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata...pero desidido siya..
Pinipilit niyang magpakatatag alang alang saming magkakaibigan.
Tumayo na ang lahat. Masakit man para sa amin...kailangan muna naming iwan si Josh dito...
Sa huling pagkakataon, liningon ko siya...
Josh...hindi ka namin makakalimutan...
Pumunta si Nicole sa isang lumang upuan. Kinuha niya ang puting tela na nakatabon dito.
Dahan dahan siyang lumapit kay Josh...
-
Nicole's POV
Playing A Thousand Years by Christina Perri
"Heart beats fast...
Colors and promises...""Babe, 5 years from now, magpapakasal tayo..."
"How to be brave?"
Paano nga ba Josh?"How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone""Ano ka ba? Syempre kaya mo 'yan!"
"All of my doubt suddenly goes away somehow...""Don't worry, I'm yours..."
"One... step...*sob* clo--ser...""Nicole!"tawag sakin ni Tin. Muntik na akong ma out of balance. Lalapit sana siya kaso pinigilan siya ni Kim...
Nasa harap ko na siya ngayon...
Umupo ako sa tabi niya...
Ang gwapo mo pa rin, babe..
"I have died *sob* everyday waiting *sob* for you..."
"Hihintayin kita dito..."
"Darling don't be afraid I have *sob* loved you*sob*
"Akin ka na HAHAHA!"
For a thousand *sob* years...
I love *sob* you for a thousand *sob* more"Sa huling pagkakataon...
Niyakap ko ang malamig niyang katawan.
Wala na akong pake kahit malagyan ng dugo ni Josh ang damit ko.
"And all along I believed I would *sob* find you.."
"Will you marry me?"
"Time *sob* has brought *sob* your heart... to me.."
Ang daya mo naman!
"I have *sob* loved you...
for a *sob* thousand years *sob*Sa una at huling pagkakataon...hinalikan ko siya...
Hinalikan ko ang malamig niyang mga labi...
Mabilis ang tibok ng aking puso...
Sana ganoon din siya..
Kaso wala na akong marinig sa dibdib niya.
"I'll love you for a thousand *sob* more""I love you too, Nicole..."
Dahan dahan kong ipinikit ang kanyang mga mata gamit ang aking kamay...
Itinabon ko sa kanyang katawan ang puting telang aking nakuha.
Sa huling pagkakataon, tinignan ko ang kanyang mukha...
"Pa...paalam *sob* Babe...sana maging *sob* masaya ka...kahit wala ka na...mananatili *sob* ka pa rin...*sob* sa puso ko..."
Unti-unti kong tinabunan ang kanyang mukha.
Paalam mahal ko...hanggang sa muli nating pagkikita...
BINABASA MO ANG
Stay
Mystery / ThrillerIsang grupo ng magkakaibigang matagal na ang pinagsamahan. Sa halos limang taon, magkasalo sila sa tuwa at kalungkutan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, unti-unti silang nauubos... Sa isang lugar... Isang panahon... Isang pagkakataon... Paano...