Chapter 7

0 1 0
                                    

Claire's POV

Grabe sa ganda itong private resort nina Tito Red. Napakalinis at napakaayos ng lahat. Ang sarap magbakasyon dito HAHAHA!

"So guys, may rule dito sa resort na bawal magkatabi ang lalaki at babae kahit ito'y magjowa" pagkasabi niya ay tinignan niya sina Nicole at Josh.

Napakamot na lang sa ulo si Josh HAHAHA! Loko loko talaga! Pero bakit ganon ang mukha ni Nics? Parang sobrang lalim ng iniisip niya?

"Nagpahanda ako ng dalawang malaking rooms. Boys, sasamahan kayo ni Nestor sa magiging kwarto niyo." nginitian ni Tin ang boys

"Nestor?" tawag ni Tin sa kanilang katiwala. Para namang natauhan mula sa kanyang pag-iisip ang matanda.

"P-po ma-ma'am?" -Nestor

"Samahan mo na sila sa kanilang kwarto" masayang wika ni Tin at saka ngumiti

"Tara na, girls." at saka lumakad si Tin papunta sa mga kwarto. Sumunod na lang kami sa kanya.

-

Mikailah's POV

Hanep sa ganda itong private resort! Ang lamig at ang sarap ng simoy ng hangin. Puting puti ang kulay ng sand dito. Tapos kalma lang ang dagat. Ang ganda ng kulay nito. Instagramable ih! HAHAHA!

"Nandito na tayo" masayang wika ni Tin at saka binuksan ang pinto ng malaking kwarto na hinintuan namin.

Wow! Ang ganda ng kwarto! Magkakasama kaming lahat dito. Ang saya naman!

"Nagugutom na ba kayo?" tanong ni Tin samin.

Sumagot naman agad si Kim...

"Oo!" mataray na sagot ni bakla. Aba't!

"Magpapah
anda na ako ng pagkain ha. Jan lang muna kayo." agad na umalis si Tin. Ang bait talaga niya. Masaya ako na naging kaibigan ko siya...sila...

Teka, bakit ba ang drama ko? HAHA!

"Gusto ko na agad mag swimming!" masayang wika ko at saka nagtatalon.

"Hindi ka ba napagod sa byahe?" nagtatakang tanong ni Ali.

Oo nga. Medyo inaantok din ako. Ang tagal kasi ng byahe papunta rito. Medyo malayo kasi yung resort at saka tago rin.

"Parang gusto ko munang matulog" sabi ko at saka dumapa sa kama ko. Nakakapagod.

"Sige, ichachat ko si Tin na mamaya na tayo kumain kasi maaga pa naman" singit ni Ali at saka nagtipa sa cellphone niya

"Shocks! Walang signal" malungkot na wika ni Ali. Tinago na lang niya ang cellphone niya.

I guess walang silbi ang cellphone namin dito. Pero kung tutuusin, mas maganda na rin yun para makakapag enjoy kami ng bongga.

-

Claire's POV

3 days na kami rito sa resort. So far, so good. Nag e enjoy ang lahat. Nailibot na rin kami ni Tin sa buong resort at sobrang lawak at ganda niya. Best vacation evaaaah!!

"Babe, may nakita akong magandang spot dito sa resort. Doon muna tayo." pag-aaya ni Nicole kay Josh.

Naglakad na sila palayo sa amin. I wonder kung saan sila pupunta haha!

"Hoy! Mga bata pa kayo!" sigaw ni Mikailah habang tumatawa. Loka loka talaga HAHAHA!

"Sira!" sigaw ni Nicole at saka sinamaan ito ng tingin.

"Samahan niyo ko, gusto ko kumain" pag-aaya naman niting si Kim. Yung totoo? Kailan ba siya mabubusog?

"Tara!" pagsang-ayon ni Mikailah saka sumabay ng paglalakad kay Kim

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon