Chapter 4

6 1 0
                                    

Nicole's POV

July na ngayon at isang buwan na rin ang nakalipas mula ng magsimula ang klase. Malapit na ang aming first preliminary examination kaya naman, puspusan na ang pag rereview namin. Magkakaiba kami ng strand na kinuha.

Sina Kim, Claire, Ali at Trevor ay piniling ABM ang kunin kasi sila ang magmamana ng kompanya nila balang araw. Nakakaloka diba? Senior high pa lang kami pero ang laki na agad ng responsibilidad na nakasalalay sa kanila.

Si Warren ay HUMMS naman ang pinili. Alam niyo na.... Balak ata 'non na maging spy o kaya ay secret agent someday HAHAHA! Gustong gusto niya kasi ang nagsosolve ng mysteries at ng mga hindi maintindihang bagay. Well, doon naman talaga siya magaling.

Kasama ni Warren si Nathan na balak maging lawyer someday. Oh diba? Bongga ang lolo niyo! Nai imagine ko na siyang nagtatanggol ng mahihirap. Sa talino niya, tiyak lahat ng hahawakan niyang kaso eh panalo.

Akalain niyo si Clyde, balak magpulis?! HAHAHAH! Madalas ay niloloko namin siyang pulis patola HAHAHA! Pero feeling ko, pressured ang kumag na 'yon eh. Halos kasi lahat ng kamag-anak niya pati ang tatay niya ay kung hindi pulis, sundalo. Ang galing diba! Kaya ayon, gusto ng papa niya na maging pulis din siya katulad niya para may magpapatuloy ng legacy nila.

Sina Mikailah at Stephen naman ay STEM students kasi balak nilang maging engineer. Ang taas ano! HAHAHA! I smell something fishy talaga dito sa dalawa. Mukhang may tinatago sila sa barkada HAHAHA! Hintayin lang nila. Walang sikretong hindi nabubunyag.

Actually, kaklase naman ang dalawang love birds este bestfriends.

Si Justin ay balak mag engineer din. Ang sabi ko sa kanya, mag accounting na lang siya since napakagaling niya sa Math. Pero ewan ba doon sa babaeng 'yon! HAHAHA! Ayaw niya raw kasing malayo siya sakin. Wow ha!

Si Josh naman ay architect ang balak na kuning course. Hindi ko rin siya maintindihan HAHAHA! Ang akala ko, gusto niyang maging professional basketball player or coach pero parang nag-iba ang ihip ng hangin HAHAHA! Bahala siya sa buhay niya. Basta suportado ko si crush este si Josh.

At ako, plano kong maging surgeon. Ito na talaga ang pangarap ko noon pa lang. Gusto ko kasing makakita ng lamang loob ng tao tapos kakainin ko HAHAHA! Syempre joke lang!

"Mukhang kasing ganda mo ang mood mo ngayon ah?" pabirong sabi ni Josh saka tumabi sakin. Bolero talaga siya kahit kailan! Kakainis! Kenekeleg eke!

"Ang bolero mo talaga kahit kailan!" sagot ko habang pinipigil ang ngiti at sinubukang magsulat sa notebook.

"Kinikilig ka ata eh?" pagbibiro niya. Hala, ang assuming mo po HAHAHA! Ang landi ko >•<

"Ang assuming mo talaga kahit kailan!" sagot ko at mahina siyang hinampas sa balikat. Bakit ganyan ka, Josh?! Arrggh!

"Ito nga pala, chocolate. Pinabibigay ni mommy sayo" Nicole kalma. Wag kang magpadala sa chocolate HAHAHA

"Ah eh pakisabing thank you!" pinilit kong maging normal lang para hindi niya talaga mahalata na kinikilig ako. Walangya ka Josh!

"Nicole?" pagtawag sakin ni Tin. Hayss. Thank you, Tin!

"Tin! Bakit?" masigla kong pagtatanong sa bestfriend ko. The best talaga 'to!

"Diba magrereview tayo para sa Science?" nakakunot ang noong pagtatanong ni Tin. Ano na naman kayang problema nito?

"Ay oo nga pala" sabi ko saka ako tumayo at kinuha ang Science book ko mula sa bag.

"Mauuna na kami, Josh." pagpapaalam ni Tin at saka ako hinila paalis.

"Bakit ang taray mo na naman?" natatawa kong tanong dito kay Tin. Ganito talaga siya pag may problema sa mga program ng school o kaya napagalitan ni madam principal. HAHAHA!

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon