"Guys, nasaan si Josh? Naiwan niya 'yong wallet niya sa table eh" nagtatakang tanong ni Stephen
"Diba kasama mo?" tanong ni Clyde sa katabi niyang si Trevor
"Kanina. Pero ang alam ko eh kasama niya si Nicole" inalala niya ang pagyaya ng girlfriend nito sa isang lugar kung saan silang dalawa lang
"Hindi naman iniiwan ni Josh ang wallet niya. Nakakapagtaka..." sabat ni Warren na kasalukuyang nakahalumbaba at tila malalim ang iniisip
"Nasaan kaya 'yong kumag na 'yon" nagtatakang tanong ni Stephen
"Baka naman naglalampungan!" pabirong sabi ni Clyde kaya masama siyang tinignan ni Trevor
"AHHHHHH!"
"Diba si Claire 'yon?!" nanglalaki ang matang tanong ni Clyde
"Shit!" mabilis na tumakbo papasok ang mga lalaki. Sobrang nag-aalala ang mga ito dahil alam nilang mahina ang loob ni Claire. Hinanap nila ito sa lahat ng sulok ng bahay hanggang sa makarinig sila ng isang hikbi...sa isang maliit at madilim na bodega
"Na-nakita ko la-lang si...si Josh di...dito...wala ng...bu-buhay" halos hindi na makahinga si Claire habang nagsasalita. Niyayakap na lamang ito ni Justin na hindi rin makapaniwala. Paano? Bakit nangyare ito?
"Tatawag ako ng pulis" patakbong lumabas ng bodega si Warren.
Tulalang umiiyak ang girlfriend niyang si Nicole. Walang makapaniwala sa mga nangyayare."Paano? Bakit? Si...sino ang may gawa nito?" lahat ay naguguluhan. Parang tumigil ang oras. Anong nangyare? Anong nangyayare?
Nabawasan na... Nabawasan na sila
*****
Author's note:
I decided na maikli lang ang first chapter since flashback scene lang naman ito. Pahapyaw sa lahat ng pwede niyo pang matuklasan. ;)
BINABASA MO ANG
Stay
Misterio / SuspensoIsang grupo ng magkakaibigang matagal na ang pinagsamahan. Sa halos limang taon, magkasalo sila sa tuwa at kalungkutan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, unti-unti silang nauubos... Sa isang lugar... Isang panahon... Isang pagkakataon... Paano...