Justin's POV
First day of classes ngayon. At ayon, nasa kanya kanya na silang classroom after ng isang napakahabang usapan, asaraan, at tawanan kanina. Normal na siguro samin ang ganon.
Sacred Heart University is one of the most prestigious Catholic schools here in our province. Hindi na ako magtataka kasi ang ganda at ang advance ng edukasyon na ibinibigay nila. Simula grade 5 hanggang ngayong senior high, dito pa rin ako nagstay. Sana all nag stay diba? HAHAHA
Maraming classrooms and facilities ang nandito. From grade school up to college. Kaya sobrang laki ng buong compound. Lahat ng mga rooms ay air conditioned. Sapat ang mga equipments and learning materials para sa lahat ng estudyante.
Aba, dapat lang 'no! Ang mahal kaya ng tuition fee rito! Pero worth it naman lahat kasi after graduation, malaki ang possibility na makakuha agad ng trabaho ang isang SHU graduate. Ang totoo, pinaprioritize talaga ng mga companies ang mga graduate dito sa university kesa sa ibang Institution.
Totoo rin na hasang hasa ang mga estudyante rito. Dahil nga sa dami ng available learning materials, mas maraming natututunan at mas na e enhance pa ang ability ng mga students.
No wonder kung bakit pina prioritize at pinag-aagawan ng nga companies ang isang SHU graduate.
Saka napaka modernize na rin dito sa university. Kasama sa tuition fee mo ang iyong ipad na kung saan, downloaded na ang mga lessons and activities mo. Doon din nakalagay ang mga schedule and different programs sa isang buong school year.
Hindi na uso ang libro rito. High tech na ang lahat. Isa rin ito sa magagandang bagay dito sa university. Sumasabay sila sa trend at nagkakaroon ng innovative ways para mas maging masaya ang pagkatuto.
As I have said earlier, kompleto ang facilities nitong school. May malawak na field, gymnasium, at iba't ibang laboratory. Every club or organization has its own meeting place.
For example, TVAG o Theatre and Visual Arts Guild has a studio. Ang ganda ron grabe! Buong room ay napapalibutan ng malalaking salamin kaya nakaka engganyong magpractice. May malalaking speakers din. Provided ng school lahat ng materials and props kapag may mga theatre plays. At may workshop and training din para sa mga member ng organization na ito.
Sa Science laboratory naman, mapapaWOW ka na lang talaga pag nakapasok ka. Kompleto ito sa mga equipments for experiments and different science-related activities. May malaki rin itong TV sa harap at syempre, may mga upuan at lamesa. Bukod ang lugar kung saan pwedeng mag conduct ng mga delikadong experiments na involved ang mga chemicals. Sa tabi ng lab ay may botanical garden kung saan naroon ang iba't ibang herbs and plants. Kaya maraming young scientist ang nag e enjoy sa paggamit ng laboratory kasi lahat ng kailangan mo, nandoon na. Kaya lang, every member of this club has a identification card. May exam pa kasi bago ka makasali sa club eh.
Sa library mo makikita ang lahat ng klase ng libro. It has almost 5,000 books na iba't iba ang category. May mga educational at meron din namang mga novels, wattpad books, and different stories na nakasulat sa iba't ibang language like Latin, Spanish, Korean and so on. Ang mga libro na nakadisplay dito ay para sa mga estudyante na nangangailangan ng other information or sources sa kanilang research or projects. Every student has library card na pwede nilang gamitin para manghiram o mag-uwi ng libro.
Computer lab is one of the best places here in our school. Ang bawat department ay may kanya kanyang comlab kaya hindi magiging hassle kung kailan o anong oras ito gagamitin. Sa loob, may 50 computer units at lahat ito ay gumagana. Every computer has its own function. May computer na pwedeng gamitin upang mag program ng sarili mong online games, meron ding ginagamit para makapagsearch ng information, at meron namang ginagamit para lang sa mga online games. Sa isang part ng lab, doon mo makikita ang holographic device na pwedeng gamitin upang mas lalong maintindihan ng mga estudyante ang isang bagay. Maaari ring magkaroon ng 3D representation ng mga structure ng isang bagay kung gugustuhin ng nga teachers. At higit sa lahat, kilala ang lab bilang storage of knowledge dahil sa sobrang high tech at modernized nito. Sobrang higpit ng security dito na tanging ang mga ADMIN lang ang nakakaalam kung paano ito bubuksan.
Sa bawat sports or games naman ay may kanya kanyang designated places. At marami ring sports ang inaalok dito katulad ng basketball, badmknton, soccer, baseball, tennis, archery, billiards, at marami pang iba. Madami ring in door games at ang pinakang inaabangan ng mga estudyante ay ang e-games. Nagkakaroon pa nga ng mga representatives ang school sa mga competitions sa iba't ibang bansa at madalas ay nauuwi nila ang trophy.
May mga locker din ang lahat ng mga estudyante dito na may nakalagay na spare uniform kung sakaling may emergency.
Napakatutok din ng school sa spiritual aspects ng mga estudyante. Maraming activities na plinano ang mga teachers and staff together with the student council para mas mapatatag ang faith ng bawat isa kay God. Ito ang isa sa pinakamagandang ino offer ng school kasi hindi lang magaling sa academics or physically fit ang mga mag-aaral dahil nagiging emotionally equipped and spiritually nurtured din sila.
Ang dami ko pang gustong sabihin kaso baka lalong humaba ang exposure ko HAHAHABTW, I am the CSC President kaya alam ko ang bawat detalye nitong school. At heto ako ngayon, naglalakad papunta sa office ni madam principal kasi may kailangan akong ipa approve.
*****
Author's note:
Pinili kong iexplain ang school para mainggit kayo, chour! Gusto ko lang palawakin ang inyong imagination. Gusto niyo na rin ba pumasok sa SHU? HAHAHA

BINABASA MO ANG
Stay
Детектив / ТриллерIsang grupo ng magkakaibigang matagal na ang pinagsamahan. Sa halos limang taon, magkasalo sila sa tuwa at kalungkutan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, unti-unti silang nauubos... Sa isang lugar... Isang panahon... Isang pagkakataon... Paano...