Chapter 1

2.9K 60 3
                                    

So ayun na nga, lately naging baliw ako sa ThaiBL series😍. From TharnType (so much love for this drama) to Why R U which is ongoing pa. Then, sa ngayon may isa pa akong inaabangan at sinusubaybayan at ito nga ang naging inspirasyon ko sa story na ito... ang 2gether the series  na ongoing rin. 😍😍😍

This is just a short intro but hope you'll enjoy reading this...

Kòopkun kràp 🙏

•••

I wish you the best of,
All this world could give...
And I told you when you left me,
There's nothing to forgive...

Napapikit ng mga mata si Win at dinama ang malamig na boses na nagmumula sa kanyang kinahuhumalingang lalaki. Si Greg. Para sa kanya tila mala anghel ang tinig ng binata. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa sayang kanyang nadarama.

Nang matapos ang awitin ni Greg ay agad na inimulat ni Win ang kanyang mga mata. Mataman niyang the tinitigan ang lalaki na nasa entablado. Bigla namang napatingin sa kanya ang binata kaya naman pinamulahan siya ng mukha at agad na iniwas ang tingin nito.

Maya maya pa ay napansin ni Win na tumayo ang lalaki at napitlag siya 'nung tawagin siya nito.

"Win" tawag sa kanya ni Greg. Dahan dahang lumapit si Greg mula sa entablado patungo sa direksyon niya.

"Win."

"Win"

Natulala lang sa kanyang pwesto si Win habang pinagmamasdan ang paglapit ng binata sa kanya. Tinakpan naman ni Win ang kanyang mata dahil nasisilaew siya sa ilaw na nanggagaling sa likurang bahagi ni Greg.

Ngayon ay ang pigura  nalang ni Greg ang kanyang naaaninag. Patuloy lang sa pagtawag ng pangalan niya si Greg.

Nang nasa harapan na  niya ito ay unti unti na niyang tinanggal ang kamay nito sa kanyang mga mata.

"Win"  Pagtawag sa kanya ni Greg. Nakit nito ang pagsilay  ng isang matamis na ngiti mula sa labi ng kanyang crush.

Dahan-dahang  lumapit ang mukha  ni Greg sa kanya. Natuod lang sa kinatatayuan nito si Win habang pinagmamasdan ang unti unting paglapit ng mukha ni Greg sa kanya.

"Win."  Muling pagtawag sa kanya at napatingin naman siya sa mga mata ng kaharap nito. Ginawaran siya nito ng isang matamis na ngiti habang ang mga mata nito'y kumikislap.

Laking gulat ni Win dahil hindi mukha ni Greg ang nasilayan niya kundi ang mukha ng kaibigan nitong si Bright ang nasa harap niya ngayon.

"B-Bright? Ahhhhhhhh!"


"Ahhhhhhhh!!!" Napamulat ng mga mata si Win hapong-hapo dahil sa napanaginipan nito.

Napansin naman niya ang pigura ng isang mukha na nasa may gilid niya. Nang lingunin niya ito'y napasigaw siyang muli dahil  sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Napagtanto niyang ang taong iyon ay si Bright.

Agad siyang napabalikwas at bumangon mula sa pagkakahiga. Kinuha nito ang kumot at ipinangtakip sa katawan nito.

Gulat namang napatingin sa kanya si Bright dahil sa biglaan nitong pagsigaw.

"A-an- anong g-ginagawa mo dito?" Utal utal na tanong ni Win sa kanya.

"Papano ka nakapasok sa room ko?" Dagdag na tanong nito at napatingin siya sa pintuan ng kanyang kuwarto.

Nakakunot naman ang noo ni Bright dahil sa inaakto ng kaibigan nito. Nakita niya ang dahan dahang pagsilip ni Win sa kanyang katawan sa ilalim ng kumot nito. Agad din naman nitong itinakip muli ang kumot sa kanyang katawan.

"Ano bang ginagawa mo? Para kang praning diyan" Tanong ni Bright sa kaibigan at agad na umupo sa kama ni Win.

"A-anong ginagawa mo d-dito? Anong g-ginawa mo sakin?" Utal parin na tanong ni Win kay Bright.

"Alam mo para kang asong nauulol. Wala akong ginawa sa'yo, okay?" Sagot naman ni Bright at napakamot nalang ng kanyang ulo.

" W-wala ka talagang ginawa?" Tanong muli ni Win.

"Wala nga, baliw." Napatingin naman bigla si Bright sa kanya. "Unless... May gusto kang gawin ko sa'yo?" Panunukso nito sa kaibigan habang nakangisi at sinabayan pa niya ng pagtaas-baba ng kilay niya.

Alam nitong bisexual ang kaibigang si Win, subalit ayos lang sa kanya kahit na ganoon ang kaibigan nito. Tanggap niya parin ang pagkatao nito.

"Atsaka ano bang tinatago mo diyan, ha?" Tanong ni Bright at hinawakan ang laylayan ng kumot ni Win. Akamang itataas na sana niya ito nang pigilin ito ni Win.

"Wala akong tinatago. Pwede ba l-lumabas ka muna?" Namumulang saad ni Win sa kaibigan.

"Kung wala ka talagang itinatago..." hinila ni Birght ang kumot ni Win. "Ipakita mo 'yang tinatakpan mo diyan"

Nag-agawan ang dalawa sa paghila ng kumot ni Win. Pinipilit na pagtakpan ni Win ang katawan nito habang si Bright naman ay pilit ding hinihila ang kumot mula kay Win.

Patuloy lang sila sa paghilahan hanggang sa sa wakas ay naagaw narin ni Bright ang kumot kay Win subalit nahulog naman sa kama si Win.

"A-arayyy... Ang sakit nun, ah!" Galit na asik ni Win sa kaibigan.

"Win, pasensiya. Hindi ko sinasadya!" Agad na tinignan ni Bright ang kaibigan na ngayoy nasa sahig na at umiinda ng sakit ng katawan. Napatigil naman siya dahil sa kanyang nakita.

"Win..." Saad ni Bright.

"An--" nanlaki naman ang mata ni Win dahil sa napagtanto nito. Napamaang nalang siya at pinamulahan ng mukha dahil sa nakita ng kaibigan nito.

"G-go Awaaaayyy!!!"

Itutuloy...

Tune In Our Hearts - [BrightWin FanFic -Short Story] | -UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon