Namumugto ang mga mata ni Win. Nakaramdam siya ng hapdi nang idilat niya ito. Nangingitim narin ang ilalim ng kanyang mga mata.Hindi siya umaalis sa kama. Hindi siya pumasok ngayong umaga. Buong magdamag din siyang nagkukulong dito sa kanyang kuwarto. Nag-aalala na ang Tita Sol nito sa kanya.
Sinabi nalang ni Win na masakit ang ulo niya kaya ayaw niyang pumasok ngayon. Ayaw niyang makita ngayong araw ang kaibigan.
Kagabi nang matapos sila magkasagutan ni Bright ay dali dali siyang tumakbo papalayo kay Bright. Hindi niya alam kung bakit niya tinakbuhan si Bright basta ang alam lang niya ay ayaw niyang makita muna ang kaibigan.
Umiiyak siya habang pauwi ng villa kaya naman pinagtitinginan siya kagabi ng kasabayan niya sa jeep.
Nang makarating naman siya sa bahay nila ay agad itong dumiritso sa kuwarto niya at nagkulong. Iyak siya ng iyak. Hindi niya mapigilan ang emosyon niya.
'Sorry' ito lamang ang mga salitang nasabi niya kay Bright.
"Argh! Ang tanga tanga mo Winzelle!" Pinalo palo nito ang ulo. "Ano bang pumasok kasi sa isip mo bakit ka nagtatatakbo?!" Napasabunot ito sa sarili at gumulong gulong na parang baliw sa kama niya.
Matapos ang pagdrama ay napagpasyahan ni Win na maligo bago bumaba. Hindi pa siya nakakain ng agahan kaya nagugutom na ito.
Nang matapat siya sa salamin ay nagulat siya sa kanyang sarili. Gulong gulo nag buhok. Naglalakihang eyebags, nangingitim na mata.
"Teka? Laway ba'to? Eww." Sambit nito sa sarili. Agad siyang naligo upang malinis ang sarili.
Matapos makaligo at makabihis ay nahiga muna siya muli sa kama. Iniisip na naman ang nangyari kagabi. Iniisip na naman niya nag katangahang ginawa niya kagabi.
Nagdabog na naman siya sa kama niya. Maya-maya pa ay biglang may kumatok.
"Win! Bumaba ka muna. Narito kaibigan mo, hinahanap ka!" Sigaw ng Tita Sol niya mula sa labas ng pinto.
Napa 'Shit' naman siya dahil sa narinig. Napablikwas siya sa kama.
"Anong ginagawa niya dito?" Tanong nito sa isip niya. "Pero teka? Kaibigan, ibig sabihin hindi kilala ni Tita Sol. Tama! Baka hindi si Bright iyon." Dahan dahan siyang pumunta sa may pintuan at sumkipi siya dito.
Nais niyang pakinggan ang boses ng bisita. Nadismaya naman siya nang wala siyang marinig na kung ano.
"Si Tita Sol talaga, iniwan niya ba basta ang bisita ko?" Pagmamaktol nito sa isip. Napilitan nalang itong bumaba upang harapin ang bisita.
Laking gulat naman ni Win nang mapagtantong si ang tinutukoy ng Tita Sol niya.
"G-Greg? Anong ginagawa mo dito? Atsaka pano mo nahanap bahay namin?" Nakangiting tanong niya. Pinaupo niyang muli si Greg dahil tumayo ito kanina nang makita siya.
"Binibisita ka siyempre. Atsaka Win, uso magtanong uy! Ang hirap ngang hanapin itong bahay niyo, eh. Nag-aalala kasi ako sa'yo kagabi pa. Tapos kaninang umaga nang pinuntahan kita sa room niyo wala ka naman. Hindi ka man lang nagrereply sa mga text ko." Sunod sunod na saad ni Greg. Napakamot nalang ng ulo si Win.
"Ah, hehe. Medyo masama kasi pakiramdam ko, eh."
"Halata nga. Umiyak ka no?" Tanong bigla ni Greg.
"H-hindi noh."
"Nag-away ba kayo ng kaibigan mo kagabi?" Hindi mapigilan ni Greg ang hindi magtanong. Alam niyang umiyak si Win. Kung umiyak man ito dahil nag-away silang dalawa ng kaibigan nito, alam ni Greg na may kasalan siya. Alam niyang nagselos si Bright kagabi dahil sa ginawa niya. Alam nitong may gusto ito sa kaibigang si Win. Nahahalata niya sa mg titig ni Bright na may gusto ito kay Win, si Win lang naman itong tila walang alam sa nararamdaman ng kaibigan niya. Nakalaklak yata ng maraming anesthesia kaya hindi mahalata ang espesyal na pagtitig sa kanya ni Bright.
BINABASA MO ANG
Tune In Our Hearts - [BrightWin FanFic -Short Story] | -Unedited
Fanfiction"Tss'. Manhid?" ~~~~ "Bakit ka ba nagkakaganyan, ha?" "Nagseselos ako!" "Ano?" ~~~~ "You feel that? It's a tune that's making me crazy. It beats because of you. Just for you, alone. My heart sang your name and its rhythm synced with my heart beats...