Chapter 4

794 40 2
                                    

Alas tres na ng hapon.

Kahit na mababa na ang sikat ng araw ay ramdam pa din ang mainit na dampi nito sa balat. Sa kabila nito, patuloy lang sa pagbilad sa field sina Bright at ilang kasamahan nito sa football.

Nag-eensayo sila para sa nalalapit na palaro. Makakalaban nila ang iba't ibang departamento sa kanilang eskwelahan.

Dinig naman mula sa di kalayuan ang mga impit na sigaw ng ilang kababaihan na kinikilig sa tuwing naipapasa ang bola kay Bright. May ilang kumukuha ng litrato ang ilan sa kanila'y may dala pang banner upang maipakita ang pagsuporta.

Ang ilan sa mga nanunuod ay dumayo pa galing sa ibang departamento upang makita lang ang paglalaro ang mga players ng Engineering lalong lalo na si Bright.

Napapailing nalang si Win dahil sa tilian ng mga kababaihan na di kalayuan sa kinauupuan niya.

"Yiee. Ang guwapo talaga ni Papa Bright ko."

"Akin ka nalang Bright!"

"Lahian mo ako, now na!"

"Hoy, magsitigil nga kayo. Ang kakati niyo. Akin lang si Bright, noh!"

"Ano?!"

"Anong sa'yo? Daydreaming, teh?"

Napatawa nalang ng mahina si Win dahil sa mga naririnig. Iba talaga ang karisma nitong si Bright pagdating sa mga kababaihan at mga feeling babae.

Maya maya pa ay narinig na nila ang pagpito ng coach ng football team. Kinausap nito ang mga players niya sa gitna ng field.

Siguro ay na-dismiss na sila dahil isa isa nang nagsialisan sa field ang mga players. Papalapit naman ngayon sa kinauupuan ni Win si Bright na tila naliligo na sa pawis.

Basa na ang damit nito kaya nahahapit ito sa kanyang katawan kaya naman medyo mahahalata mo na ang may kalakihan nitong pangangatawan .

Lalo tuloy nagsitilian ang mga kababaihan dahil papalapit sa gawi nila si Bright.

Nakangiti itong tumatakbo palapit sa puwesto ni Win.

Nang makalapit na siya ay agad na inihagis ni Win ang towel nito't ipinampunas nito sa pawis sa mukha. Inabutan din siya nito ng tubig at uminom naman siya ng kaunti.

Palaging nariyan si Win sa tuwing ganitong mga pagkakataon. Nais nitong suportahan ang kaibigan at maalagaan man lang kahit na sa pagbibigay lang ng maiinom na tubig o sa simpleng pag-abot lang ng tuwalya.

"Pakipunasan nga ng likod ko, pawis na pawis na eh." Biglang saad naman ni Bright at iniabot ang tuwalya kay Win. Agad naman tumayo si Win at pumwesto sa likod ni Bright.

Isinuksok nito ang tuwalya sa likuran ni Bright at nag-umpisang punasan ito.

Maya-maya pa ay unti unting hinubad ni Bright ang damit nito. Nagsitiliang muli ang mga kababaihan at kabaklaan sa di kalayuan.

Gulat namang napatigil sa pagpunas si Win.

"A-ano bang ginagawa mo, ha?" Takang tanong nito. Nilingon niya ang mga kababaihan na tila hihimatayin na sa kilig dahil sa paghubad ng damit ni Bright. Kitang kita ngayon ang malalaki nitong braso at abs na nakaukit sa tiyan nito.

Nilingon  nito si Win na napatulala lang sa kanya. Ngumiti naman siya sa kaibigan.

"Punasan mo na. Hinubad ko lang. Para hindi ka mahirapan." Nakangiting saad niya. Nakunot noo naman si Win at napatitig lang sa kanya.

Dahil sa hindi pa rin gumagalaw ang kaibigan ay kinuha nito ang kamay ng kaibigan at iginiya ang kamay nitong may hawak ng tuwalya sa kanyang dibdib.

Tune In Our Hearts - [BrightWin FanFic -Short Story] | -UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon