"Bright, anuba. Umayos ka nga!"
Nagsasabong na naman ang mga kilay ni Win dahil sa kalokohan nitong kaibigan niya. Pinipilit siya nitong subuan ng lumpiang na binili nito kanina.
"Sige na kasi, isa lang. Sige na... " Pagngungulit ni Bright na tila bata. Nakita naman ni Win ang pagdip nito sa ketchup.
Seriously? Ketchup talaga? Inis na giit ni Win sa isip nito. Hinarap naman niya ang kaibigang malalapad ang ngiti sa mukha.
Nagulat naman si Win nang idinampi ni Bright ang lumpia sa bibig nito. Dumikit ang ketchup sa nakasara nitong bibig. Lalo tuloy nainis si Win dahil sa ginawa nito. Samantala si Bright naman ay tawang tawa dahil sa reaksyon ni Win.
"Ang baboy mo talaga kahit kailan." Inis na turan ni Win at kumuha ng table napkin sabay punas si bibig nito. Nakita naman nitong kinain na ni Bright ang lumpiang isinubi nito sa bibig kanina. Tila proud na proud pa nitong nginunguya ang lumpia habang nakaharap kay Win.
"Bahala kasa buhay mo! Manigas ka!"
"Ehhh! Gulf naman... Sorry na kasi-"
Napalingon naman ang dalawa nang marinig nila ang pamilyar na boses ng dalawang taong tila nag-aaway.
"Sila na naman?" Mahinang sambit ni Win nang mapagtantong sina Mew at Gulf nga ang nasa kabilang table.
Nag-away na naman siguro itong dalawa.
"Hayaan na natin sila." Kinuha nalang ni Bright ang natitirang lumpia sa plato iya at agad iyong nilantakan.
Maya maya pa ay muli nilang narinig ang pag-angil ni Gulf kay Mew. Nang muli nila itong tiningnan ay nakita nilang nagsasalubong na ang mga kilay ni Gulf dahil sa inis nito sa kasama.
"Hindi ka na nakakatuwa, Mew ha." Inis na sambit ni Gulf.
Nagulat naman ang dalawa sa sunod na ginawa ni Mew. Niyakap nito ang katabi na tila inaalo. Nagpumiglas naman ng mahina si Gulf.
"Sorry na kasi, hindi ko naman sinasadya iyon, eh."
Namilog naman ang mga mata ni Win nang makita nito ang mabilis na paghalik ni Gulf sa pisngi ni Mew, na ikinapula ng mukha nito. Tila humupa naman ang inis nito dahil sa ginawa ni Mew.
"Tumigil kana nga. Mamaya may makakit pa sa'tin" kumalas naman agad ng yakap si Mew dahil sa sinabi ng katabi nito.
Nang lingunin ni Bright si Win ay nakita nitong namumula rin ito dahil sa nasaksihan. Nag-iwas naman ito ng tingin nang magtagpo ang kanilang mga mata.
Napatawa naman ng marahan si Bright dahil sa naging reaksyon ng kaibigan.
Naalala niya tuloy ang nangyari noong nakaraang biyernes.
*FLASHBACK*
"Hoy! Antayin mo'ko."
"Bahala ka sa buhay mo, manyak ka!"
Umaalingawngaw sa buong building ang sigawan nina Bright at Win habang naghahabulan pababa.
Mga ilang liko pa ang ginawa nila bago tuluyang makalabas.
Hapong hapo naman si Bright nang makarating sila sa Ground Floor. Tanaw niya mula sa kinatatayuan si Win na hapong hapo rin dahil sa katatakbo.
"Hoy, Winwin!" Kapos man sa hininga ay tumakbong muli si Bright patungong kinaroroonan ni Win.
"Winwi-!" Agad naman tinakpan ni Win ang bibig ni Bright. Nangunot naman ang noo nito dahil sa inaakto ng kaibigan.
Nakita niyang sumenyas ito na wag maingay. Napairap naman siya dito.
BINABASA MO ANG
Tune In Our Hearts - [BrightWin FanFic -Short Story] | -Unedited
Fanfiction"Tss'. Manhid?" ~~~~ "Bakit ka ba nagkakaganyan, ha?" "Nagseselos ako!" "Ano?" ~~~~ "You feel that? It's a tune that's making me crazy. It beats because of you. Just for you, alone. My heart sang your name and its rhythm synced with my heart beats...