Chapter 6

677 30 0
                                    

Ilang araw na rin magmula 'nung mangyari ang tampuhan at pag-aayos nina Bright at Win.

Ngayon nga ay huling araw na ng linggo. Medyo maluwag ang schedule nila ngayong araw na ito. Hanggang 11:30 lang ang klase nila sa umaga at wala na silang klase mamayang hapon.

May praktis naman mamayang alas tres sina Bright dahil sa susunod na buwan na gaganapin ang sports fest sa kanilang eskwelahan.

Kasabay ng pagsimula ng Sports Fest ay ang pagsisimula rin ng Singing and Dance Showcase na taunang ginaganap din sa eskwelahan nila.

Ngayon pa lang ay abala na ang ilan sa paglagay ng mga posters at banners para sa magaganap n showcase.

Ang music at dance club ang nagha-handle ng programang ito.
Ginagawa nila ito to bring entertainment. Sa buong linggong palaro ay buong linggo rin ang pagtatanghal na gagawin ng dalawang club.

Sa opening program pa lang ng Sports Fest ay magtatanghal na agad ang music club. Isa sila sa naatasang mag perform sa gagawing pagbubukas.

Noong nakaraang taon ay ang dance club ang naatasang magperform para sa aktibidad na ito.

Mahalaga para sa music club ang pagtatanghal na gagawin sa opening program. Isa kasi ito sa inaabangang bahagi ng programa tuwing opening ng Sports Fest. Mahalaga na maganda kaagad ang maging impresyon ng madla para sa magaganap na pagtatanghal.

Sa gabi naman ay mag-uumpisa na ang salitang pagtatanghal ng music at dance club.

Gabi-gabing ay magkakaroon ng pagtatanghal mula alas-siyete hanggang alas-otso o alas-nuwebe ng gabi.

Sa pagtatapos naman ng linggo ay  magaganap ang huling araw ng palaro. Magkakaroon din ng awarding cermony simula sa hapon para sa mga nanalong team o players.

Kasunod ng gagawing awarding ay ang huli't enggrandeng performance na gagawin ng dalawang club.

Isa rin ito sa inaabangang parte ng lahat ng estudyante sa paaralan nila. May magaganap na ala-concert na pagtatanghal ang dalawang club. May magaganap ding fireworks display sa bandang huli ng programa.

Sa gabing ito ay pinapayagan ng eskwelahan ang pagpapapasok ng ibang tao. May mga tickets silang ibebenta at ang maiipon nito'y mapupunta sa fund ng parehong club.

"Morning, Winwin!"

Masiglang bati ni Bright sa kanya. Inakbayan nito ang kaibigan at sabay na naglakad papasok ng eskwelahan.

Maraming kababaihan ang tumutitig sa dalawa, lalo na kay Bright. Tila hangin naman para sa kanya ang presensya nila.

Wala itong pakialam kahit titigan pa siya ng lahat o pagpantasyahan man. Para sa kanya sapat na ang atensyong ibinibigay ng taong bumihag sa puso nito.

Ang taong mahigpit na inaakbayan nito— si Win.

Habang naglalakad patungong classroom ay napatingin si Win sa paligid ng school. Nakita niya ang ilang estudyanteng busy sa pagkabit ng ilang posters sa bulletin boards. May ilan ding nagkakabit ng banners at streamers.

Talaga namang pinaghahandaang mabuti ng school ang paparating na double event.

"Siya nga pala, Bright may meeting tayo mamayang hapon sa clubroom, ha." Biglang sambit ni Win. Naalala niya kasing may magaganap na pagtitipon sa clubroom mamaya. Siguro ay tungkol iyon sa paparating na event. Magiging busy na naman sila nito dahil sa event na ito.

"Naku, Winwin may practice game din kami mamayang alas tres ng hapon, eh. Hindi na siguro ako makakapunta niyan." Malungkot na saad naman si Bright. Nais din niyang makibahagi sa pagpupulong na magaganap. Gusto rin kasi ng dalawa na mapili rin bilang isa sa magtatanghal sa event.

"Oh? Sayang naman. Hayaan mo kapag napili ako bilang isa sa magtatanghal ay isa-suggest din kita." Sagot naman ni Win na ikinangiti ni Bright

"Taas ng confident natin, ah?" Pangangantiyaw pa niya sabay gulo ng buhok nito. Nainis naman si Win dahil sa ginawa niya

"Siyempre naman, noh. Ayoko na kasing mag usher muli. Nakakapagod na, noh." Nakangusong sagot ni Win. Nung huling taon kasi ay naatasan silang maging usher ng ilang performer nila. Sila ang tumutulong sa backstage. Nung first year naman sila ay naging props men naman sila. Maswerte na sigurong maituturing para kay Bright ang maging isa sa punong maskot sa ginanap na musical play noong first year sila.

Si Win naman ay hindi pa rin pinapalad na makatungtong ng stage at magtanghal.

"At isa pa. Tiyak ay mapipili ka rin naman. Sa pagkakaalam ko kasi si Ate Brenda ang magiging head ng music club, eh. Crush ka kaya 'nun kaya panigurado na mapapasali ka sa listahan." Nakanguso pa ring saad ni Win.

Kinurot naman ni Bright ang ilong nito dahil sa pinagsasabi nito.

"Huwag ka din mag-alala. Kapag nasali nga talaga ako. I re-reto din kita. Malakas kaya ako kay ate Brenda, diba nga sabi mo crush ako, nun?" Masiglang saad naman ni Bright upang pagaanin ang loob ng kaibigan nito.

"Oo na. Sige na. Basta ha, sabay tayong mag-pe-perform." Nakangiting sambit ni Win. Napatitig naman si Bright sa kanya saka ngumiti.

•••

"As we have discussed earlier, solving simple strain that are assumed to be constant are undergoing certain conditions and these are; first, The specimen must be of constant cross section;  second, The material..."

Busy ngayon sa pagtuturo ang guro nina Win sa gitna. Strength of Materials o Engineering Mechanics ang subject nila ngayong araw. Ito lang ang subject nila buong umaga. Two and a half hour ang klase nila dito.

Isa ito sa sinasabi nilang pinakamahirap na subject sa engineering. Sabi nila kapag naipasa mo ito ay sisiw nalang ang ibang susunod na mga subjects.

Tila nanlalanta naman sa dahil sa discussion nila itong si Win. Hindi na nga ito nakikinig ng mabuti sa guro dahil tila naubos na ang brain cells nito sa ilang oras na puro numero lang ang nakikita.

Maya maya pa ay biglang may papel na tumama sa ulo nito.  Galit na nilingon nito ang nambato ng papel. It's Bright.

Sinenyasan siya nitong pulutin ang papel na ibinato. Tinaasan niya lang ito ng kilay dahil hindi niya maintindihan kung anong kalokohan ang ginagawa nitong si Bright.

Kahit na naiirita ay pinulot pa rin ni Win ang papel at agad na binasa ang nakasulat dito.

Napangiti siya dahil sa nabasa niya. Napalingon siya kay Bright na nakangiti rin nakatingin sa kanya. He mouthed the word 'Ano?'. Napatango naman si Win sa tanong nito.

Agad na tumayo si Bright at nagpaalam sa guro na magbabanyo lang. Hindi naman ito tinapunan ng tingin man lang ng matandang guro. Busy lang ito sa pagsasalita sa gitna. Panaka naka na itong sumusulat ng equations sa white board.

Tumingin muna si Win sa mga kaklase nito. Ang ilan sa kanila ay hindi narin nakikinig ng mabuti sa guro. Nababagot narin ang mga ito.

Pasimple lang na tumayo si Win at nagpaalam rin na magbabanyo.

Nang makalabas na siya'y walang inagay nitong tinahak ang hallway dahil may nagle-lesson din sa ibang classrom.

Nadatnan nito sa may hagdan ang kaibigan nanaghihintay. Napangiti sila sa isa't isa dahil sa kalokohang gagawin nila.

'tara cafeteria?' ito ang nakasulat sa papel na ibinato si Bright kanina.

Dali dali silang bumaba ng building nila at tinahak na ang cafeteria.

Itutuloy...

Tune In Our Hearts - [BrightWin FanFic -Short Story] | -UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon