Ilang araw pa ang lumipas at lalong naging abala pa ng husto ang buong paaralan para sa gaganaping Sports Fest.
Mas pinaigting na rin ang ginagawang pag-eensayo ng music and dance club para sa gagawing performance.
Dahil sa pagiging busy sa practice ay malimit nalang na magsama sina Bright at Win.
Tuwing klase lang sila nagkikita dahil pati sa break at lunch time ay pumunta si Win sa music clubroom o di kaya'y sa room kung saan sila nag-eensayo ng buong banda.Kahit sa hapon ay malimit na rin silang sabay na umuwi dahil minsan ay nauuna na lang na umuwi si dahil na rin sa pagod na siya pagkatapos nilang mag practice. Hindi na nito hinihintay pa si Win dahil ginagabi din sila kung matapos minsan.
"Oy, Winwin. Sama ka? Tara cafeteria." Nakangiting bungad ni Bright sa kaibigan nang matapos ang kanilang klase. Nag-aayos na si Win ng kanyang mga gamit. Nagulat naman ito dahil sa tanong ni Bright sa kanya.
"Ha? Uhm. Ano kasi Bright, eh–"
Napakunot ng noo si Bright dahil sa nag-aalangang si Win. Napapahawak ito sa batok niya sabay himas nito.
"– n-nag text kasi kanina si Greg... Nagpapasama din siyang kumain." Nag-aalangang sagot ni Win. Napangiwi pa ito ng bahagya.
"Ganon? O edi sakto sabay na tayo. Tara!" Nakangiting turan ni Bright.
"Ano... Kasi sa may practice room kasi kami kakain, sorry talaga Bright." Napakagat sa labi nito si Win. Unti unti namang nawala ang ngiti ni Bright dahil sa sinabi nito.
"Ganun ba? O edi sa susunod na araw nalang siguro." Nagpakawala ng pilit na ngiti si Bright. "Pero teka? Nag tetext na pala kayo nito ni Greg? Hanep ah. Lumelevel up si Winwin." Inakbayan nito ang kaibigan habang pilit na ginagawang masaya ang tinig nito.
"Baka naman dumadamoves kana niyan kay Greg, ah." Panunukso nito sa kaibigan. "Baka mamaya niyan... Palitan mo na ako, ah. Magseselos ako..." Lungkot lungkutan na saad niya kahit na alam niyang sa loob loob niya ay talagang malungkot nga talaga siya.
Sa likod ng masasayang tawa at matamis na ngiti niya ay puro kalungkutan ang laman niyon.
"Ha? Oa mo dun, ah. Baliw." Binatukan nito si Bright na napahawak naman sa parteng binatukan.
"Hindi kita papalitan, noh. Nag-iisa ka lang kaya. Wala na akong mahahanap na kagaya mo–" Nakangiting saad ni Win na ikinalaki naman din ng ngiti ni Bright. Natutuwa siya sa sinabi ng kaibigan. "– Best friend at alam kong alam mong hinding hindi kita papalitan." Lumamlam naman bahagya ang ngiti ni Bright dahil sa huling sinabi ni Win.
Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ni Win. Kinuha niya ito sa kanyang bulsa. Nang binuksan niya ito'y tumambad sa kanila ang mensahe ni Greg.
Papunta na ito sa room nila ngayon. Nabura naman na ng tuluyan ang ngiti ni Bright dahil sa nabasa. Si Win naman ay mas lalong lumaki ang ngiti dahil dito.
"Kyut!"
Umalingawngaw bigla ang boses ni Greg. Nasa labas na ito naghihintay kay Win. Nginitian naman nito si Win at Bright nang lumingon sila.May sukbit pa itong gitara sa likod at may supot na bitbit.
"Nandiyan na pala si Greg. Bright mauna na ako, ha. Pasensya na talaga." Nakangiting saad ni Win na agad na tumayo't lumabas.
Napangiti't napabuntong hininga nalang si Bright nang tuluyan nang umalis ang dalawa.
•••
Prrrrt!
"Bright! Anuba?! Break muna!" Sigaw ng coach ng football team kay Bright. Kanina pa ito na-fu-frustrate sa ginagawa ni Bright. Tila wala ito sa sarili habang naglalaro.
BINABASA MO ANG
Tune In Our Hearts - [BrightWin FanFic -Short Story] | -Unedited
Fanfiction"Tss'. Manhid?" ~~~~ "Bakit ka ba nagkakaganyan, ha?" "Nagseselos ako!" "Ano?" ~~~~ "You feel that? It's a tune that's making me crazy. It beats because of you. Just for you, alone. My heart sang your name and its rhythm synced with my heart beats...