Chapter 2

1.3K 54 0
                                    

Lunes ng umaga.

Tahimik na tinatahak ni Win ang daan patungong klase nila.

Nakasaksak ang earphone sa kanyang mga tenga.

Patango-tango siya habang sinasabayan ang musikang nagbibigay ingay sa kanyang paglalakad.

Tanaw niya sa bawat sulok ang mga estudyanteng nagkakasiyahan.

Mataman lamang siyang naglalakad na mag-isa.

Si Winzelle Labao o mas kilala sa tawag na Win o "winwin" kung tawagin minsan ng matalik nitong kaibigang si Bright ay isang ulila. Namatay ang kanyang mga magulang noong walong taong gulang pa lang siya. Namatay sila habang nasa serbisyo. Ang kanyang mga magulang ay nagtatrabaho bilang mga Nurse sa isang pribadong ospital.

Nagkaroon noon ng isang malakas na lindol na nagdulot ng pagkaguho ng ilang bahagi ng kanilang ospital na pinagtatrabahuhan. Napabilang sa 8 nasawi ang kaniyang mga magulang. Nadaganan sila ng ilang pader na bumigay habang inililigtas palabas ang ilang pasyente ng ospital.

Nagkakilala naman silang dalawa ni Bright noong sila ay mga bata pa. Madalas na tuksuhin noon si Win sa kanilang dating paaralan. Si Bright ang naging tagapagtanggol nito mula sa mga bullies niya. Sa katunayan siya lang ang naging kaibigan nito noong elementarya. Nagsimula lamang na makipaghalubilo sa iba si Win noong nag high school na sila dahil naisip niyang masyado na siyang nakadepende kay Bright.

Nagkaroon man siya ng ilang kaibigan subalit para sa kanya ay si Bright lamang ang maituturing niyang karugtong na ng kanyang bituka.

Si Bright Illagan ay ang bunso sa tatlong magkakapatid na anak ng isa sa mayayamang pamilya sa lugar nila. Isa rin sa may malaking kontribusyon ang pamilya niya sa paaralang kanilang pinapasukan sa ngayon.

Isa siya sa miyembro ng football team ng kanilang paaralan kaya naman ay sikat ito sa paaralan nila idagdag mo pa ang napakaguwapo nitong mukha. Maraming mga kababaihan ang nais na maging boyfriend sya pero hindi niya ito pinapansin.

Maraming mga nagbibigay ng mga sulat, pagkain, inumin at kung ano ano pa sa kanya.

Parehong hilig ng dalawa ang pagkanta kaya nga sumali sila pareho sa isang music club.

"Hi, baby boy. Good Morning" nakangiting sambit ni Bright sa kaibigan. Inakbayan niya ito at kinurot ang pisngi nitong namumula dahil sa sinabi nito.

"Stop it, will you?" Nakabusangot na sagot ni Win sa kanya. Tinanggal nito ang pagkakaakbay ng kaibigan at mabilis na naglakad.

"Uyy, wala man lang bang 'good morning din sa'yo, pogi' diyan? Galit agad?" Ika ni Bright habang pilit na sinasabayan ang mabilis na lakad ni Win.

Napatingin naman si Win sa kanya. "Pogi ka diyan. 'Lul mo."

"Hala, baby boy bakit? Pogi naman talaga ako ha." Pagpapakyut na saad ni Bright.

"Pogi mo mukha mo. Saan Banda? Tss'. And please pwede ba. Itigil mo 'yang pagtawag sa akin ng.. baby boy." Asik na sagot ni Win na may pag-alinlangang binigkas ang huling mga kataga.

" Chillax~ Ano bang mali sa pagtawag ko ng baby boy, ha?" Nagpipigil ng tawang tanong ni Bright kay Win, na ngayo'y namula ng husto ang mukha.

"Uy, baby boy? Baby boy?" Panunukso nito.

"Tumigil ka na nga." Hindi makatingin si Win sa kaibigan nito. Naaalala niya kasi ang nangyari noong isang araw.

*FLASHBACK*

"Win..." Saad ni Bright.

"An--" nanlaki naman ang mata ni Win dahil sa napagtanto nito. Napamaang nalang siya at pinamulahan ng mukha dahil sa nakita ng kaibigan nito.

Tune In Our Hearts - [BrightWin FanFic -Short Story] | -UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon