Chapter 3

838 41 0
                                    

Tanghali na subalit tila hindi pa rin humupa ang kasiyahang nadarama ni Win dahil sa na kausap nito kanina ang crush nitong si Greg. Subalit si Bright naman ay buong magdamag rin nakabusangot dahil sa inaakto nitong kaibigan niya. Hindi niya parin talaga mawari kung bakit patay na patay si Win kay Greg.

Narito sila ngayon sa kanilang clubroom at nakatambay. Naisip nila na dito na muna mamalagi dahil wala rin naman silang ibang gagawin. Masiglang inaayos ni Win ang ilang mga instrumento na naroon. Habang ginagawa niya ito'y nag ha- hum siya na ikinaiirita naman ni Bright, na nakaupo lang sa sulok habang nagsi-strum ng gitara.

"Labas lang ako." Biglang saad ni Bright na agad inilapag ang gitara sa mesa. Nilingon siya ni Win at agad din tinalikuran at bumalik sa pag-aayos ng mga instrumento.

"San ka pupunta?" Tanong ni Win nang nakatalikod. Mas lalo tuloy nainis si Bright sa hindi nito pagtapon ng tingin sa kanya.

"Bibili lang ako ng makakain at maiinom. May gusto ka bang ipabili?" Ika ni Bright, kinuha nito ang bag niya at isinukbit.

"Tubig nalang." Sagot naman ni Win na hindi parin lumilingon. Lumabas nalang si Bright dahil tila wala itong mapapala sa kaibigan. Ibinagsak niya ang pinto nang siya'y lumabas. Nagulat naman si Win at napatingin bigla sa pintuan.

"Problema 'nun?" Tanong nito. Agad na niyang ipinagpatuloy ang pag-aayos.

Nang matapos na si Win ay kinuha nito ang gitarang inilapag ni Bright kanina. Nagsimula siyang mag strum ng kung ano anung chords basta may mai-strum lang. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-strum ay napatigil siya. He started humming a song. Napangiti siya dahil may naisip siyang kanta. Inayos niya ang pagkakahawak sa gitara at ipinatong ang kanang paa sa isang silya upang alalayan ang gitara.

There's a song that's inside of my soul. (STRUM)
It's the one that I've tried to write over and over again. (STRUM)
I'm awake in the infinite cold.

(He continued to strum the guitar)

But you sing to me over and over and over again.

So, I lay my hands back down.
And I lift my head and pray.
To be only yours, I pray, to be only yours.
I know now you're my only hope.

Sing to me the song of the stars.
Of your Galaxy dancing and laughing and laughing again
When it feels li--

Bigla namang napahinto si Win sa pagkanta dahil sa kalampag na nanggagaling sa likuran niya. Nang hinarap niya kung sino ang naroon ay nanlaki ang mata niya sa gulat.

It's Bright.


Nah, si Greg.

Hindi siya makapaniwala. Inilapag niya ang gitara sa mesa at yumukod ng kunti bilang pagbibigay paumanhin. Hindi siya makatingin ng diritso sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Lumapit naman si Greg sa kanya nang nakangiti.

"Sorry. Naabala ko pa yata ang pagkanta mo." Pagapaumanhin ni Greg at napakamot pa ito sa ulo niya. Nginitian lang siya ni Win. Hindi niya alam ang sasabihin. Itinuon nalang ni Win ang tingin sa may bintana sa gilid kaya napatingin din doon si Greg.

"So?" Panimula ni Greg. Nagulat ng kaunti si Win kaya nilingon niya ito. Nagtama ang kanilang mga mata. Napalunok nalang si Win dahil sa nangyari, nakangiti ngayon sa harap niya ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso nito. Ramdam niya ang pag-akyat ng init sa mukha niya.

"Ang galing mong kumanta, ah. Bago kalang ba sa club? Freshmen?" Tanong ni Greg sa kanya. Umiling iling si Win.

"H-hindi. Third year na ako... A-at matagal na rin akong m-member ng club na'to." Nahihiyang sagot ni Win. Sa wakas, may lumabas naring mga salita mula sa bibig nito.

Tune In Our Hearts - [BrightWin FanFic -Short Story] | -UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon