Chapter 12

568 30 0
                                    

Ilang araw pa ang mabilis na lumipas at ganon parin ang setup ng magkaibigang Bright at Win.

Nais mang kausapin ni Win ang kaibigan subalit wala siyang lakas ng loob upang gawin iyon. Iniisip pa lang niyang harapin at kausapin si Win ay dinadaga na siya.

Sa mga nagdaaang araw naman ay mas lalong naging abala ang kanilang paaralan dahil sa papalapit nang papalapit na ang Sports Fest. Excited ang lahat lalo pa at bukas na magaganap ang pinakainaabangan nilang event. Dahil na rin pagiging busy sa practice sa football ay nakalimutan na rin minsan ni Bright ang galit nito sa kaibigan.

Naisip ni Bright na masyado nga naman talaga siyang nagpadala sa bugso ng kanyang damdamin. Hindi niya na nakontrol ang sarili noong gabing iyon lalo na noong makita niya ang pagdampi ng labi ni Greg sa pisngi ni Win. Galit na galit siya. Naiinis siya hindi lang kay Greg kundi pati na sa sarili nito.

Kung sana ay matagal na nitong inamin ang nararamdaman kay Win, edi sana hindi na ito nalapitan pa ng ibang lalaki. Edi sana hindi na ito lalapit pa kay Greg. Sana... Hindi sila ganito ngayon.

Ngunit lahat ng 'sana' nyang naiisip ay tila paulit ulit na dinurog at inapak apakan. Naisip niya kung noon pa nga naman niya ito inamin. Edi malamang hindi sila aabot hanggang college na magkasama. Base sa naging reaksyon ni Win napaisip siyang muli. Paano kaya kung noong gabing iyon ay hindi siya nag-burst out? Paano kaya kung hindi siya napaamin?

Masaya pa rin sana sila ngayon  na magkasama. Malimit man na makapagbonding pero atleast wala sila sa sitwasyong ito.

Miss na miss na nito ang kaibigan. Miss na miss na nito ang mga ngiti, pagtawa at kakulitan ni Win. Sana... Sana talaga ay magkaayos na sila dahil hindi niya kakayanin ang lubusang paglayo ni Win.

Sa tuwing magkatabi sila sa klase ay alam nitong naiilang si Win sa kanya.

Hindi man siya kumikibo at tila walang pakialam pero sa kaloob looban niya para na siyang sasabog. Gustuhin man niyang makipag-usap at makipagbari sa kaibigan ay hindi niya magawa gawa.  Natatakot siya na baka hindi siya nito pakinggan at pansinin.

Naupo si Bright sa seaside wall at pinagmasdan ang namumulang dagat dulot ng papalubog nang araw. Napangiti at napapikit siya dahil sa nasilayan. Tumama naman sa kanya ang malamig at preskong hangin. Naririnig nito ang paghampas ng mga alon.

Wala na silang practice mula pa kahapon kaya naisip niyang magliwaliw muna upang ma refresh ang utak niya. Masyado na siyang maraming iniisip nitong mga nakaraang linggo.

"Ang lalim ng iniisip natin ah." Napalingon si Bright nang bigla nalang may magsalita. Nagulat naman siya ng makita si Mew na nakatayo mula sa di kalayuan. "Sorry, naistorbo yata kita. Hindi kona kasi kayang hindi ka kausapin. Kanina pa kasi kita nakikitang panay ang buntong hininga. Baka mamaya tumalon ka nalang bigla sa tubig." Nakangiting saad ni Mew. Napabalik nalang ng tingin sa dagat si Bright. Umupo naman sa di kalayuan lang si Mew.

"Babae yan, ano? Problema sa lovelife?" Tanong ni Mew.  Napalingon siya muli rito at nakita niya itong nakatingin sa dagat. Hindi siya nito hinarap.

"Sorry masyado lang talaga akong pakialamero."  Sabi ni Mew na sa wakas ay tumingin na rin sa kanya. Napasmirk naman si Bright sa kanya sabay iling. "Mew nga pala." Pagpapakilala nito sa sarili.

"Kilala na kita. Nakikita kita minsan sa school at sa music club." Sagot naman ni Bright.

"Nice, pero teka? Hindi naman siguro kita stalker, ha? Hindi ka naman siguro bakla di'ba?" Tanong pa ni Mew kaya kumunot bigla ang noo ni Bright medyo naiinis na sya dahil sa mga lumalabas na salita sa bibig ni Mew.

"Eh, kung sapakin kaya kita para malaman mo kung sino ang bakla! Kapal ng apog mo!" Galit na turan ni kay Mew, itinaas pa nito ang kamao na waring pinagbabantaan si Mew na natawa lamang sa sinabi nito.

"Sorry na. Nagsisiguro lang baka kasi mamaya magalit na naman ang wify ko dahil ini-entertain ko na naman ang mga may crush sa'kin." Sagot naman ni Mew na tila kinikilig pa nang mabanggit ang salitang 'wify'.

"Eh sa hindi nga kita gusto. Hindi tayo talo, uy!" Pinaningkitan ni Bright ng titig si Mew.

" Chillax kalang, masyado kang hot. Napaghahalataan kana niyan eh." Panunukso pa ni Mew.

"Aba't—"

" Teka lang! Teka lang!" Natatawang pagpipigil ni Mew kay Bright nang tangka na sana itong tatayo at susugurin siya. "Binibiro kalang naman eh. Oo na. Alam ko namang hindi mo ako type eh." Sabi pa niya.

"Pinapainit mo pa kasi lalo dugo ko, eh." Giit pa ni Bright. "Pero teka? Sinong wify ang tinutukoy mo? Hindi ba kayo ni Gulf? Nakikita ko kasi kayo minsan at ang sweet sweet niyo. Wag mong sabihing two-timer ka." Pagpuna ni Bright, akala niya kasi sila nang dalawa.

"Kami nga."

"Ha?"

"Si Gulf at si 'wify' kasi na tinutukoy ko ay iisa. Well, hindi pa kami opisyal but we hang out like we are couple, just no label." Nakangiting saad ni Mew. Hindi ito nahihiyang ipaalam ang relasyon nila ni Gulf. "Eh, ikaw ano nga pala ang problema mo? Babae yan, ano?" Napailing naman si Bright dahil sa tanong niya.

"O edi lalaki yan? Bakla ka nga talaga siguro." Dahil sa sinabi sinamaan ng tingin ni Bright si Mew. Agad naman itong nag peace sign sa kanya habang nakangiti parin.

"Hindi naman kasi lovelife ang pinoproblema ko." Inis na sambit nito at nag-iwas na ng tingin. Itinuon niyang muli ang tingin sa kumikislap na dagat.

"At ako pa talagang niloko mo? Sa mukha mong iyan. Siguradong sigurado ako na lovelife yan. Aminin mona kasi, napagdaanan kona rin yan." Giit ni Mew. "Napagdaan na rin namin ni Mew ang ganyang stage. Akala ko nga noon ay hindi  talaga kami magkakatuluyan. Takot na takot ako noong mga oras na iyon. Ayoko ko siyang mawala, hindi ko kakayanin pag nagkataon." Malungkot na pagkukuwento ni Mew.

Kita sa mga mata ni Mew ang kalungkutan habang sinasariwa ang hirap at sakit na pinagdaanan nilang dalawa ni Gulf. Napabuntong hininga nalang siya bago muling ngumiti at humarap kay Bright.

"Ang drama mo." Napairap pa si Bright dahil sa kadramahan ni Mew.

"Atleast may lovelife." Panunukso pa ni Mew. Inangilan naman siya si Bright.

"Edi wow ka. Ang dram mo parin." Giit pa ni Bright.

"Bitter kalang palibhasa kasi wala kang lovelife." Napatawa pa si Mew nang makita nitong masama ang tingin ni Bright sa kanya. Tumayo ito bigla at nagpagpag ng sarili.

"Aalis na ako."

"Mabuti naman at naisip mo iyan."

Napatawang muli si Mew.

"Kung ano man iyang pinagdadaanan niyo ng partner mo. Matatapos din iyan. Lambingin mo kasi paminsan minsan. Kahit naman wala sa mukha mo ang salitang lambing alam ko kaya mo yan." Natatawang pagpayo pa ni Mew. Agad na din itong umalis dahil ang sama na talaga ng paningin ni Bright sa kanya.

"Adik..." Inis na giit nito sabay hagis ng bato sa dagat. Pinagmasdan niyang muli ang ma along dagat habang unti unti nang lumulubog ang araw. Napabuntong hininga siya at napapikit. Naisip niya na sana sa paglubog ng araw at pagsakop ng dilim ng buong paligid ay sana matangay rin nito palubog ang tampuhang namamayani sa pagitan nila ni Win.

Itutuloy ...

Tune In Our Hearts - [BrightWin FanFic -Short Story] | -UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon