||••CHAPTER 1••||

385 62 10
                                    

Ngayon ang araw na nagpasya akong umamin sa taong mahal ko, Si Calyx Valdez ang anak ng may-ari ng aming university.

'kaya mo ito Cynea aamin kalang na mahal mo yung tao walang dapat ikakaba.'Sabi ko sa sarili ko. Mahigpit kong hinawakan ang lunch box na dala ko para sa kanya.

'Sana magustuhan niya ang luto ko nakailang practice din ako bago naging perfect ang lasa.'

"Hoy, Cynea para kanino yang dala mong lunch box kumain na tayo kanina ah." Tanong ng kaibigan kong si Ainaa.

"Para kay Calyx ito gurl, aamin na ako sa kanya." kinakabahan kong sabi. Oh, God pakiramdam ko mahihimatay na ako sa kaba.

"Wow aamin kana talaga after 10 years na pag sunod mo sa kanya nag karoon karin ng lakas ng loob, wait nga pupunta ako simbahan ipagtitirik kita ng kandila gurl dadalawahin ko para sa good results ng pag-amin mo." Isang kisap mata lang nawala na sa paningin ko si Ainaa.

"Ang babae na yun talaga bigla nalang nawawala." hindi ko na pinansin ang nawala kong kaibigan. Nag-umpisa na akong maglakad kong nasaan ngayong oras si Calyx.

Sa 10 years kong pagsunod sa kanya lahat ng schedule niya alam ko kong nasaan siya nandun din ako. One time nga pumasok siya ng bar kaya no choice ako kungdi ang sumunod din muntik pa akong mamanyak ng isang lalaki dahil sa suot ko buti nalang may nagligtas sakin.

Hindi ako ganon manamit dati pero ng malaman ko na mga sexy ang gusto ni Calyx nag effort akong bumili ng mga sexy dress.

"Hi, C-Calyx." utal kong bati ng makalapit ako sa grupo nila.

"Naks Calyx nilapitan ka din ni Miss Crazy on you hahaha." sigaw ni Killian kasama nila sa council pinalo nito ang likod ni Calyx habang tumatawa, nagtawanan din ang iba pa nilang kasama ng samaan sila ng tingin ni Calyx.

Si Calyx ay member ng Council sa school namin actually siya ang President bukod doon mayaman din siya at ubod ng gwapo.

"What?"Inis niyang tanong sakin, nilunok ko ang laway ko dahil sa kaba. Aamin ba talaga ako sa harap niya at ng mga kasama niya.

"A-aahhh, I-l love you Calyx." nakangite kong sabi sabay abot ng lunch box na dala ko.

Natahimik ang lahat ng mabanggit ko ang mga katagang iyon.

"I don't like this." Tukoy ni Calyx sa lunch box na nilahad ko. Tinabig niya pa ito ng malakas kaya tumapon sa sahig ang lahat ng laman ng lunch box.

"You like me?" tumango ako ng sunod sunod.

"You like me, but I don't like you, Slut girl." Bulong niya sa tinga ko kaya napa-agat ang kamay ko para sampalin siya.

I'm not slut. Pinigilan ko ang nagbabadyang luha saking mata.

"Dont follow and chase me again slut girl your not my type so stay away from me."dagdag niya.

"I'm not slut!" sigaw ko sa muka niya Atsaka tumakbo palayo.

Matapos ang mangyari kanina ay umuwi na ako. Ayaw ko na munang pumasok ngayon. Ganon pala ang tingin niya sakin.

"Oh, Cynea ang aga mo ata ngayong umuwi?"tanong ng tita ko.

She is my tita Syndie wala na akong kinikilalang magulang kaya siya na ang nagpapa-aral at bumubuhay sakin. May iba nang pamilya ang tatay ko ang nanay ko naman ay sumama sa isang hapon papuntang ibang bansa.

Masama ang loob ko sa kanila pinabayaan nila ako.

"A-ahm tita kasi A-ano..."hindi ko alam kong anong idadahilan ko.

"Nag skip class ka?" binaba niya yung sandok na hawak hawak mukang nag luluto na siya ng meryenda.

"Ah, tita pina-uwi po ako ng teacher ko dahil masakit ulo ko."

Chasing Calyx Valdez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon