Chapter I - Invitation

37 4 0
                                    

Trish’s POV

Friday. Naglalakad ako pauwi ng bahay nang mapansin ko ang pag vibrate ng phone ko sa bulsa. Huminto muna ako at kinuha ko iyun at kaagad na chi-neck.

          1 message received

            From: Besty_Jane

                 Best, bukas may party dito sa bahay. Punta ka ha? 7:00 pm onwards. Don’t forget to wear formal dress at mask. Don’t be late. Aasahan kita do’n. Lav ya!

            Wala naman atang special event a, ba’t may party? Parang di na ako nasanay sa bestfriend ko. Mayaman kasi sila. Her parents were both working in abroad at may pinapatakbong magkaibang business. Boredom din siguro kaya palagi siyang nagpapa set ng party sa bahay nila since palaging wala ang parents nya. Ni replyan ko na lang sya.

          Pinagpatuloy ko na ang paglalakad. Since walking distance lang naman ang school namin sa bahay, nag decide akong maglakad nalang. Sayang din naman pamasahe. Ginagawa ko ito tuwing pagpasok at pag-uwi ko. Dapat kasabay ko si Brent ngayon, boyfriend ko. Kaso nagpaalam sya sa akin kaninang umaga na may practice sila sa basketball kaya ako lang mag-isa ngayon.

          Mga ten minutes din ang lalakarin ko bago makarating ng bahay. Nakaramdam ako ng pagod. Ang hassle kasi sa school kanina. Daming projects at group activities. Wag na daw kami magtaka kung bakit ganun ang pressure sa amin dahil ga-graduate narin daw naman kami. Fourth year high school na kasi kami kaya andaming kailangang gawin at gagawin.

          Inayos ko ang pagsukbit ng strap ng bag sa balikat ko nang mapatili ako sa nerbiyos. Parang may kumagat sa binti ko. Nang tiningnan ko sa likuran ko, isang pamilyar na itsura ang nakita ko. Tinanggal ko ang pagkakasukbit ng shoulder bag at walang pasintabing pinaghahampas iyon sa kanya.

          “Nakakainis ka. Langya! Nakakainis! Alam mo namang magugulatin ako. Bakit ka ba ganyan!” at ang loko, walang kapantay ang kasiyahan! Pulang pula ang mukha habang sinasangga ang paghahampas ko sa kanya. “Ibe break na kita, nakakainis!” sabay sukbit ko sa strap pabalik sa balikat ko.

          “Haahahaha babe sorry na. sorry na talaga!” kahit nagsasalita sya patuloy parin sya sa pagtawa.

          “Ang saya no? Break na tayo. Dyan ka na.” kaagad ko syang tinalikuran at mabilis na naglakad.

Nakakainis lang talaga. Mahilig kasi ako sa kape kaya nerbyosa ako. Bwisit lang talaga yung gagong yun! Lakas ng trip! Binilisan ko ang paglalakad. Gusto kong magkape pagdating sa bahay. Narerelax kasi ako dun.

          “Ayy, wala namang ganyanan babe. Eto naman o, di mabiro.” Sabi nya sakin habang sinasabayan ako sa paglalakad. Bigla nya akong inakbayan. “Sorry na ba” sabay pakita nang pakurap kurap nyang puppy eyes sa akin. Duma da moves na naman. Tumigil ako sa paglalakad.

          “Magtigil ka! Wag mo kong ma sorry-sorry dyan. Umuwi ka na nga sa inyo.” at nagpatuloy ako sa paglalakad. “O, ba’t ka nakasunod dyan?”

Dark Intentions (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon