Chapter VII - Confession

34 4 2
                                    

Magandang Buhay wattpad! 😊😊 Maraming salamat sa patuloy na nagbabasa. pasensya na kung sabaw yung update ko ngayon. Samat sa lahat 😍 😍 😍

Kate’s POV

          “Kamusta na pakiramdam mo?” tanong ko kay Trish sabay abot ng isang tumbler ng kape na binili ni Kyle kanina sa  labas. Kinuha nya naman ang kape at inilapag sa bakanteng upuan sa gilid nya. Nasa bench kami ngayon, dito parin sa loob ng police station. Magkasama kami ni Kyle kanina, pero nung natapos makausap nung lalaki si Jane sa loob ng interrogation room ay lumabas din sya. Nagpaalam na bibili daw muna ng makakain.

          “Maayos na ako.” malumanay nyang tugon sa tanong ko. Bahagya nyang sinulyapan ang kinaroroonan ni Brent at muling hinawakan ang kape. “Salamat dito a!” sabay ngiti nya sa akin. “Huling huli mo talaga kung ano makakarelax sa akin.”

          “Sus naku! Alam mo, sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw lang ang may kayang uminom nang kape kahit galing stressed. Tao ka ba talaga?” pangisi kong hirit sa kanya.

          “Haha. Ewan. Sa kape talaga ata ako pinaglihi. Kapag umiinom ako, feeling ko nasa outer space ako, nakalutang habang nanunungkit ng stars. Hahaha”

          May pagka loka loka talaga din tong kaibigan ko e. Well, mas mabuti naring ganyang tumatawa sya para naman maibasan yung mga traumang naranasan nya this past few days.

****

Brent’s POV

          “Nasaan ka bandang alas otso hanggang alas nuwebe ng gabi?” tanong ng isang lalaking may soot ng brown na leather jacket. Nagpakilala din ang lalaki bilang si Inspector Corpuz.

          “N-nasa bahay lang po ako noon ng mga oras na iyon.” Pilit kong nilalabanan ang kabang bumabalot sa sarili ko. Tinatagan  ko loob ko.

          “Ayos ka lang ba, Mr. Santiago? Mukhang hindi ka ata mapakali? Gusto mo ba ng tubig?”

          “H-hindi na po. Ayos lang po ako.” mabilis kong ipinunas ang aking palad sa noo kong namamawis. Kahit pa sabihing airconditioned ang silid na ito ay di ko maiwang nerbiyosin.

          Nagpatuloy  ang pagtatanong ni Ins. Corpuz sa akin. Marami syang tinanong tungkol sa aming dalawa ni Trish. Pero nagulat ako ng sa ilang saglit  ay napunta ang tanong nya kay Andrew Ramos.

          “Gaano mo kakilala si Andrew Ramos?”

          “Hindi gaano. Nabanggit lang sya minsan ni Trish sa akin. Sabi nya, stalker daw ni Jane yun.”

          “Yun lang?”

          Saan ba to papunta ang usapan namin? Bakit nasali yung Drew na yun sa mga tanong nya?

Dark Intentions (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon