Chapter VIII - Grudge

21 4 2
                                    

Magandang Buhay wattpad! :) Maraming salamat sa patuloy na nagbabasa. Vote and comment po. Salamat... ♥♥♥

Trish’s POV

          Nakikipagsiksikan ako sa mga nagkukumpulang tao dito sa manila bay. Nagdatingan na kasi ang mga kapulisan at SOCO team sa pinangyarihan. Kahit di ko pa nakikita yung bangkay, malakas ang kutob kong si Andrew talaga iyon.

          Tatlong tao ang nagtulong tulong upang buhatin ang nakataling sako papunta sa may dalampasigan. Kahit nasa malayo ako ay amoy ko parin ang masangsang na amoy mula sa loob nito. Lumakas ang dagundong ng kaba sa dibdib ko habang unti unting tinatanggal ng isang lalaki ang tali ng sako. Dahil nakapatong ako sa seawall, kitang kita ko ang bawat galaw nila. Nang mabuksan sa wakas ang sako ay mas tumindi ang amoy na umalingasaw mula dito. Bigla akong napatalikod at napatakip sa bibig at ilong ko dahil sa amoy na umalingasaw sa kapaligiran. Pero tinatagan ko ang loob ko at muling sumulyap sa bangkay. Tinitigan ko iyong mabuti. Tama anh hinala namin, si Andrew nga.

****

Flashback . . .

          Gaano nga ba kalungkot ang mapag-isa? Nakakabaliw? Oo. Sobra.

 

          Sa buhay, dumarating tayo sa puntong may iiwan at may maiiwan. Sa kaso ko, ako yung iniwan. I was once lived in a wonderful life. Buo ang pamilya, nakakasama ko sila at sobrang saya namin. But then one day, everything’s changed. Nawala ako sa linya ng mga masasayang pamilya. Ramdam kong para akong tinatangay ng hangin papunta sa isang napakadilim na bahagi ng mundo na tila ba sinasabi nitong, dito ako nababagay. Tila bulag akong kumakapa sa dilim. Tila bingi akong pinapakinggan ang katahimikan. Walang kasama. Nag-iisa.

 

          Sa loob ng apat na sulok na silid, dito ako namumuhay mag-isa. Walong taon. Walong taon ang nakakaraan ng ilagay nila ako dito sa pesteng lugar na ito. Nagmakaawa ako sa kanila. Pero anong ginawa nila? Imbis na tulungan ay pinagsawalang bahala nila ang hiling ko. Ganoon sila kahayop. Para akong isang asong iniwan nalang basta basta. Hindi binalikan. Tuluyang kinalimutan.

 

          “The good you do today will be forgotten tomorrow.” Naalala kong berso sa tula ni Kent M. Keith. And I strongly agree on this. Sabi ng nakakarami may iba’t ibang papel daw tayo sa mundong ito. Sa bawat papel na ginagampanan natin, kailangang makagawa ng mga mabubuting bagay para maisakatuparan ang mga interes natin sa buhay. Bata palang ako, kabutihan na ang pinapairal ko. Sinunod ko sila Mommy at Daddy. Naging mabuti akong anak sa kanila. Pero bakit ganun? Tinalikuran nila ako. Inalisan nila ako ng karapatan sa kanila.  Inilagay nila ako dito sa lugar na ito without hearing my side. They judge me sa kung ano ang nakita nila ng gabing iyon. They never let me explain. Nagmukha akong basura ng gabing iyon. Nilapitan ko ang kapatid ko at nagmakaawang kausapin si Mommy pero imbis na makipag usap ay tumakbo sya. Natakot sya sa akin.

****

James’ POV

          Kring kring... kring kring...

          Kaagad kong dinampot ang telepono kong nakalapag sa aking kama.

Dark Intentions (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon