Chapter III - Discovery

27 4 0
                                    

////Author's Note: Magandang araw po. Sana mag enjoy po kayo sa update ko. Vote at comment naman po??? hehe Labyu guys. Salamat sa pagbabasa.////

Trish’s POV

          Pagdilat ko, napansin kong wala na ako sa party ni Jane. Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari subalit bigo ako. Nakaramdam  ako ng kirot sa ulo at konting pagkahilo. Sinubukan kong ibangon ang sarili ko pero di ko talaga kaya. Maya maya ay nagbukas ang pintuan. Nakita kong pumasok si Brent na may dalang paper bag. Kaagad nyang inilapag ang dala at nilapitan ako.

          “Babe, kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?” pag aalalang tanong nya.

          “Medyo, masakit lang ang ulo ko. At medyo nahihilo rin ako.” paliwanag ko sa kanya habang kinakapa ang benda sa ulo ko.. “Ahh, ano ba ang nangyari kagabi?” sobrang naguguluhan ako, wala ako maalala.

          “Pagbalik ko kasi, nakita na lang kitang nakabulagta sa sahig.”

          Bigla kong naalala ang nagyari kagabi. Yung babaeng, nakalambitin sa barbed wire. Yung paghiwalay ng ulo nito sa katawan at ang pagbulusok ng katawan nito pababa. Lahat naalala ko. Napaiyak ako.

          “Asan si Jane, dalhin mo ko sa kanya! Gusto ko syang makita Brent, asan sya?” nag hi histerikal kong sabi kay Brent.

          Nagpakawala muna sya ng isang malalim na buntong hininga. Pagkataos ay kaagad nya akong niyakap at pinatahan.

          “Sshhh. Babe, wala na si Jane. Patay na sya. Napaka brutal ng pagpatay sa kanya. Nasa punerarya na ang katawan nya ngayon.”

          Hindi ako makaimik. Hindi ako makapagsalita. Wala akong ibang maramdaman kundi ng umiyak ng umiyak. Buti na lang at andyan si Brent. Biglang may pumasok na tanong sa isip ko.

          “Brent, bakit pala ang tagal mong bumalik kagabi?” napakalas sya sa pagkakayakap sa akin. Nag iba ang aura nya. Matagal bago sya nakapagsalita.

          “Ahh, ehh puno kasi yung tatlong cubicle ng cr. Kailangan ko pang maghintay na may lalabas.”

Dark Intentions (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon