Chapter VI - Interrogation

28 4 0
                                    

Magandang Buhay! Dahil matagal akong nawala bibilisan ko po ang pag update. Vote and comment please? 😊

          Kinuha ko ang basahan na nakasabit sa isa sa mga tubo at kaagad ko itong pinahid sa mukha ko. Nagtalsikan kasi ang mga dugo sa buong katawan ko. Minabuti kong tapusin na ang buhay nya para wala nang sagabal. Sa una, hindi ko akalaing tatangkain nya ring patayin si Jane. Pero sorry sya, mas maganda ang plano ko kaysa sa kanya. Mukhang labis ang pagkagulat nya nang makita nya ang mukha ko. Hindi nya ata akalaing makikita nya ako dito. Napangiti ako. Dapat lang. Dahil konting maling galaw ko lang, pupuwedeng magbago ang ikot ng istorya. Masisira ang mga pinaghirapan ko. Mauuwi sa wala ang plano namin.

          Tinanggal ko ang bagay na nakakabit sa bewang ko. Isa yung device kung saan kayang baguhin ang boses ko. Maingat ko itong inilapag sa nag iisang mesa dito na gawa sa kahoy at pinagpatuloy ko ang pagpahid sa duming dumikit sa katawan ko.

****

Trish’s POV

          “Ha? Pano na yan? Napakalaki ng tulong sana ng flash drive na yun sa imbestigasyon Kate. Bakit hinayaan mong malaglag?” nadidismaya kong tanong sa kanya. Tinawagan nya kasi ako at sinabi ang nangyari.

          “Sorry talaga. Nagulat lang talaga ako nang sumulpot yung matandang babae na yun sa likuran ko. Trish, I’m sorry. Hindi ko naman sinasadya e.”

          Nasasayangan lang talaga ako. Pero wala na e. Kinain na ng tubig. Wala na kaming magagawa para ibalik yun. Sayang lang talaga at hindi ko nakopya iyon sa laptop ko.

          “Okay. I’m sorry din. Nasasayangan lang din kasi ako e.”

          “Wag kang mag alala. Mahahanap rin natin kung sino ang pumatay kay Jane. Mapapanagot rin natin sya. Magtiwala ka lang.”

          Napabuntong hininga na lamang ako.

          06:30 PM. Nagpaalam sina Mommy at Daddy na 3 days silang mawawala sa bahay para asikasuhin ang kani kanilang business. Tapos kaninang hapon, tinawagan si Yaya Mercy ng anak nya, may kailangan atang importante. Pinauwi ko na muna. Kaya ko namang alagaan sarili ko tsaka marami namang stock na pagkain sa fridge kaya walang problema. Nangako naman syang babalik din sya kinabukasan kaya ayos lang sa akin.

          Nasa sala ako ngayon, nanonood ng dvd. Ganito minsan ang ginagawa ko kapag wala akong ginagawa at kapag bored ako. Nagluto din ako ng popcorn para may pang meryenda.

          Sa gitna ng panonood ko ay bigla akong nakarinig ng kalabog sa main door ng bahay. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sofa at inusisa kung ano ang nangyari.

          Sa pagbukas ko ng pinto, tanging mga kuliglig lamang ang naririnig ko at ang malalakas na ugoy ng mga dahon ng punong mangga na nakatayo sa gilid ng bahay namin ang naririnig ko. Walang tao sa paligid. Malakas din ang tunog ng wind chimes na animoy nagduduyan na nakasabit dito sa may terrace namin. Medyo malakas kasi ang hangin sa labas kaya agad ko ng sinara ang pinto.

Dark Intentions (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon