Chapter II - Death Ahead

29 4 0
                                    

AN: Pasensya na po sa mga typos at grammars. Tao lang po, nagkakamali. :)

Trish’s POV

          Ang sarap ng gising ko today. Mula sa kama ko ay tumayo ako at naglakad papunta sa balcony ng kwarto. Hinawi ko muna ang sliding window na nagsisilbing pintuan at harang sa pagitan ng kama ko. Nasa third floor yung kwarto ko.Three storey kasi yung bahay namin. Sa ground floor ay yung kwarto ng mga maids. Sa second floor ay room nina Mommy at Daddy. Katamtaman lang ang init ngayon na sinabayan din ng katamtamang ihip ng hangin. Ang ganda ng tanawin ditto sa balcony ko. Mula sa kinaroroonan ko ay kita ko ang nagbeberdehang mga puno at ang malawak ng dagat sa di kalayuan. Sobrang ganda ng view at malakas maka unwind. Tinanaw ko ang di kalakihang swimming pool sa ibaba. Mag si swimming muna ako bago kumain. Mamaya kasi ay pupunta akong mall para bumili ng susuotin sa dinner party ni Jane. Dumiretso muna ako sa banyo para magpalit ng damit saka dumiretso sa pool area.

****

          Jane’s POV

 

          “Kuya naman, antagal nyo namang dumating! 9 am na a! Sana matapos nyo na yan before 6. Seven ang start ng party. Baka di tayo umabot!” pagmamaktol ko doon sa party organizer dahil sa pagiging late nito.

          Hinire ko sila para gawin nila ang trabaho nila. Nakakinis lang dahil ang sabi nila, 7 palang, andito na sila. Nakakabwisit lang isipin. Napansin kong lumapit si James sa amin.

          “Hey, you don’t need to be mad. Yaan mo’t ako nang kakausap dito. Go to salon, fix yourself. Hindi mo kailangang ma pressure. Mahaba pa naman ang oras eh. Tutulong nalang ako dito. You get that?” nakahak sya sa magkabila kong braso habang pinapaliwanagan. Tumungin sya dun sa organizer. “Kuya, punta ka na sa area mo. Ayusin nyo na ang dapat ayusin. Kailangan nating mag dagag ng effort para matapos agad. Susunod ako.”

          “Sige po sir. Ma’am, sorry po ulit.” At kaagad na itong umalis.

          “Ako na bahala dito. Pagbalik mo dito, sisiguruhin kong tapos na ang lahat ng dapat ayusin. Sige na. Ma ha hassle ka lang dito.” Dugtong pa nya.

          James is 22. Eighteen ako. Hindi ako makikipagplastikan sa sarili ko. Hindi ko sya gusto pero palagi syang andyan sa akin. Everytime na nasasaktan at umiiyak ako, he’s always there to comfort me. Kahit gaano ka hectic ang schedule nya sa office, humahanap sya ng butas para lang masamahan ako. Nanligaw sya sa akin, tinapat ko sya na hindi ko sya type. May itsura naman si James. Galing sa ma impluwensyang pamilya. Sa katunayan nga nirereto na kami sa isa’t isa pero ayoko. Hindi sya ang gusto ko.

          That time na binasted ko sya, sabi nya na he’ll give me more time to think. Well hindi ko na talaga kailangan pang mag isip dahil nakapagdesisiyon na ako. Tanga na kung tanga. Sabi ng karamihan, nasa harapan ko na yung grasya, tinatanggihan ko pa. Eh sa hindi ko mahal yung tao eh. Anong magagawa ko? Pero as days go by, parang nag iba ang ihip ng hangin. Unti unting akong nag-iba. Para syang toxic na pumasok sa katawan ko. Paunti unti, binabago nya ako. Unti unti, nahuhulog ako sa kanya. Ngayon na a-appreciate ko na ang mga concern nya sa akin. Dati kasi sobrang sungit ko sa kanya. Pero nung nabago nya ako at nung sinagot ko sya ni minsan di ko naramdamang nagtaksil sya. 5 months na kami at di nya ko binibigyan ng dahilan para mag selos. A dream guy para sa lahat ng kababaihan. Sobrang bait nya sa akin. Minsan, naiisip ko rin kung may tinatago kaya syang sekreto? Masyado syang perfect sa akin. And I know, nobody’s perfect. I wonder kung ano man ang flaws nya.

Dark Intentions (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon