Chapter IV - Something's Mising

27 4 0
                                    

AN:  Salamat po sa patuloy na pagbabasa. Sana po nag eenjoy kayo. Comment naman po please? Wanna hear your opinion guys. Vote narin po pala. Thank you. Sa mga gusto magpade dicate sa next chapter, comment lang po. Ayun! Maraming salamat ulit. God bless you all! Labyu :*

Kate’s POV

          Habang naghahanap ako ng ginagawa sa kwarto ay biglang tumawag si Kyle sa akin.

          “Kamusta kana? Pinagsasalitaan ka pa ba ng Mommy mo ng masasama?”

          “Maayos na ako. Salamat sa pagdamay. Syanga pala, pupunta ako kay Ate Eva, yung katulong nina Jane, tutulong ako sa pag aayos ng burial ni Jane. Baka kasi mamaya na ihahatid yung bangkay ni Jane.”

          “O sige, basta mag iingat ka. I love you.”

          “Okay. Love you too.”

****

Trish’s POV

          Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Masyado akong nababagabag sa natuklasan ko. May dalawang posibleng paliwanag kung bakit hindi kaagad nakabalik si Brent sa table at ang pagsunod ni Drew kay Jane. Posibleng isa sa kanila ang pumatay kay Jane. Posible ring silang dalawa, pero malabo kasi di naman sila magkakilala. Paulit ulit kong pinanuod yung footage. Ayaw kong magbigay ng konklusyon at magbintang dahil wala akong pruweba. Tsaka boyfriend ko si Brent, kilala ko sya. Hindi nya kayang pumatay at ganun ka brutal. Kung sa dalawang choices, mas malaki ang porsiyentong si Drew ang may gawa. Pero paano nga ba ipapaliwanag ni Brent ang hindi nya pagbalik agad. Kung wala talagang issue patungkol doon, edi sana hindi nya na ako pinaglihiman. Something is not right. May tinatago talaga sya sa akin at yun ang dapat kong malaman.

Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. Andami pa palang anggulo ang kailangang tignan. Maraming may galit kay Jane. Dahil din siguro sa ugali nyang prangka at matigas kaya maraming may ayaw sa kanya. Pero kailangan ba talagang umabot sa ganun ka brutal na pagpatay? Hindi makatao ang ginawa nila.

Mula sa table kung saan ko nilapag ang laptop ko ay nagtungo ako sa kama ko at humiga. Nakaramdam ako ng antok kaya hinayaan ko na lang ang mga mata kong magpahinga gayun din ang katawan ko.

****

Brent’s POV

 

          “Oh pre, tahimik ka ata?” untag na tanong ni Troy sa akin. Itinukod nya ang cue stick sa sementadong sahig sa harapan ko at inulit muli ang tanong nya.

          “May problema ako.” tipid kong sagot sa kanya.

          “Malamang! Magkakaganyan ka ba kung hindi? Oy Billy sub mo nga ako, heto cue ko gamitin mo!” sabay utos nya dun kay Billy, isa sa mga nag aabang sa mga naglalaro ditto sa bilyaran. Umupo sya sa tabi ko.

          “Pre, kaibigan mo ko. Pwede mong sabihin sa akin lahat.” At pagkatapos ay umakbay sya sa akin. Kaagad ko namang iwinaksi yung kamay nya na parang nandidiri.

Dark Intentions (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon