Chapter V - Viewpoint

31 4 4
                                    

AN: MAGANDANG BUHAY! ^_^Pasensya na po at natagalan ang pag update ko. Naging busy po kasi ako nitong mga nakaraang linggo. Pinapangako ko pong tatapusin ang kwentong ito, kahit may magbasa o wala man. Nagpapasalamat ako kay @kittinejane dahil sa kanyang suportra sa akin. Sya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, pinagpapatuloy ko pang isulat ang nasimulan kong storya. Muli, maraming salamat. Vote and comment please? God bless. Ingat ;)

Trish’s POV

         

          “Ano? Anong problema? Diretsuhin mo nga ako. Kinakabahan na kaya ako sa ginagawa mo. Ano??” iba na ang kutob ko sa mga nangyayari. Base sa boses ni Kate tiyak may nangyari ng hindi maganda.

          “Y-yung u-ulo ni Jane. Trish, yung ulo ni Jane nawawala.”

          Tila isang pompiyang na paulit ulit na umaalingawngaw sa loob ng ulo ko ang mga huling binitawang salita ni Kate. Naningkit ang mga mata ko sa mga narinig ko.

          “P-papano nangyari yun? Imposible!” hindi ko mahugot ang tamang reaksiyon sa mga oras na to. Masyado akong na shock sa mga naririnig ko.

          “H-hindi ko alam Trish, basta p-pagpunta namin dito at nung iniangat namin yung kumot, wala na yung ulo doon. Someone stole and hide it!” tila nag ka crack ang boses ni Kate sa kabilang linya.

          “Sino namang siraulo ang gagawa nun?”

          “I have no idea.” Tanging sagot nya sa akin.

          “Okay. We’ll meet na lang. I want to show you something.” Sinulyapan ko ang spycam na nakalapag sa side table ng kwarto ko.

****

James’ POV

          Nakatanggap ako ng tawag galing kay Trish at ibinalita nyang nawawala daw ang ulo ni Jane doon sa Morgue. Pinagsawalang bahala ko na. Eh ano naman kung nawala? Kapag ba ibinalik ng siraulong Brent yung ulo ni Jane, mabubuhay ba sya? Diba hindi? Ano pang saysay noon?

Tumayo ako mula sa pagkakahilata at sinulyapan ang katamtamang lalaking salamin sa harapan ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Gulong gulo ang buhok ko at makikita rin ang malalaking eyebags ko. Naisipan kong maligo kaya hinubad ko ang damit ko at dumiretso sa shower. May pupuntahan ako mamayang gabi.

****

Brent’s POV

          Gusto kong pumunta sa bahay nina Trish pero parang may pumipigil sa akin. Ewan, hindi ko maipaliwanag. Wala na akong ibang ginawa kundi ang maglasing ng maglasing. Gulong gulo na ako. Naduduwag akong aminin kay Trish ang lahat. Hihiwalayan nya ako at yun ang ayokong mangyari. Tinext ko na lang sya. Kinumusta. Yun lang ang tanging magagawa ko sa ngayon. Napubuntong hininga ako. Nami miss ko na sya.

          Kaagad kong inayos ang collar ng polo shirt ko. Pupuntahan ko sya. Kakausapin ko sya. Pag uusapan namin kung ano ang magiging parte ko. Mahirap na baka gumawa sya ng hakbang at maunahan pa nya ako. Ako ang dapat magsimula. Dapat umayon ang lahat sa magiging plano ko para maganda ang magiging resulta. Hinablot ko ang nakasampay na leather jacket ko at dinampot ang susing nakalapag sa kama at kaagad ng umalis.

Dark Intentions (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon