Maingat na nilalagyan ni Lola Rosa ng mascara ang kaniyang pilik-mata habang nakaharap sa basag na salamin. Merong kasabihan na malas daw ang tumingin sa basag na salamin ngunit wala itong magagawa na kahit gustuhin man nitong bumili ay wala siyang budget.
Mabuti pa itong ballroom dancing na sinalihan ko- libreng programa ng barangay para sa aming mga senior citizens, sa loob niya.
Kung may bayad, hinding-hindi siya sasali.
Kulang na nga ang kita ko sa mga gastusin sa araw-araw, sasali pa ako sa mga kaek-ekan na wala naman akong mapapala?Tagabantay si Lola Rosa ng mga puntod sa Empyrian Cemetry, isang maliit at eksklusibong sementeryo sa Santiago City. Tagabungkal ng lupa, tagalinis at tagadilig ng mga halaman na nasa paligid ng mga puntod. Ang dampa kung saan nakatira sila ng apo ay nakatayo sa likod ng mataas na bakod ng sementeryo. Sa ilang salita, si Lola Rosa ang reyna ng Sementeryo Empyrian!
"Mau!" tawag niya apo na nagsasaing sa labas ng kanilang bahay.
"Nakita mo naman bang napabisita si Dr. Villanueva sa puntod ng kaniyang asawa?"
Gusto kasi niyang makapangasawa ng mayaman ang apo. At saan pa ba sila makakakita ng mayaman? Eh, di sa sementeryo! Maraming mayayamang biyudo ang nakakalat roon at nagdadalamhati sa mga mahal nila roon.
At sa lahat ng puwedeng mabiyudo, ang napakabatapang si Dr. Villanueva! At ito ang napupusuang kandidato ni Lola Rosa sa kaniyang apo.
Nakita niya ang napakaguwapong manggagamot ng ito ay dumalaw ito sa mga magulang nitong nakahimlay sa Empyrian. At rinig niya sa ibang tagabantay ng puntod na napakayaman daw ng lalaki. Isang Surgeon!
Sa malas ay napatay rin ang napakaelegante niyong asawa kailan lang at dito rin sa Empyrian inilibing. Masama man lumigaya sa kawalan ng iba, hindi niya mapigilang pangarapin na masungkit ng apong si Maureen ang doktor.
Maganda si Maureen. At pinaniniwalaan iyon ng matanda hindi dahil apo niya ang dalaga. May height, balingkinitan ang katawan, matalino kahit hindi niya napagtapos ng kolehiyo ngunit nakapagtapos naman ng high school sa mataas na grado at alam niyang meron itong magandang personalidad.
Aba, halos buong Barangay III-A ang gustong manligaw kay Mau! Pero itong si Maureen, nakikipagmabutihan sa driver na si Rolly.
Hindi puwede! magkamatayan muna kami bago mapunta sa isang Rolly lang ang aking apo!
Mataas masyado ang pangarap niya sa apo at ito na lang ang pag-asa niya para makatikim naman ng ginhawa bago siya mamatay."Opo, kahapon," sagot ni Maureen."Mukhang malungkot na naman."
"Eh di dapat nilapitan mo at kinausap. Bigyan mo ng konsolasyon!" Naglagay ang matanda ng nakamamatay na pulang lipstick sa bibig.
Binigyan siya ni Maureen ng masamang tingin. "Bakit hindi na lang kayo ang maghanap ng biyudong aasawahin?"
Natahimik si Rosa. Ang totoo ay marami na siyang pinuntiryang biyudo pero lahat ay malas. Ewan ba niya at wala iyang swerte. Wala siyang pag-asa kaya magballroon na lang siya. Itinaas niya ang kamay, nagdip at nagpaatras-abante ng cha-cha.
"Aalis na ako," pagtatapos niya sa diskusyon.
Agad siyang lumabas ng bahat at dumiretso sa maliit na dance studio ni Miggy bakla para makipagsayawan kasama ang ibang senior citizen ng Barangay III-A.
BINABASA MO ANG
The Rich Widower
Mystery / ThrillerDr. Villanueva isang biyudang mayaman na doktor a bata pa nitong edad. Dahil sa hirap ng buhay ni Lola Rosa nais niyang ipaakit sa kaniyang apong si Maureen ang nagdadalamhating doktor upang mapaangat ang kanilang buhay.... Sa kabila ng malaking l...