Minsan mas kilala pa tayo ng iba kaysa sa sarili natin... Kaya matuto ka din makinig... at dun ka magdecide kung tatanggapin mo o hindi....
-----------========---------
John POVThere was something adorable about Maureen. Hindi lang ang boobs nito. Nakakaakit din ang mukha ng dalaga, pati ang personality nito. Habang bahagyang nakabukas ang pintuan ay nagnanakaw ng tingin si John Villanueva sa sekretarya na may kausap na pasyente.
Sa totoo lang, hindi talaga siya umaasa na magiging maayos ang trabaho nito. Alam niyang hindi ito college graduate. Dahil lamang sa awa nito sa kaniyang Lola Rosa kaya niya ito tinanggap. Pero sa nakikita niya, mahusay ito sa trabaho at mabibilang mo pa lamang ang kamali nito sa kay tagal nitong pagtratrabaho. Matalino ito at mabilis matuto. Minsan naririnig niyang kausap nito si Mimi. Iba ang mga hirit nito kung magsalita. May pagkaluka-luka na nakakaaliw.
Baka crush niya na nga ang kaniyang sekretarya. Napailing siya at napangiti. Mahilig siya sa eleganteng babae tulad ni Marie, hindi sa mga kikay gaya ni Maureen. Tumigil siya sa pagsusulat at muling tumingin sa kaniyang sekretarya. Hindi! Nami-miss niya lang si Marie.
Kring!
Kring!
Kring!
Tumunog ang cellphone niya. Si Kenneth. "Pare, kailangan ko iyong libro mo sa Clinical Neurology, pahiram naman. May ginagawa kasi akong study."
"Sige,ipahatid ko na lang uli sa sekretarya ko." Tinawag niya si Maureen at inutusan na kunin ang libro at ihatid uli kay Kenneth sa Flamingo.
"Sir, wala bang pera si Dr. Tan para bumili ng sarili niyang libro?" tanong nito na parang nakikipag-usap sa tambay sa Muningning's Sari-sari Store , "At imposibleng wala siyng ganong libro. Kung anuman ang mga libro na nasa library mo, siguradong meron din sa library niya." At sa mababang boses ay nagpatuloy ito. "Baka kasi ang gusto niyang kunin, eh, kung ano ang nakaipit sa mga libro mo."
Medyo natigilan siya sa huling sinabi ng kaniyang sekretarya. Marami nga talaga siyang iniipit sa mga libro niya sa aparador. Dapat pala i-check niya muna ang mga libro niya bago ipahiram. Tumawag siya kay Kenneth. "Pre, ako na lang ang mag-aabot sa'yo bukas. Labas tayo." At sinenyasan niya ang kaniyang sekretarya na wala na siyang kailangan.
Pagdating sa bahay ay tiningnan niya muna ang librong Clinical Neurology, kung may nakaipit ba roon, bago niya ipinasok sa kanyang sasakyan para hindi niya makalimutan bukas. Gaya ng ipinangako, siya mismo ang nagabot ng libro kay Kenneth habang nag-iinuman sila sa paboritong bar.
"Alam mo pre, muntik ko ng naibigay ang bank book ko sa iyo," kuwento niya sa kaibigan. "Mabuti at nakita ng sekretarya ko."
"Ng sekretarya mo?" tanong ni Kenneth. Napailing ang kaibigan. "Bakit mo kasi iniipit ang bank book mo sa libro? Dapat itinatago iyon."
"'Yon ang paraan ko ng pagtatago eh, bakit? kung may pumasok ba na magnanakaw sa bahay mo, iisa-isahin ba n'un ang mga libro para maghanap ng kayamanan?"
Napatawa ang kaibigan. "Oo nga, 'no? Buti at hindi iyon inuwi ng sekretarya mo?"
Umiling siya. "Maureen is honest girl."
Napatigil si Kenneth at napangiti. "Pre umamin ka nga sa akin... Yung totoo ah! Do you like your secretary? Sabagay, she's very pretty."
Napatawa siya.
"At tumatawa ka na ngayon."Napatigil siya sa pagtawa. "I... I don't like her. Not that way. Pare naman! 4 months pa lang namamatay ang asawa ko para tuksuhin mo ako ng ganyan."
"Nabanggit mo na din si Marie sa wakas. Kanina puro Maureen na lang." Itinaas niya ang kamay sa hangin para tumigil na kaa-asar ang kaibigan.
"Look at you dude,And you're blushing like a teen age boy... so gay"Pakiramdam niya ay mapapaluha siya sa hiya. Dinampot niya ang beer at nanood ng FIFA World Cup sa telebisyon na nasa harap nila kung saan nakatutok ang ibang kostumer.
"Pikon" ang huling sabi ni Kenneth bago rin nito itinutok ang mga mata sa TV.
--------------========------
Good Morning Guysue!!!
Time Check 1:12
BINABASA MO ANG
The Rich Widower
Mystery / ThrillerDr. Villanueva isang biyudang mayaman na doktor a bata pa nitong edad. Dahil sa hirap ng buhay ni Lola Rosa nais niyang ipaakit sa kaniyang apong si Maureen ang nagdadalamhating doktor upang mapaangat ang kanilang buhay.... Sa kabila ng malaking l...