Chapter 3: MEET UP

57 0 0
                                    

Abala si Dr. John Villaneva sa kaaral ng utak ng pasyente sa radiograph nang pumasok sa kaniyang klinika ang sekretarya para magreport tungkol sa ipinapahanap niyang tagapag-alaga ng puntod ng kaniyang asawa. Unng araw ito ng pagbabalik niya sa trabaho. Nagpahinga siya nang dalawang buwan. Kailangan niyang ayusin muli ang kaniyang sarili, tanggapin na walang gramo ng pagdadalahamti ang makapagbabalik kay Marie  mula sa hukay.
Namiss niya ang mga kwentuhan nila, ang matatalino nitong pangungusap, ang paglalambing, ang mumunting halik. Hanggang ngayon ay hini niya pa rin matanggap na wala na ang kaniyang kabiyak. Limang taon din silang nagsama bilang mag-asawa at parang gumuho ang mundo niya nang tawagan siya ng mga pulis para sabihing sumabog ang sinasakyan ni Marie pagkatpos mahulog sa bangin sa Tagaytay, malapit sa vacation house nila roon.

"Sir, meron po doong tagabantay na sa likod lang ng sementeryo ang kanilang bahay, Rosemarie Parinas po ang pangalan. Taga-Number 22, Barangay III-A po. Malapit daw po iyon sa Muningning's  Sari-sari Store.

Tumango siya sa sekretarya "Sige, ipagtatanong ko na lang."

Gusto niyang paalagaan ang puntod ni Marie. Hindi niya maasikaso dahil sa trabaho. Pagdating ng alas cuatro ay lumabas siya ng hospital at pumunta sa Barangay III-A. Nagtanong siya sa mga tambay sa Muningning's Sari-sari Store at itinuro siya sa isang eskinita. Diniretso niya ito hanggang sa pinakadulo at kumatok sa isang pinto. Pinagbuksan siya ng isang babae na nakaduster.

"Dito po ba nakatira si Miss Rosemarie Parinas?"

"Bakit?"

Nabakas niya ang takot sa boses ng babae kaya napatitig siya rito ng taimtim. Hindi niya agad napansin na may hitsura  ang kaharap dahil unang nagrehistro sa kaniyang isipan ang simpleng duster nito. Pero ngayong nakatitig siya sa tila bagong gising at maamo nitong mukha at parang hindi pa nasusuklay na mahaba nitong buhok, napalunok siya sa ganda nito.Tila kaylambot g kutis nito. Mahaba rin ang pilk-mata ng babae. Para itong sexy Latina actress sa kabila ng lumang duster na suot nito.

"I'm Dr. John Villanueva." Iniabot niya ang kamay sa babae.

Nakita niyang nag-atubili pa ito bago inilahad ang kamay."Maureen... Maureen Parinas." Binuksan nito nang maluwang ang pintuan at pinaupo siya sa hapag-kainan.

Umupo siya sa harap nito. "Naghahanap kasi ako ng mag-aalaga ng puntod ng asawa ko. Kung may libreng oras p po sana si Aling Rosemarie, baka puwede na siya na lang."
Namutla ang babae sa narinig at nanlaki ng husto ang kaniyag mata na parang nakakita ng multo. Napakunot siya ng noo sa reaksyon nito, "May problema ba?"

Napailing ito. " Di wala... dysmenorrhea lang 'to." Napatitig ito nang matagal sa kanya na parang nagdadalawang-isip bago magtanong. "May kakambal po ba ang asawa ninyo?"

"Kakambal?" Napailing siya, " Marie was an only child."

Lalong namutla si Maureen, putlang putla na parang hihimatayin sa nerbiyos.

"Are you okay?" Itinaas niya ang kamay sa noo nito. Sinisipat kung may lagnat ito.

Hindi niya sinagot ang tanong nito. Napatitig lang ang dalaga, titig na parang bata. Sa unang pagkakataon simula ng namtay si Marie ay napangiti siya, an amused smile. Itinaas niya uli ang kamay para haplusin ang pisngi ni Maureen.

"You're very pretty, you know?" titig lang uli ang sagot nito.

"Mau! Nabilhan mo na ba ako ng pangtina ng buhok ko?" malakas na sigaw mula sa labas.

At hindi nagtagal ay may pumasok ang isang patpating matandang babae na nakasuot ng napaaseksing itim na damit, itim na stocking, at itim na pares na sapatos. May malaking bulaklak pa ito sa likod ng kaniyang tainga. Nakilala na niya ito; lumapit ito minsan sa kanya para magbigay ng pakikiramay. Hindi nga lang niya natandaan ang pangalan ng matanda.

"dios Mio!" bulalas nito pagkakita sa kanya, "Dr. Villanueva! ikaw nga Dr. Villanueva" parang kilig na kilig nito.

Parang siyang artista ah.

Nagpakilala ang matanda bilang si Rosemaie Parinas. At ipinakilala uli nito sa kanya si Maureen, kompleto mula sa kapanganakan ng apo, civil status, mga katangian nito hanggang sa paborito nitong kulay, Halatang proud na proud ito sa apo na mukhang nawawala sa sarili.
Hindi nagsalita si Maureen, tila may kung anong takot na umuusig dito.
Kinausap niya si Rosa tungkol sa puntod ng asawa at agad itong pumayag. At nang nagkasundo na sa magiging bayad ay nagpaalam na rin siya sa maglola para makauwi.
Bago umalis ay sinabihan niya si Maureen na uminom ng Hyoscine para sa dysmenorrhea

The  Rich WidowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon