ChaPter 9: Caught in Action

58 4 0
                                    

Hindi pa laging nangingibabaw ang kasamaan... maniwala ka lang...

------======------
Maureen POV

PARANG MALOLOKA SI MAUREEN nang makapasok sa bakuran ng mansion ni Dr. Villanueva. Mediterranean ito, kulay dalandan at earth green ang pinta ng dingding, kulay kapeng ladrilyo at seramikang bubong.
Ay! mahal na niya ngayon si Dr. Villanueva dahil ang gara ng bahay! Napatawa siya sa sarili. Pinagbuksan siya ng katulong.  Napakaaliwalas ng silid na pinagpatuluyan sa kaniya, punong puno ng rustic furniture na gawa sa mahogany. May paintings sa dingding na ayo sa katulong ay mga collection ni Mrs. Villanueva.
Pakiramdam niya ay napunta siya sa isang pamamahay sa Greece. Dinala siya ng kasambahay sa isang malaking silid-aklatan na punong-puno ng mga libro. Napatingin siya sa transparent na bintana dahil sa ang ganda nitong tignan kita na kita mula doon ang swimming pool sa likod ng bahay. Kung hindi nakakahiya at may dala siyang swimsuit ay baka kanina pa siya nagtampisaw doon bago pumunta sa Flamingo sa Cavite kung saan niya ibibiay ang libro sa kaibigan ni Dr. Villanueva.
Hindi daw mahanap ng katulong ang libro kaya nagtext siya kay Dr. Villanueva. Tumawag sa kanya ang doktor, nasa aparador daw na nasa likod ng mesa ang libro, sa second to the last row. May mga frame pictures ng table tennis team doon kung saan kasama ang boss niya. Inilagay niya ang ipinapahanap ng doktor sa isang malaking paper bag na kaniyang dala at nagpapara ng taxi sa guard ng subdivision.  Nagpahatid siya sa Cavite. Malayo pa sa Ilang-ilang street kung nasaan ang Flamingo ng makita niya ang isang babae na bumaba sa puting kotse. Parang si Mrs. Villanueva!

"Manong, manong, pakihinto po doon sa gilid!" Sundan niya kaya ang babae para malaman niya ang istorya? Nag-abot siya ng pera sa driver, isinuot ang sunglasses na nabili niya lang sa divisoria at bumaba sa taxi. Dumiretso siya sa isang open air resto kung  saan pumasok si Mrs. Villanueva. Sa pinakadulong mesa na medyo natatakpan ng malaking vase ay nakita niya ang 'namatay' na ginang na nakasuot ng dark sunglasses at kasama ang isang guwapong nilalang tsinito ito at kahawig ni Dr. Villanueva. Magkahawak kamay ito sa mesa.

Malapit ang mesa sa maliit na bintana. Pasimple siyang lumabas at muntik na siyang madapa dahil sa tubo na nakausli sa lupa. Mabuti ay nakahawak siya sa bakod. Pumuwesto siya sa tabi ng bintana at pigil hiningang nakikinig sa usapan ng dalawa.

" Dapat kasi ay sinigurado mong nasa kamay mo ang bank book bago natin pinasabog ang kotse," iritadong sabi ng lalaki.

"I really thought that the bank book was with me. I'm sorry, hindi ko na chevk," ani Mrs. Villanueva sa mababang boses.

"Ugali ni Johnny na iipit ang bank book sa mga libro on the second row ng aparador na nasa likod ng table. Tapos kapag kailangan niya ay ia-isa niyang hahanapin sa mga libro. It's his strange, careless way of keeping things. At ang pinakahuli kong naaalala ay parang doon sa librong Nerve Analysis niya iyon iniipit."

"Kung doon man niya iyon nailagay, siguradong kukunin niya muna ang passbook doon bago ipahiram sa atin."

"Johnny is very forgetful when it come to his things," siguradong sigurado na turan nito.

"Okay, sakto at isa iyon sa hiniram ko na libro I'm going to meet his secretary in thirthy minutes. Sana nandoon sa lbrong hiniram ko ang bank book."
Nang banggitin ng lalaki ang appointment nila ay napatakbo siya pabalik sa kalsada at pinara ang napadaan na taxi. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Sa sasakyan ay inalis niya ang mabigat na librong Nerve Analysis sa paper bag at binuklat iyon.
Sa pangalawang buklat ay tumambad sa kaniya ang isang bank book. Binuksan niya iyon at nakita na nakapangalan iyon kay Dr. John Villanueva ang napakalaking halaga. Put@ng!na! Sy*T! ilang bilog to siyam na bilog... Ang laki nito pwede na aq mamatay...Natakot at tinambol ang puso niya  sa takot gamit ang nanginginig na kamay. Agad niyang kinuha ang cellphone at tumawag sa doktor.

"Yes, Maureen?"

"Doc, napansin ko po kasi, may bank book po na nakaipit sa libro. Ano po ang gagawin ko dito?"

Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya. "May ooperahan kasi ako ngayon sa hospital. Itago mo na lang muna at ihatid sa akin mamaya sa bahay. Thanks, Maureen."

"Opo." Nagpaalam ang doktor bago nawala sa linya. Ipinasok niya ang bank book sa shoulder bag at bumaba nang tumigil sa tapat ng flamingo ang taxi. Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago bumaba at pumasok sa loob. Pinili niya ang pinakadulong mesa at naupo sa komportableng couch. Hindi din nagtagal ay pumasok din ang tsinitong lalaki na kausap ni Dr. Villanueva. Inisa-isa nitong tignan ang mga mesa.
Nginig na kamay n kumaway siya rito."Dr.Tan?" tanong niya
Ngumiti rin ang magalang na surgeon. Mahilig pala sa surgeon si Mrs. Villanueva. Ikinuwento kasi ni Mimi habang nagaayos siya na iyon daw ang specialization ni Dr. Kenneth Luigi Tan at kaklase ito ni Dr. Villanueva noong high school. Marami daw ang nagkakamali na magkapatid ang dalawa dahil medyo magkamukha at parehong tsinito. Pero hindi umano magkamag-anak ang mga ito.

"Nandyan ang libro?" tanong ni Dr. Tan. Kung hindi niya lang alam na interesado ito sa bank book ang manggagamot na ito ay aakalain niyang normal lang ang pagtingin nito sa paper bag. Pero ngayon ang mga nababasa niya sa mga mata nito ay ang pagkasakim nito. Kawawang Dr. Villanueva! Trinaydor ng asawa at ng matalik na kaibigan. Sa bait ng lalaki, bakit kaya nagawa pa itong gaguhin ng dalawa?
Iba na talaga kapag kasakiman ang pumapasok sa utak ng tao. Nawawasak ang puso niya para sa kaniyang amo.
Ibinigay niya ang paper bag kay Dr. Tan

"Ano ang gusto mong kainin?" tatawag sana ito ng waiter.

"Ay, huwag na po. Kailangan ko po kasing bumalik ng klinik dahil sobrang marami pa po kasi akong gagawin."

"Okay." Mukhang nagmamadali rin itong umalis.
Nagpaalam siya at pumara ng taxi pagkalabas. Bumalik siya sa clinic at nang dumating ang alas cuatro at tapos nang ipasok ang mga records sa computer ay pumara uli siya ng taxi para pumunta sa Malaya Hills, pabalik sa bahay ng doktor.
Wala pa si Dr. Villanueva kaya nakipagchikahan siya sa dalawang katulong sa kusina. Natuklasan niyang malaki ang respeto ng mga ito kay Mrs. Villanueva. Kahit daw istrikto ang babae ay mabait naman umano kung makasanayan. Ano kaya ang mararamdaman ng mga ito kung ichika niya na nakita niyang buhay ang among babae? Kinagat na lang niya ang dila. Ligtas siya kapag may selyo ang bunganga.

"Palagi ba ito si Dr. Kenneth Tan?" tanong niya.

"Bihira. Sa labas kasi gumiimik ang mga 'yan."
Gusto niyang magpaka-Nancy Drew-Girl Detective, pero hindi niya na alam kung ano ang mga susunod na itatanong, At hindi rin ay nagtagal ay dumating na si Dr. Villanueva.
Ipinatawag siya nito sa library,"Salamat, Maureen, ha," ulit nito nang iabot niya ang bank book."Binigyan ka na ba nila ng meryenda?"
"Opo" Kung sabihin na niya kay ngayon ang katotohanan sa kaharap? "Doc, ah, ano kasi.."
"Yes, may problema ba?"
Napatitig na lang uli siya. Nauumid na naman ang kaniyang dila.
"Ah, okay. Don't worry bibigyan kita ng reward."

"Ay, hindi po!" Dali-dali niyang pagtatama sa iniisip ng lalaki. "Ah, baka po may gamot kayo diyan. Sumasakit po kasi 'yong tiyan ko."
Ngumiti ang doktor. Tumayo ito at lumabas ng silid. Pagbalik ay may dala na itong mefenamic acid. "Ihahatid na kita sa inyo."

Magkasama silang lumabas ng mansion at sabay na sumakay ng kotse. Kahit ang amoy ng sasakyan ay masarap din, kasing sarap ng surgeon na nagda-drive.
Parang nawala ang nerbyos na kaniyang nadarama kanina ngayong nasa kaniyang tabi si Dr. Villanueva. Kinikilig siya. Ang sarap ng buhay! Tumingn siya sa rearview mirror paa pasimpleng tignan ang sarili nang mapatingin din ang surgeon. Kapwa sila nagiwas ng tingin. Naramdaman niya ang sarili na namumula. Nadoble ang kilig na nadarama! Umubo siya para mabalik ang sarili sa tamang huwisyo.
Siya talaga ang bida sa kanilang kalye nang ibaba at pagbuksan siya ni Dr. Villanueva mula sa magarang itim na montero sport nito. Humaba talaga ang leeg ng mga tambay sa Muningning's Store. Hindi muna siya pumasok sa kanilang eskinita dahil hinintay niya munang lumiko ang sasakyan ng doktor.
"Boyfriend mo 'yon, Maureen?" tanong ng isang lasenggero.
"Surgeon siya," impaktita niyang sagot sabay isnab sa lahat. Sana makaabot kay Ding para dodoble ang gigil nito.

-----------------------==========----------------------
A/N:
Sorry kung sabaw pero Yezzzzzz! For the first time gumana utak ko umabot ng 1000 word may bonus pa na 400 kinalabasan ng hibang na tao.....

Ngayun lang nanaman aq magsusulat... Ndi ko na kasi alam ung iba kong account
Support
Coldmysterious_22

The  Rich WidowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon