CHAPTER 6

41 2 0
                                    

Unang araw ng kanyang pasok ay maaga siyang nagising at nagayos. Suot ang itim na slack, lilac long sleeves, at itim na bag ay bongga siyang nagrampa sa kanilang kalye.

"Aba, sosyal ngayon si Maureen , ah" bati ng matandang si Victorina na kasama ni Rosa sa ballroom dancing. Pati ang mga tambay ay napapapito.

"Maureen, ligaw kami uli mamaya sa'yo," sabi ng isa. Hindi niya ito sinagot. Naghihintay siya ng jeep sa crossing.

Beep!

Beep!

BEeeeep!

Saktong duman si Rolly. "Mau, sakay na. Ihahatid kita sa EDSA." Himala at mag-aaksaya ang isang ito ng gasolina para ihatiid sa EDSA gayong magpasama nga lang siya minsan sa city hall ay nangunguripot pa.

"Huwag na baka matetanus pa ako sa kalawang ng jeep mo." At nagpara siya ng papadaan na jeep. Nakita na lang niya na napailing si Rolly.
Alas ocho pa lang ay naroon na siya sa klinika. Mabuti na rin dahil may maagang dumating na mestisuhing matandang pasyenteng lalaki. Hinahanap niya ng record nito sa drawer at ayon doon, isa itong Colombian diplomat. Dumugo tuloy ang ilong niya kaka-English dahil nagtatanong ito ng schedule ni Dr. Villanueva.
Mabuti na lang at dumating din ang matabang nurse na si Mimi at tinulungan siya na sumagot sa mga katanungan ng pasyente.
Eksaktong alas nueve dumating si Dr. Villanueva at napuno ng amoy aftershave nito ang receiving are. Kinikilig na naman siya at pasimple niyang sininghap ang hangin. Ang bango kasi, lalaking lalaki. At mukhang ang sarap nitong yakapin ngayong bagong ligo din ito.

"Hi, Maureen," bati ni Dr. Villanueva sabay senyas sa diplomat na pumasok na sa loob ng silid nito. Nang maisarado na ang pinto ay kilig na kilig si Mimi. "Nakakagigil talaga si Doc. John. panalo ang sex appeal."
Napahagikgik din siya. "Ang bango!"

Dahil hindi pa ipinapatawag ng bosss, umupo muna sandali si Mimi sa harap niya para makipagchikahan tungkol sa kanilang mga buhay-buhay. Nadapo muli ang usapan sa doktor.

"Paano nga pala namatay si Mrs. Villanueva?" hindi niya na talaga napigilan ang sarili na magtanong.

"Hay naku, sumabog ang kotseng sinasakyan. Sunog na sunog talaga ang asawa ni doc. Halos hindi na makilala."

Napailing si Maureen. Para pala itong telenobela. Siguro ibang tao ang pinasakay sa kotse pagkatapos pinasabog na lang. Pero bakit naman kaya ginawa iyon ng babae?. Kawawa naman ang nagdadalamhating surgeon At isa pa, sino naman kaya ang kasabwat ni Mrs. Villanueva? Sino ang kasama nito sa itim na kotse ng makita niya ito sa sementeryo?

Hindi pa nakakalbas ang Colombian diplomat ng may dumating pang dalawang pasyente. At may tatlo pa uli, saktong alas onse sila natapos. At dali-daling umalis ang surgeon para makapunta sa sunod na schedule.

---------------==========-----------
LOVE LOT <3
Coldmysterious_22
Sorry Sabaw Pls Support

The  Rich WidowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon