MAUREEN POV
Nang sumunod na araw ay ganon pa rin ang nangyari. Dumating siya ng alas ocho, dumating ang surgeon ng alas nueve, humagikgik si Mimi, darating ang mga pasyente. Pagkatapos, kapag alas onse na ay nagmamadali si Dr. Villanueva, aalis papunta sa sunod na schedule. Nakaabot sila ng tatlong linggo na ganoon hanggang sa nagtanong si Lola Rosa kung kamusta na ang pang-aakit sa doktor.
"Wala hindi ko siya inaakit, 'no!""Bakit hindi? Malaking isda na 'yan kay daling bingwitin, bakit hindi mo pa mabingwit-bingwit?"
Natahimik si Lola Rosa at napasindi ng tabako. "Sabihin mo nga kung ano ang mga ginagawa mo sa opisina araw-araw. Paanong hindi siya tumitingin sayo?"
Ikinuwento niya ang pattern ng kanilang ginagawa. Napaisip ng matagal ang matanda, tila nagplaplano. "Guluhin mo ang pangaraw-araw ninyong gawain. Eto, Hija, ganito gawin mo!"
Kinaladkad siya ng lola Rosa na maupo sa hapag. Naexcite ang matanda sa iniisip. "Kung magpatimpla siya ng kape, gawin mong sobrang tabang. Kung matapon sa lamesa niya, punasan mo ng nakaduko at kitang kita ang cleavage mo. Alam mo ang mga biyudo may mga pangangailangan iyan." napailing si Maureen sa narinig sa kaniyang abuela. Wala ng mas nakakaloka sa kapamilya. Hindi pa ito nakuntento, kinuha nito sa aparado ang itim na bistidang pangballroom. Lagyan lang daw ng blazer at pangklinika na. Mababa ang cut ng damit kaya kapag yumuko siya ay siguradong kitang-kita ang dibdib nito. Napatawa siya sa suhestiyon na iyon bago siya mahiga upang matulog...Nang sumunod araw hindi niya sinuot ang damit kahit pa inihanda na iyon ni Lola Rosa. Imposible talaga na maakit niya si Dr. Villanueva dahil masyado pa itong nagdadalamhati upang mamansin ng ibang babae. Eksakto alas nueva muling dumating ang surgeon at kumpara sa ibang araw, mas malungkot ang mukha nito halatadong wala pang sapat na tulog.
Nakadama siya ng kakaibang habag at awa. Walang konsensya si Mrs. Villanueva para pekein ang pagkamatay nito. Kung alam lang nito kung paano magdalamhati ang asawa ay baka magsisi rin ito. Kung may kapangyarihan lang siyang pawiin ag kalungkutan ng biyudo ay gagamitin na niya. Pumasok sa kanyang kukote ang suhestiyon ng kanyang lola at umandar ang kapilyahan niya. I-try niya kayang gawin iyon? Hindi naman sa umaasa siya. Gusto niya lang tignan kung may epekto ba.
Nang sumunod na araw ay maaga siyang umalis sa kanila at sinupot ang damit sa plastik dahil ayaw niyang isipin ng kaniyang Lola Rosa na pumapayag na siyang akitin ang doktor. Sa isang restroom sa SM Megamall siya nagbihis, pagkatapos ay sumakay ng taxi papunta sa medical tower.
"Ang ganda ngayon ni Ma'am, ah" bati ni Manong guard. Nginitian niya ito. Tinignan niya ang sarili sa metal doors ng elevator. Sexy nga talaga ang damit kahit tinakpan niya ng flessh na coat. Si Mimi pagkakita sa kanya ay napa- "vavoom" "parang neneng bi ang kanyang katawan". Si Dr. Villanueva pagkapasok sa silid ay medyo napatagal ang titig sa kaniya ng tatlong segundo. Kahit tatlong segundo lang iyon atleast mas mahaba kaysa sa pangkaraniwan.
--------------------============-----------
Coldmyterious_22
Support
BINABASA MO ANG
The Rich Widower
Mystery / ThrillerDr. Villanueva isang biyudang mayaman na doktor a bata pa nitong edad. Dahil sa hirap ng buhay ni Lola Rosa nais niyang ipaakit sa kaniyang apong si Maureen ang nagdadalamhating doktor upang mapaangat ang kanilang buhay.... Sa kabila ng malaking l...