Lahat ng bagay sa isang iglap ay pwedeng magbago o mawala... Ang tangi mo lang na magagawa ay pahalagahan ito habang nandyan pa....
---------=========-----------
Maureen POV
Kinabukasan , pumunta siya sa Common Wealth para magapply bilang isang clerk sa isang opisina na nagdidistribute ng soft drinks. Ang problema marami din ang nakapila at college graduate pa ng iba. Hindi niya maiwasang makaramdam ng insekyuridad. Isang semester lang kasi ang kinaya nila ng lola niya sa kolehiyo. Hindi siguro ganito kahirap kung may diploma lamang siyang hawak. Palagi din siyang nasasabihan ng mga kakilala niya na mag-apply na lang siya sa club. Ayaw niya, may maganda siyang pinsan na nagmodel-model, hayun nagahasa ng customer.
Ayaw niyang mangyari sa kanya ang nangyari sa kanyang pinsan, bukod sa pagiging clerk ay nag-aapply din siya bilang kahera sa isang convenience store at ticketing office. Naghintay siya ng isang linggo para sa tawag ng mga ito ngunit wala ni isang dumating. Nakaka-depress lalo kapag nakikita niya ang pagmumukha ni aling Ding. At napaiyak siya ng marinig kay Justine na pormal ng nililigawan ni Rolly si Ma'am Winnie.
Habang nanonood ng TV. Pumasok si Lola Rosa sa kanilang dampa. "Mau, kinausap ko kanina si Dr. Villanueva kung may mabibigay siyang trabaho sayo. Sinabi kong undergrad ka sa Computer Science at nakapagtrabaho na sa computer shop. Sabi niya magli-leave raw sa susunod na linggo ang sekretarya niya dahil masyadong maselan ang pagbubuntis. Eh naghahanap siya ngayon ng temporary na sekretarya kaya kung gusto mo raw ay puntahan mo siya."
Naalala niya muli si Mrs. Villanueva at kinilabutan na naman siya, pero kailangan niya talaga ng trabaho kaya kahit maraming agam-agam ay naghanda siya sa pagpunta sa klinika ni Dr. Villanueva. Siyempre dapat maganda siya kaya nagbihis siya ng bestida at pumunta sa klinika ng doktor na nasa twenthy-eight floor ng isang medical tower sa Pasig. Ang buntis na sekretarya na si Janine ang tumanggap sa kaniya at nagsabing nasa Singapore pa si Dr. Villanueva dahil may ooperahan ito doon.
Ipinaliwanag sa kanya ng babae ang kanyang mga gagawin. Ang pinakauna niyang aasikasuhin palagi ay ang schedule ni Dr. Villanueva. Tuesday hanggang Friday, alas nueve ng umaga hanggang alas onse ay nasa klinika ang doktor. Alas dos hanggang alas seis ay nagki-clinic ito sa Asian hospital. Weekends nito palagi ginagawa ang operasyon. Dapat siguraduhin palagi nito na makakarating ang doktor sa mga schedule nito. Kung hindi ay dapat tawagan agad ang mga pasyente para magcancel ng schedule. At kailangan laging makipag-coordinate palagi kay Jenny , ang sekretarya ng doktor sa Asian hospital.
Masaya na siya paguwi dahil sosyal na ang kanyang papasukan at malaki pa ang sahod dito... Anim na buwan din na magpapahinga si Janine at siyempre magandang experience din ito na puwedeng ilagay sa resume na naging sekretarya siya ng isang surgeon. Nang makasalubong niya si Alin Ding ay nang-isnab siya. Mataas na ang level niya ngayon. Naroon nga nakatambay si Rolly sa Muningning's Sari-sari Store. Hindi man lang niya ito binigayan ng tingin.Pagdating niya sa bahay ay napa-dip at napachacha si Lola Rosa nang binalita niya rito ang mga natutunan sa klinika. Lumabas ito ng dampa at pagbalik pagkatapos ng isang oras ay may dala na itong tatlong daan. Nangutang daw para makapagukay-ukay silang dalawa para sa mga susuotin niya bilang sekretarya ng doktor. Excited silang pumunta sa palengke para makawagwag ng mga damit. At ang lapad ng kanilang mga ngiti ng matiyempuhan nila na fifty pesos lang ang mga damit ngayon. Napailing siya sa mga gusto ni lola Rosa. Ang mga tipo nitong style ay yung tipong labas ang cleavage.
"Sa klinika po ako papasok dapat disente," suway niya sa matanda.
"Ano ka ba? Paano mo maaakit si Dr. Villanueva kung iyang mga hindi kaakit-akit ang susuotin mo? Napakamanang mo!" Kinuha nito ang pulang palda at hinapit sa kanyang bewang.
"Ayaw ko niyan!" Hinagip niya ang itim na slacks.
"Maureen tumingin ka nga sa akin," tawag ni Lola Rosa. "Example, ako si Dr. Villanueva, paano mo aakitin ng iyong mga tingin?"
Binigyan niya ng tinatamd na tingin ang kaniyang lola para tumigil na ito."Walang malilibugan sa'yo, 'Day."
Hindi na siya sumagot. Masyado silang mapangarapin ng lola niya kung umaasa sila na maaakit niya si Dr. Villanueva. Kung ikukumpara siya sa pagkaelegante ng asawa nito, wala siya. At iyong nakita niya. Kung buhay pa ito, ibig sabihin hindi pa talaga totoong nabiyudo ito. Ninenerbiyos na naman siya sa iniisip. Bahala na. Wala namang nakakalam na nakita niya si Mrs. Villanueva, na alam niyang buhay pa ito. Ang importante ay may trabaho siya at makakalakad na siya ng taas-noo kapag nakasalubong niya si Aling Ding at ang walang kuwenta nitong anak na si Rolly.
-------------------===========-------------------
Coldmysterious_22
Hope magustuhan niyo..... Vote and like....
BINABASA MO ANG
The Rich Widower
Mystery / ThrillerDr. Villanueva isang biyudang mayaman na doktor a bata pa nitong edad. Dahil sa hirap ng buhay ni Lola Rosa nais niyang ipaakit sa kaniyang apong si Maureen ang nagdadalamhating doktor upang mapaangat ang kanilang buhay.... Sa kabila ng malaking l...