Chapter 2: Lihim

65 2 0
                                    

MAUREEN POV

Nagbihis muna si Maureen ng puting t-shirt at faded jeans bago pumunta sa loob ng Empyrian Cemetery para maglinis ng puntod. Wala siyang trabaho ngayon.  Nagresign siya bilang technician/cashier sa computer shop ni Irning. Paano ba naman kasi gusto siyang gawing kabit? Aba! Kadalaga niyang tao, papatol siya sa may asawa? Buti sana kung may itsura. Eh! mukhang baboy na handa ng katayin si Irning mabalahibo pa at mabaho.

Naglalakad siya sa maliit nilang kalye nang makasalubong niya ang nanay ng nobyong si Rolly na si Aling Ding. Masakit ang tingin nito dahil hindi ito boto para sa kanyang anak. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin kanina pa siya nakahiga sa sahig at patay. Ang gusto nitong maging nobya ni Rolly ay ang gurong si Winnie na tagakabilang kanto.
Nag-away nga  nitong nakalipas na buwan ang kaniyang Lola Rosa at si Ding. Anang lola niya, parang kung sino raw kung pumili itong si Ding ng nonobyahin ng anak gayong wala ring tinapos na kurso si Rolly.
Nabuwisit siya sa kasintahan dahil hindi nito dinidisiplina ang pagkamatapobre ng ina. Sinagot ba naman siya na mas matapobre pa ang kaniyang lola rosa? Sa ngayon giyera sila ni Rolly, Pero hindi ibig sabihin na dahil war sila ng nobyo ay papayag na siya sa gusto ng kaniyang lola na akitin si Dr. John Villanueva. Naku naman, sa guwapo ba naman ng nilalang na yon mas maliit pa sa butas ng karayom na papansinin siya. Magsasayang lang siya ng oras.

Hay! Ang dami-dami kong sinabi ako nga pala si Maureen Parinas, anak ni Juny Parinas pero patay na yung nanay ko na yun hindi ko naman nakikilala yung tatay  ko kaya ngayon naiwan ako sa Lola ko pero kahit ganun yun na lagi kaming nagaaway mahal ko yun dahil iniraraos niya kaming dalawa tagalinis kaming dalawa sa sementeryo hindi na ako nakapagtapos dahil sa hirap ng buhay kaya naghihirap ako ngayon para makapagaral pagkatapos kong makaipon...

Pinapasok siya ng guwardiyang tagabantay ng semeteryo at dumiretso na siya sa puntod na malapit sa fountain. Sa pamilya Perez iyon, ipinaaasikaso sa Lola Rosa niya. Nagbubunot siya ng mga ligaw na damo sa palibot ng magkakatabing lapida nang nakita niyang may magarang itim na sasakyan na huminto sa malayuan. Bumaba roon si Dr. Villanueva na naka-long sleeves at dark sunglasses.
Tumigil siya sa pagbubunot ng damo para mas mapagmasdan ng maigi ang doktor. Dok where's the sun?. Pero aaminin niya na... crush niya ang lalaki pero alam niya kung saan ilalagay ang kanyang paghanga dito. Nalulungkot siyang tingnan na mapanglaw ito. Siguradong malaking pighati ang nararamdaman nito sa pagkamatay ng asawa.
Nakita niya si Mrs. Villanueva noong buhay pa ito. Dito rin kasi nakahimlay ang mga magulang ni Dr. Villanueva at paminsan-minsan ay nakikita niyang napapadalaw ang mag-asawa. Pansinin ang mga ito, lalo na si Mrs. Villaneva dahil napakatangkad at parang emperatris ang postura. Hindi sobrang ganda perong sobra masyado ang lakas ng dating ng aristokrata itong mukha, napakatangos ng ilong na may lahing turko at maiitim kung makatingin ang mga mata.
Si Dr. Villanueva naman ay chinito at elegante rin kung gumalaw at may aura itong mabait, hindi tulad ng asawa nito na sa suplada na sa unang tingin pa lang.
Hindi nagtagal ang lalaki sa puntod ng kaniyang asawa. Mga sampung minuto lang itong tumayo roon at bumalik na uli ito sa sasakyan. Abala siya sa pagtanaw sa papaalis na sasakyan n tumunog ang kaniyang cellphone. Si Rolly, nagtext. 

Kita tayo. Puntahan kita mamayang 5:30 sa puntod ng mga Perez.

Alas cinco pa lang kaya kalahating oras pa niyang hihintayin ang kaniyang kasintahan. Nakinig na lang siya ng FM radio ng cellphone. Pagdating ng alas cinco y media, hindi pa rin dumadating si Rolly.
Pagsapit ng alas seis at wala pa ito ay nagpasya na siyang umuwi dahil padilim na ang langit.   Patayo na siya ng may itim na sasakyan uli na dumaan papunta sa puntod ni Mrs. Villanueva. Napakunot ang noo niya ng may lumabas doon na isang matangkad na babaeng nakapalda.
Parang si Mrs. Villanueva ang postura at pati sa paglakad. Huminto ito sa puntod at napatingin-tingin sa paligid na parang hindi komportable na tumayo roon. Pagkatapos ng ilang saglit ay tumalikod ito para kausapin ang kung sino man na nasa loob ng itim na sasakyan na kaniyang pinanggalingan.
Napamulagat si Maureen. Hindi siya nagkakamali. Kamukha ni Mrs. Villanueva ang babae. Paano nangyari iyon? May kakambal ba ito? Kinilabutan siya.
Hindi rin nagtagal ang look-alike ni Mrs. Villanueva  sa puntod. Pumasok na ito sa sasakyan at ng dumaan iyon sa harap ng water fountain ay ikinubli ni Maureen ang sarili sa palm tree. Kung anumang gulo ito, ayaw niyang malaman ng iba na may alam siya. Mukhang delikado!
Nag-ring ang kaniyang cellphone, Si Rolly. Bukas na lang daw sila makita dahil nasiraan ito ng sasakyan at kailangan nitong ipakumpuni. Inaway niya ito dahil pinaghintay niya pa ito sa sementeryo. Dahil dito nangilabot talaga siya nakita.

LoVE LOts COLDMYSTERIOUS_22

The  Rich WidowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon