Hindi mo mapipilit ang lahat ng tao na magustuhan ka... Ang tangi mo lang magagawa ang gawin lahat para mamali ang kanilang akala... Dahil yun ang mas masakit na laban sa kanila ang makita kanilang umunlad at kainin ang sinasabi nila...
------------------=================-------------
Walang kakambal si Mrs. Villanueva! Ibig sabihin ang babae mismo ang nakita ni Maureen. Mahabaging langit! Hindi naman siguro multo ang nakita niya na lulan ng itim na kotse. Feeling niya tuloy si Kim chui siya. Ano kaya ang misteryong nakabalot kay Mrs. Villanueva? Kawawa naman si Dr. John. Nahihirapan ito sa pagpanaw ng asawa na hindi naman pala patay.
Nagresearch siya sa internet tungkol kay Dr. Villanueva. Puro medical journals ang lumalabas. Isa pala itong tanyag na batang surgeon at sa America pa nagpatuloy ng residency nito. Ang yaman pak na pak! gwapo na nga matalino at mayaman pa... Doon nito nakilala at pinakasalan si Marie... na buhay pa pala.Ang sosyal naman pala ng buhay nito, pero walang man lang kemeng tumuloy sa kanilang gusgusing dampa!
Nagaabang siya ng jeep sa crossing dahil pupunta siya sa city hall para kumuha ng community certificates nang mahagip ng kaniyang paningin ang kasintahang si Rolly. Nagtayuan talaga ang mga balahibo niya sa batok ng makitang ang guro lang na si Winnie ang pasahero nito. Nakaupo sa drive seat ang dalaga.
Kanina ay nag-text siya sa nobyo na samahan siya sa city hall. May gagawin daw ito kaya hindi makakasama. Iyon pala, ihahatid lang si Winnie. Minura niya ang lalaki sa text. Hindi ito nagreply.
At ang masakit pa pagdating niya sa kanilang bahay ay may itsinismis sa kaniya ang kaibigang si Justine. Narinig nito na nagdadakdak na naman daw si Ding sa Muningning's Sari-sari Store. Puring-puri raw ng ginang si Winnie dahil professional daw ito, hindi tulad niya na tagabunot lang daw ng damo sa sementeryo.
Nasaktan siya sa pangmamata ng ina ni Rolly. Ano ba masama sa pagiging tagabantay ng puntod? Disente naman ang trabaho na iyon. Dahil sa sakit ng loob ay napunta siya sa sementeryo para umutang ng pera sa kaniyang Lola Rosa. Bibili siya ng diyaryo para maghanap ng trabaho. Mas magpupursigi siya ngayon para ipamukha sa mag-ina na kahit tagabunot lang ng damo sa sementeryo ay may mararating din siya.
Sa puntod ni Mrs. Villanueva niya natagpuan ang abuela. Nagdidilig ito ng bermuda grass. Nangilabot uli siya ng masilayan ang lapida ni Mrs. Villanueva. Gusto niya sanang isumbong sa lola ang nakita ngunit mas makabuti siguro na itago na lang niya dahil tsismosa itong si Lola Rosa. At baka maikalat niya nanaman sa kapwa niya tsismosa at maiba iba nanaman.
Nakatalikod na siya sa puntod nang dumating ang kotse ni Mr. Villanueva. Nakasalubong niya ito at naamoy niya ang malacitrus na pabango ng surgeon. Nakaramdam siya ng kilig dahil ang bango nito, iyong mamahaling bango. Gusto niya sa lalaki iyong mabango, at si Dr. Villanueva na yata ang pinakamabangong lalaking naamoy niya.
Nagliparan tuloy lahat ng sakit ng loob na kaniyang nadarama kanina dahil nakita niya ito. Dapat pala kapag mabigat ang loob nito, pumunta siya sa sementeryo para makita ang surgeon. Sana matagal pa itong magdalamhati para laging dumalaw roon. Napakaselfish niya. Kasi kapag naka-move on na ito, hindi na ito magiging madalas sa pagbisita sa sementeryo. Sabihin niya kaya rito na nakita niyang buhay si Mrs. Villanueva. Ano kaya ang magiging reaksyon nito? Huwag niya na lang alamin dahil mas makakabuti sa lahat ng tumahimik na lang siya.
--------------------------------------------
A/N; sorry kung waley!
LoVE Lots
Coldmysterious_22
BINABASA MO ANG
The Rich Widower
Mystery / ThrillerDr. Villanueva isang biyudang mayaman na doktor a bata pa nitong edad. Dahil sa hirap ng buhay ni Lola Rosa nais niyang ipaakit sa kaniyang apong si Maureen ang nagdadalamhating doktor upang mapaangat ang kanilang buhay.... Sa kabila ng malaking l...