CHAPTER 9 - C

1.5K 24 0
                                    




Chapter 9

Acquaintance party 1

JEZEELYN POV

Maganda ang pag kaka ayos namin sa party. Sa stage, may nakalagay na lettering na DENIM PARTY, kaya naging Denim party kasi ayun ang napag usapang susuotin. Sa taas ng stage may dalawang upuan na parang pang reyna at hari. Dahil random ang pipiliin na rarampa, kung baga may isang teacher na iikot habang nag paparty, lalapitan nya yung mga pipiliin nyang irarampa sa stage at tatanungin kung anong pangalan, kaya magugulat ka nalang biglang ma memention ang pangalan mo ng emcee, at kung sinong tatanghaling champion sila ang magiging King and Queen of the night.

****************************************************

Nandito pako sa condo ko, nag papalipas pa ng oras, 6 pm pa naman ang start ng party at 3pm palang naman, so napag isipan kong 3:30pm mag aayos na ako. Naka handa narin ang susuotin kong binili namin ni Trisha na Denim jacket at denim tube na crap top ang syle at mini denim skirt, yung shoes ko is parang boots na pantalon ang tela na heeled. While sa buhok ko, mahaba naman ang buhok ko, naisip ko na kulutin ko nalang yung ilalim. Kinuha ko yung phone ko ng mag vibrate ito. Pag tingin ko nag text si Trisha.

From: Trisha
( Jez sabay tau mamaya, nag aayos ka nba?)

To: Trisha
( Hnd pa Trish maaga pa nmn txt kita pag paalis na ako. Hintayin nalang kita sa parking lot)

From: Trisha
(Sige)

Hindi na ako nag reply sa last text niya.
Mga bandang 3:30pm nag ayos na ako. Naligo na ako tapos nag make up, nag search pako sa youtube na pang denim make up, after non nag dryer na ako ng buhok ko at kinulot narin, 5pm natapos na ako mag ayos sa mukha ko at sa buhok nag bibihis na ako ng mag ring yung doorbell ng pinto ko sa unit ko. Dali dali kong sinuot yung mini skirt ko at tumakbo pa puntang pinto, baka si Trisha nayun, sabi ko antayan nalang sa parking lot. Eh mukhang excited na ata.

Pag bukas ko hindi si Trisha ang bumungad sakin - teka anong ginagawa nito dito? Ano mang aasar nanaman siya, sasabihin aswang ako! Oo si Smug lang naman ang naka tayo sa harap ko at halatang paalis na siya, naka rip jean siya at denim jacket at naka plain white T-shirt at naka suot ng shade.

"Anong ginagawa mo dito? Nag kamali ka ata ng unit na papasukan nasa kabilang unit ang unit mo." Sumilip pa ako sa labas para ituro yung unit niya. Ano nanaman bang problema nito. Napansin kong hindi siya naimik. "Hey! Hello to the earth!" Nag wave ako ng kamay sa harap ng mukha nya. Para kasing natutulala siya. Oh baka naman nagagandahan siya sakin kaya ganyan ang reaksyon niya.

"Wag kang feeling mukha ka paring aswang!" What? Naririnig niya ata yung iniisp ko. Sabi sainyo eh nang aasar lang yan eh kaya nandito. " Diba mag ka partner tayo? Kaya wag kang feeling na kaya kita pinuntahan dito para makita ka lang." Ay oo nga pala, hay basta!Busit ka talaga sa araw ko Smug!

"May sinabi ba ako!? Busit!" Pinapasok ko siya at pina upo sa sala.

"Mga babae talaga, gusto laging nag papa antay, tsk! Tsk!" ang kapala nito! Sipain ko kaya to palabas sa unit ko! Busit to!

"Excuse me? Sinabi ko bang antayin moko? Sinabi ko bang punatahan moko dito? Ikaw ang pumunta dito! Hindi naman kita pinipilit maging partner ko ah! Epal ka!" Pumasok ako sa kwarto at sinuot na yung denim jacket at yung boots na heeled, nag shade din ako, may dala din akong shoulder bag na pang denim. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Smug na nag titipa sa cellphone niya at pinatay ang lahat ng kelangan patayin, pwede bang isama yung naka upo dito? Charot.

"Tara na baka nag aantay na si Trisha sa baba."

"Mag kasama na sila ni Sheen nag text si Sheen sakin, actually nasa school na nga sila eh." Ang bruha hindi man lang nag sabi sakin, for sure inaatake nayun sa kilig don. Pano kasi inamin niya sakin na may gusto daw siya kay Sheen.

"Ah Okay." Lumabas na kami sa unit ko at sumakay na ng elevator.

"Wala na bang iikli yung palda mo?" Nagulat ako ng sabihin yun ni Smug, bakit gusto niya sobrang ikli. Perv! Namula ako sa sinabi niya.

"A-Ano bang paki elam mo? Anong gusto mo kita na yung-yung - basta. Haaaa! Wag ka na ngang maki elam!" buti nalang kaming dalawa lang sa elevator nakakahiya kung may kasama kami don, hindi ko kasi mapigilang sumigaw kapag kasama ko tong smug na to.

Nang makalabas na kami sa elevator dumaretsyo na kami sa parking lot. Kinuha ko yung susi ng kotse ko sa bag. Pero biglang may sumulpot sa mukha ko na Helmet. Helmet? Anong gagawin ko dito? Ano may car racing ako? Tinignan ko kung sino yung nag aabot ng Helmet, si Smug pala.

"Anong gagawin ko dyan? Ano mag ca-car racing ako? Party pupuntahan ko hindi car racing duhh. Excuse me." Tinabig ko yung helmet na inaabot nya at dumatersyo sa kotse ko, bubuksan ko nasana yung pinto ng kotse ko ng nag salita sya.

"Anong car racing? Pinag sasabi mo dyan? Sumakay kana dito." Tumingin ako kay Smug na naka sakay na sa Motor bike niya. No! Hinding hindi ako sasakay dyan, ang laki non para sakin mamaya mahulog pa ako diyan.

"No thanks, I have my own. Ikaw nalang ang sumakay dyan mamaya mahulog pa ako dyan." Nginitian ko siya at nag wave. Sasakay na ko sa kotse ng bigla nanaman siya nag salita.

"Edi wag! Hindi naman kita pinipilit, mag hanap ka ng kapartner mo! Bye!" Hala, di pwede wala na kong mahahanap ng katulad niya. Charot eww! Pero hindi talaga pwede, wala na akong kilala sa school noh, tsaka hindi ako makakapasok kapag walang partner.

"Hindi ka din naman makakapasok sa party ng wala ako eh." Huh kala mo ahh.

"Sinabi ko bang mag paparty pako? Pupunta nalanh ako ng Club." yun lang hindi pwede to, sayang ang 1k ko. Kuripot na kung kutripot pero 1k din yun noh.

"Eto na nga eh sasakay na nga eh, asan na ang helmet? Masuot na." No choice ako.
Bakit ba kasi may partner partner pang nalalaman. Pag sakay ko sa motorbike nya nahirapan ako kasi ang ikli pala ng palda ko halos kitang kita na yung legs ko, as in labas na labas. Tsaka ayaw ko naman mag side ng upo kasi yayakap ako sa kanya pag ganun,
ayoko!

"Ano bayan!? Ayusin mo nga yang palda mo! Labas na labas na!" Che! Kasalanan mo kaya to! Baliw ka? Pinasakay sakay moko dito sa dambuhala mong motor. Ma flatan sana to.

"Kasalanan ko bang pinasakay moko dito? Alam mo namang maikli palda ko-"

"Oh!" Nagulat ako ng bigla nyang inabot yung jacket niya na suot niya.

"Thanks." Tinakpan ko na yung dapat takpan. May pagka mabait din pala to eh.

"May bayad yan." Pinaharurot niya yung motor nya ng sobrang bilis, feeling ko mawawala nako sa mundong to. Napakapit ako sa balikat niya pero hindi padin kaya.

"ANO BAYAN? DAHAN DAHAN LANG! PAPATAYIN MO ATA AKONG SMUG KA EH!!" Siguro tuwang tuwa to sa ginagawa niya. Busit sya nagulat ako ng lalo niyang binilisan, so wala akong nagawa kundi yumakap sa kanya. Ughh! Busit! Ka!

And finally naka baba naman ako ng ligtas. Feeling ko nagulo yung buhok ko sa sobrang lakas ng hangin. Hinubad ko na yung helmet at iniabot na sa kanya pati narin yung jacket. Pag pasok namin ang haba ng pila sa entrance. Bakit kaya. Pumila ako sa line ng babae at pumila naman siya sa line ng lalaki. Nang malapit na kami na tatanaw kona kung bakit may pila. Pinipicturan muna yung mag ka partner bago pumasok. Nang malapit na kami, sabi ng nag a-asis doon humawak daw ako sa braso ng partner ko. Well ako pala ang mag aadjust. Humawak ako sa braso ni Smug at nag smile.

*CLICK*

The Couple Book 1 [ TC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon