CHAPTER 10 - O

1.5K 26 1
                                    


Chapter 10

Acquaintance party 2

Pag pasok namin sa loob, ang dami ng tao ang naka paligid. Syempre bumitaw narin ako sa braso ng Smug nato, baka isipin nito ine enjoy ko yung muscle nya.

Natanaw kona din si Trisha na kumakaway samin, mag katabi sila ni Sheen, lumapit kami sa kanila, sakto naman ang upuan doon na apatan pabilog kasi ang style ng mesa. Syempre maganda ang presentation kasi kami ang gumawa, pag teacher kasi ang gumawa for sure hindi mukhang pang Acquaintance party ang kalalabasan kundi pang birthday party. Judgemental ka Author!

"You look great!" Sabi ni Sheen sakin. Enebe

"Thanks, you too."

Lumipas ang ilang minuto nag start ng mag salita ang emcee.

"Bago natin simulan ang kasiyahan na ito, maaari po ba tayong tumayo para sa ating panalangin." nag start ng magdasal ang emcee, halos lahat naka tungo, pag tingin ko kay Smug, parang wala lang sa kanya. Ang tindi talaga nitong lalaking to! Siya ata ang aswang samin eh. Hindi ko nalang siya pinansin baka hindi niya lang bet mag dasal.
Pag katapos mag dasal, lupang hinirang naman ang aming kinanta. Ang daming kuno.

Pag katapos ng mahabang panimula, nag simula ng mag ingay ang maharot na tugtug na pumailanlang sa paligid, nakakahilo din ang patay-sinding ilaw pati narin ang tawanan, halakhakan, tunog ng mga nagpipingkiang baso ang maririnig. Ano club lang?

"So guys! Anong gusto nyong drink?" tumayo ako at inilapag ang bag ko sa table.

"Beer akin!" Sumenyas ng kamay si Smug na akala mo nag tatawag ng waiter.

"Wala pong beer dito sir." Sumakay ako sa paandar niya. Kala mo ahh.

"Anong available niyo dito?"

"Sorry po sir, tubig lang po ang available para sayo, ok naba yun?" biglang sumimangot ang mukha niya, halatang GG na si Smug. Bahala ka sa buhay mo, kumuha ka ng sarili mong drink.

"May bawang ba dito? Anong oras na eh, baka mamaya lumabas na ang kalahi ng isang aswang dito." bigla narin sumimangot ang mukha ko. Siya naman tawa ng tawa may pag hawak pa sa tiyan niya, samantalang sila Sheen nakikitawa narin. Mga hunghang!

"KUMUHA KA NG SARILI MONG DRINK!" tumingin ako kila Sheen na umiwas ng tingin at halatang nag pipigil ng tawa. "AT KAYO DIN." Nag walk out ako at kumuha ng sarili kong drink. Kumuha narin ako ng dalawang slice ng cake.

Bumalik ako sa table namin at wala na sila don. Baka nag sikuhaan narin, may sarili naman pala silang paa eh. Ako nasana ang kukuha para sa kanila ang kaso binwisit ako eh . Dumating sila na may kanya kanyang dalang inumin at pag kain. I rolled my eyes nung tumingin saakin si Smug.

"Akala mo ang ganda mukha namang aswang!" mag sasalita na sana ako ng biglang may lumapit sa akin na teacher na hindi ko kilala at may dalang notebook at ballpen.

"You are?"

"Ako po?" I asked, malamang ikaw lang naman ang kaharap niya.

"Yes."

"Jezeelyn Corivantes po." Pag kasabi ko ng pangalan ko may isinulat siya sa note book niya.

The Couple Book 1 [ TC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon