CHAPTER 24 - E

558 23 6
                                    



Chapter 24

A SURPRISE of smug. I'm excited. And my excitement grows when smug took me to the dock, in front of a black yacht.

Sasakay ba kami rito?

"Sir Jezreel." Anang ng lalaki na kabababa lang mula sa itim na yate."Nakahanda na ho ang lahat. Kailangan ko lang ng access card niyo at boatman license."

Inilipat ni smug ang pag kakahawak ng kamay ko sa kaliwa dahil ginamit nito ang kanang kamay para may kunin sa bulsa nito.

Tumaas nalang ang kilay ko. Wala talaga itong balak na pakawalan ang kamay ko?

"Here." Inabot ni smug sa lalaki ang access card at boatman license."All good?"

Nakangiting tumango ang lalaki saka iminuwestra ang kamay sa itim na yate."Have a good day, Sir, Ma'am."

Tumango lang si smug saka iginiya ako patungo sa yate. At talagang wala itong balak na bitawan ang kamay ko dahil hindi ako nito pinakawalan hanggang sa makarating kami sa top deck.

"Wala ka talagang balak na pakawalan ako?" Tanong ko rito na hawak parin ang kamay ko.

"Nope." Nangingiting tugon nito saka pinosisyon ako sa harap ng helm ng yate at nasa likod ko ito.

"Ano bang—"

Ipinatong nito ang kamay ko sa helm at iginaya ang kamay ko sa tamang pagmamainobra ng yate paalis ng pantalan.

Nuong una may kaba akong nararamdaman pero ng lumaon, nag i-enjoy na ako lalo na't nakayakap sa likuran ko si smug at kaagad na tinatama nito kapag nagkakamali ako ng galaw sa manibela.

"This is fun!" Malapad na ngiting sigaw ko habang nililipad ng hangin ang buhok ko." I love this."

Smug tested his chin on my shoulder as he guides my hands." There... My baby is doing great."

Napangiti ako sa tawag nito sa'kin na 'my baby'. It's in third person and it actually sounds cute when he say it.

Hindi mawala ang mga ngiti sa mga labi ko hanggang sa tumigil ang yate.

"Dito tayo?" Tanong ko kay smug sabay lingon dito.

Pero sa halip na sumagot, sinalubong ng mga labi nito ang mga labi ko at hinalikan.

It was just a short kiss. And when he pulled away, he winked at me. Oh God!

Pinalo ko ang braso nito."Huwag ka ngang mang halik!"

Tumawa lang ito saka pinakawalan din ako sa wakas para bumaba sa lower deck. Nang makabalik ito, may dala na itong dalawang basket at isang malapad na picnic blanket.

"Whoah..." I smiled widens when I realizes that's it's a picnic...in a yacht. In the middle of the sea."This is amazing!"

Ngumiti lang si smug saka inilatag ang picnic blanket at isa-isang inilabas ang laman ng basket maliban sa baso at dalawang bote ng champagne.

"Come here, baby." Smug patted the space beside him.

Mabilis naman akong umupo sa tabi nito at nakangiting tumingin sa malawak na karagatan "This is really amazing."

The Couple Book 1 [ TC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon