CHAPTER 14 - A

1.5K 38 3
                                    





Chapter 14

JEZEELYN POV

Hindi ko pinansin si smug ng umupo ito sa sofa. Nag panggap akong hindi ito nakikita. Akala ko mag papanggap din ito na wala ito roon kaya naman nagulat ako ng marinig ko ang boses nito.

"Tara dito, Aswang." Wika ni smug

Huminga ako ng malalim, binitawan ang hawak na panlinis at lumapit kay smug.

"May kailangan ka?" Tanong ko habang naka titig dito.

"Yes." Tumikhim ito."fetch me a glass of water."

"Okay"

Nagtungo ako sa kusina at nag lagay ng tubig sa baso. May lason ba dito?  at dinala ko ito kay smug."Heto na. may kailangan kapa?"siniguro kong walang emosyon ang boses ko para halata na galit ako. But infact galit naman talaga ako!

Matiim ako nitong tinitigan."May tanong ako."

"Ano yon?"

Nagsalubong ang kilay nito."Napipilitan ka lang bang kausapin ako?"

"Hindi ba halata?" Balik tanong ko.

Nagulat ako ng bigla nalang hinawakan ni smug ang pulsohan ko saka hinila ako pa upo sa kandungan nito. At ang nakaka eskandalo sa posisyon namin ay nakaharap ako naka upo sa hita nito at halos sobrang magkalapit ang mukha namin. Oh God.

"Smug--"

"Shut up."

Lumukso ang puso ko ng maramdamang masuyong hinhaplos ni smug ang mukha ko. "Ano ang ikatlong naka sulat sa kontrata?"Tanong nito habang unti unting lumalapit ang mga labi nito saakin. The heck!

Napalunok ako. "Ahm g-gagawin ang lahat ng g-gusto mo."kinakabahang sagot ko habang ang mga mata ko ay nakatutuk sa mga labi nito.

Halos gahibla nalang ang pagitan ng mga labi namin.

"Kung sasabihin kong gusto kong halikan mo ako, gagawin mo ba?"paanas na tanong ni smug.

I gulped and wet my lips. Yes! I will do it! Wait? What? No!

Umiling iling ako at dinistansya ang sarili kay smug."Are you teasing me smug?".

Tumaas and dalawang kilay nito."I'm not." Tapos bigla itong tumawa. Ugh! Tumayo ako sa pag kaka upo sa hita niya at bumalik sa ginagawa.

Why I'm feeling like this. Ugh! Nakaka asar!

"Here." May iniabot ito saaking cellphone.

"Ano to? Hindi ko ito cellphone!"

"I know, ayan muna ang magiging cellphone mo, naka save na diyan ang mga number ng pamilya mo, at ang number ko. Kaya wala ka nang pwedeng i-save na number dyan." Napa awang ang labi ko sa sinabi nito.

"Bakit moba ginagawa to?" kapag kuwan ay humarap ako sa kanya.

Bumalik ito sa mahabang sofa at ipinatong ang dalawang paa sa lamesa na kaka punas ko lang."Naalala mo yung nangyari sa CR noong party natin?"

"Oh? Tinakot moko."

"Bukod doon."

Umakto akong nag iisip kung anong ng yari noong party na yun. Nag cr ako, tapos namatay yung ilaw, tapos tinakot nya ko, tapos... O_O
Dahil don?

The Couple Book 1 [ TC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon