CHAPTER 28-E

571 24 23
                                    


Chapter 28

JEZEELYN POV

HINDI KO alam ang isasagot habang nakatitig ako kay Jezreel. Panay ang kurap ko habang pilit na pinapagana ang utak para masagot ang tanong nito.

Napakadali ng tanong nito pero bakit nahihirapan akong sagutin?

"Answer me, Jezeelyn." Mas tumiim pa ang titig saakin ni Jezreel. "Are you?"

Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang intensidad ng titig ni Jezreel. "B-bakit mo natanong?"

"Just answer me, Jezeelyn. You still like me?"

Ito ang gusto kong marinig mula sa kanya pero mas gusto kong marinig ang tatlong katagang iyon, pero ngayon nag tatanong ito sa'kin, bakit hindi ko masabi ang totoo? Bakit natatakot ako? kinakabahan at nasasaktan?

"Jezeelyn. Answer me." May diin ang bawat katagang binitiwan nito.

Huminga ako ng malalim saka ibinalik ang tingin dito na matiim pa ring nakatitig saakin, parang binabasa nito ang nakatago sa likod ng walang emosyon kong mukha.

"What's the use?" Gusto kong palakpakan ang sarili dahil nagawa kong magtanong dito sa malamig na boses kahit ang dibdib ko ay parang nakikipag karera sa bilis ng tibok niyon. "Wala namang mag babago."

"Just answer my question, Jezeelyn." Tumiim ang bagang nito. "Yon ang pinunta ko rito, kaya sagutin mo ako."

Mapakla akong tumawa, parang may kumurot sa puso ko. He never know that I like–no I love him so much. "Bakit? Sinabi kobang pumunta ka rito at magtanong?"

Tumalim ang mga mata ni Jezreel at nag dilim ang mukha nito. "You owe me, Jezeelyn–" ang tinutukoy nito ay ang pag iwan ko sa kanya.

"No, I don't." Matapang kong sinalubong ang titig nito. Nag uumpisa na akong mairita. "You. Owe. Me." Tinuro ko ang sarili ng banggitan ko ang salitang 'me' nanunumbat ang mga mata ko. "Sabi mo, you would be your honor to be my boyfriend, but when evening came, you had forgotten all about me." Mapait akong ngumiti. "Katabi mona ako pero ang laman ng panaginip mo ay si Andria. Now, tell me, Jezreel." Tumingala ako sa kisame para pigilan ang pagdaloy ng luha ko saka ibinalik ang tingin dito. "do I still owe you? Kasi para saken pareho lang tayo. Nagtiwala ako sayo ng gabing 'yon, pero kinalimutan moko nakipag balikan ka panga kay Andria diba. See? We're messed up, Jezreel. We're so messed up!"

"Bakit hindi mo sinabi saakin?"

Hindi makapaniwalang napatitig ako sa binata saka mapaklang tumawa. "Really? Sasabihin ko sayo? Jezreel, alam mo ba ang sakit na nararamdaman ko when I heard you begging to your ex to not leave you."

"But Jezeelyn–"

"No, Jezreel, you don't get–"

"Jezeelyn listen to me–"

"No! Ayoko nang makinig sayo! Akala mo bato ako at hindi nasasaktan?!" Bulyaw ko kay Jezreel. Hindi ko na kayang pigilan ang pagsabog ng tinitimpi kong galit at tampo.
"Sa tingin mo ng gabing sinabi mo iyon, hindi ako nasaktan?" Dinuro ko ito. "Wala kang karapatang sumbatan ako, kasi kung nasaktan man kita, nasaktan morin ako."

"Jezeelyn–"

"Shut up!" Tinakpan ko ang tenga at galit na tumingin sa kaharap. "Shut up! Shut up! Shut up!" Bulyaw ko. "Jezeelyn ka ng Jezeelyn! Why? Can't you call me Aswang?"

His jaw tightened before he leaned in to me. Natigilin ako sa paglapit nito, lalo na ang pag angat ng kamay nito para tuyuin ang basa kong pisngi. Hindi ko akalain na umiiyak pala ako habang sinisigawan ito.

The Couple Book 1 [ TC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon