CHAPTER 26 - B

268 14 0
                                    


Chapter 26

GUSTO KO lang ipaalala na sa'kin ka parin

Gusto ko lang ipaalala na sa'kin ka parin

Gusto ko lang ipaalala na sa'kin ka parin

Para itong sirang plaka na paulit ulit na nag re-replay sa utak ko. Hindi ko alam kung anong ibig nitong sabihin sa sinabi nitong 'sa'kin ka parin'

Ginugulo nanaman nito ang isip at sistema ko.

Bumangon ako ng higa sa kama at dumaretsyo sa kusina para kumuha ng inumin. Dala dala ko  ang cellphone ni Jezreel at ang baso na may lamang tubig nang nag tungo ako sa sala at naupo, binuksan ko ang TV para mawala ang pag iisip ko dito.

Wala pang ilang minuto, pumasok sa isip ko ang gwapo nitong mukha. Pumikit pikit ako at naiinis na linapag ang baso sa lamesa at wala sa sariling lumabas ng unit at kinatok ang kapitbahay ko. Ilang katok pa ang ginawa ko ng bumukas ito at tumambad sa'kin ang isang lalaking papungay pungay pa ang mata, halatang iritado ito dahil sa pag istorbo ko rito.

"Anong kailangan mo?" Tanong nito. Wala akong emosyon na mabasa sa mukha nito masyadong malamig ang pag sasalita nito.

Iniabot ko ang kamay ko na may hawak na cellphone. "Sinasauli ko lang ang cellphone mo, paki balik narin ang cellp– ayy!" Sa halip na kuhain ang cellphone na hawak ko, hinila ako nito papasok sa loob ng unit nito. At isinandal sa naka sarang pinto habang ang mga mata nito ay nakatitig lang sa mga labi ko.

"A-Ano sa tingin mo ang g-ginagawa mo?" Tanong ko dito ng hindi nito inalis ang mga mata sa labi ko. "Kapag naabutan tayo dito ni Andria ano–"

Biglang bumilis ang tibok nang puso ko ng inilapit nito ang labi sa labi ko. Hanggang sa gumalaw ito, wala sa sariling tinugon ko ang halik nito, alam ko sa sarili ko na mahina ako pag dating sa halik nito. This is torture!

Bakit ba mahal na mahal ko ang lalaking ito? Kahit alam ko namang hindi ako nito mahal.

Tumigil ito sa paghalik at tumingin sa sahig. "Bakit moko iniwan?" Seryosong tumingin sa'kin ito at parang na ngungusap na 'sagutin mo ang tanong ko.'

Pinakatitigan ko ito at sinagot ang tanong niya mula sa isip ko. Kasi hindi mo ako mahal. Ayaw kong marinig niya ang sinabi ko kasi alam kong masakit kapag siya na mismo ang nagsabi.

"Answer me Jezeelyn." May diin na sabi nito ng hindi ko sagutin ang tanong nito. Habang titig na titig parin sa'kin.

Jezeelyn.

parang dinudurog ang puso ko ng tawagin ako nito mula sa pangalan ko. I miss the 'baby' and 'aswang'

Umiwas ako ng tingin dito para hindi nito makita ang nanunubig ko nang mata at pilit na pinapaklma ang nasa dibdib ko. "Because I want too."

"Give me a reason, then I letting you go." Hinawakan nito ang pisngi ko at pinaharap sa kanya. "Why?" Nakita kong nag tatagis na ang bagang nito. Pinipigilan na masigawan ako.

"Don't ask me that you didn't know!" Hindi na napigilan ng luha ko na bumalisbis. "I know that you know!" Hindi korin napigilang sigawan ito at dinuro duro ang dibdib nito. "Don't ask me..... ask yourself!" Sobra na akong nasasaktan.

The Couple Book 1 [ TC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon