Mission #6

1.8K 103 9
                                    

Mark Kieffer Montilla

Naalimpungatan ako sa pagkakatulog dahil parang may mabigat na nakapatong sa likod ko. Plus may parang nakatusok na kung anong matigas na bagay sa likod ko na ‘di ko mawari kung ano.

Dahan-dahan akong umikot at ganoon na lang ang gulat ko dahil ang nakapatong pala sa akin ay si Reed.

"Reed!" sigaw ko.

Laking gulat ko nang hatakin niya ako palapit sa kaniya sabay pulupot ng kamay niya sa baywang ko at ipinatong ang paa niya sa hita ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na ito. Saya, gulat o takot?

Masaya ako dahil yakap ako ngayon ni Reed pero nakapagtataka na nandito siya at mukhang lasing ang isang ito at last natatakot ako na baka may mangyaring hindi maganda.

Humarap ako sa kaniya at pasimple kong hinawakan ang mukha niya. Napangiti na lamang ako dahil sa tinagal-tagal ng panahon ngayon na lang ulit ako nakalapit nang ganito kay Reed. Sobrang perfect  ni Reed para sa akin, matangos na ilong, mahahabang pilik mata at maamong mukha.

Dumako ang tingin ko sa mapupula niyang labi hindi ko alam pero naramdaman ko na lang na gusto ko itong halikan. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha ni Reed.

Nang malapit nang magdikit ang labi namin, laking gulat ko nang gumalaw si Reed at nagmulat ng mga mata. Ang inaasahan kong mangyayari ay magagalit siya dahil baka malaman niyang may balak akong halikan siya. Pero laking gulat ko nang sukahan ako sa mukha ni Reed. Dali-dali akong lumayo sa kaniya sabay tulak sa kaniya palayo.

"Yuck, kadiri ka Reed! Bakit mo ako sinukahan?" asar kong saad. Alam kong wala sa katinuan si Reed kaya okay lang na kausapin ko siya ng ganito.

"Ang baho kasi ng hininga mo!" Nakapikit niyang sabi, hindi ko alam kung nananaginip ba itong si Reed o nananadya.

Inamoy ko naman ang hininga ko pero hindi naman ganoon kabaho, napahawak ako sa aking shorts dahil naramdaman kong parang malamig ito, kinapa-kapa ko ito at doon ko nalaman na basa ang suot kong shorts.

"Teka, naihi ba ako?" Tinignan ko si Reed na naka tihayang nakahiga sa kama ko at nakanganga ang bunganga. Pinasadahan ko ang pantalon niyang basa.

Napailing na lamang ako dahil sa kababuyan ni Reed, agad kong kinuha ang gamit ko sa mga bag na bitbit ko kanina. At dumiretso sa CR upang maglinis, mga ilang minuto rin ang tinagal ko sa paglilinis dahil halos dumikit sa balat ko ang suka ni Reed.

Nang matapos ako ay bihis na akong lumabas sa CR. Nakita ko si Reed na mahimbing pa rin na natutulog sa kama ko, napailing na lang ako dahil sa mga nangyayari ngayon.

Pumunta ako sa kusina upang kumuha ng pamunas kay Reed dahil nasukahan niya rin ang sarili niya kanina.

Dahan-dahan akong umupo sa kama ko bago ko ilapat sa leeg n Reed ang towel na basa ay pinasadahan ko muna siya nang tingin. Laking gulat ko nang magsalita ito.

"I'm sorry Kieffer, hindi ako nakapagpaalam sa iyo!" he said. Napangiti na lang ako dahil kahit paano ay naalala niya pala ako.

Pinagpatuloy ko na ang pagpunas sa katawan niya. Nang matapos ko siyang punasan ay kumuha ako ng damit na alam kong kakasya sa kaniya dahil hindi na niya puwedeng isuot ang damit niya kanina. Hinubad ko na ang damit na suot niya buti na lamang ay mabilis ko lang itong nagawa at hindi ito nagising kasi kung nagkataon baka kung anong isipin ni Reed.

Halos matulala ako dahil sa laki ng pinagbago ng katawan ni Reed, parang dati lang ay medyo kapayatan pa si Reed for sure regular itong pumupunta sa gym.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon