Mission #23

1.8K 72 12
                                    

Reed Chaves
Noong natanggap ko ang text message sa akin ni Trixie. Malakas na ang kutob ko na may mali at may hindi magandang mangyayari pero mas pinili ko pa ring puntahan siya.

From: Trixie
Reed, I need you. Please, puntahan mo ako sa bahay.

Labag man sa kalooban kong pauwiing mag-isa si Mark ay pinili ko pa rin itong puntahan. Dahil wala akong masakyan ay naglakad na lang ako papunta sa bahay nila Trixie, medyo may kalayuan ito pero kaya namang lakarin.

Habang naglalakad sa madilim na kalye nakaramdam ako bigla na parang may sumusunod sa akin. Tumigil ako saglit at lumingon sa likod pero wala naman akong makita bukod sa ilaw ng poste sa hindi kalayuan, pakurap kurap na ang ilaw nito na para bang malapit na itong mapundi.

Dumiretso na ako sa paglalakad hanggang sa biglang may lalaking humarang sa dinaraanan ko. Hindi ko ito pinansin at balak ko na sanang lagpasan na lamang pero nagulat ako nang hatakin nito bigla ang uniform ko at sinapak ako sa mukha. Halos mapahandusay ako sa lupa dahil sa lakas ng suntok na 'yon. Paika-ika akong bumangon sa pagkakasubsob. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng lalaki dahil madilim talaga at tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa paligid.

"Hayop ka, sino ka?" sigaw ko sa lalaking sumuntok sa akin. Nakita ko ang dahan-dahang paglapit nito sa akin. At halos magsuka na ako ng dugo nang sipain ako nito sa aking tiyan.

Halos mamilipit ako sa lakas ng pagkakasipa nito at nakaramdam na rin ako ng pagkahilo.

"Sige, dalhin niyo na 'yan kay boss," narinig kong boses ng lalaki.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pag-angat ko at alam kong sinakay nila ako sa isang sasakyan. And everything went black.

"Sino ba kayo? Ano ba ang kailangan ninyo sa akin?" sigaw ko nang magising ako. Hindi ako masyadong makagalaw dahil nakatali ang mga paa at kamay ko. Gusto ko mang ikilos ang katawan ko pero ramdam ko ang sakit mula doon.

Tila ba tuwing sinusubukan kong igalaw ang katawan ko ay nadaragdagan ang nararamdaman kong kirot.

Medyo pamilyar sa akin ang lugar na pinagdalhan sa akin kahit na madilim. Naaamoy ko rin ang pinaghalong kalawang at alikabok na pumapasok sa aking ilong. May ideya na akong sa park ito kung saan kami laging nagkikita ni Trixie. Ibig sabihin malapit lang ako kung nasaan si Mark.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ko na nagbabaka-sakaling may makarinig sa akin.

Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng mga yabag ng mga paa na papalapit sa kinaroroonan ko. Sa tingin ko ay marami ito at parang may mga bakal itong hinahatak na masakit sa tainga.

"Ano boss, simulan na ba natin?" narinig kong sabi ng isang lalaki.

"Sino kayo? Pakawalan niyo ako!" sigaw ko ulit.

"Ako na ang mauuna boss, ha!" sabi pa ng isang boses, at pumailanlang ang malulutong na tawanan.

"Huwag kayong magmadali, lahat kayo makakadali sa g*g*ng 'yan." Natigilan ako nang maging pamilyar sa akin ang tinig na iyon.

Pumalahaw ako ng sigaw nang maramdaman ko ang paghampas ng isang bakal sa binti ko. Halos mamilipit ako sa sakit.

"Ako naman, ha!"

Sinipa naman ako sa tiyan noong sumunod na nagsalita at ramdam ko ang pagsuka ko ng dugo.

Sobrang hilong-hilo na ako at ramdam ko na ang pagkamanhid ng buo kong katawan.

Sa mga oras na ito ay si Mark lang ang nasa isip ko. Tiyak na nag-aalala na sa akin yon. Maya-maya pa ay may isang kamay na kumuwelyo sa akin. Amoy pa lang ng pabango niya ay alam ko na kung sino ito.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon