Mission #12

1.7K 91 20
                                    

Mark Kieffer Montilla

Nagising ako dahil sa katok sa pinto ng unit ko. Agad akong bumangon at tiningnan ang orasan ko 5:00 oclock in the morning.

Sino naman itong istorbong ito, ang aga-aga nambubulabog.
Umalingawngaw ulit ang katok kaya dali-dali na akong nagtungo sa pintuan at binuksan 'yon. Bumungad sa akin ang hubad na katawan ni Reed, tanging boxer shorts lamang ang suot nito at may hawak itong dalawang tasa ng kape.

"R-reed, ang aga mo naman ata," nauutal kong sabi, sabay hikab dahil inaantok pa talaga ako. Pinagmasdan ko siya at halatang kagigising niya lang din dahil sa magulo nitong buhok, at parang may panis na laway pa ito sa gilid ng labi niya.

"Good morning, Mark tara kape," sabay abot sa akin ng isang tasa na hawak niya.

Agad ko naman itong kinuha at walang sabi-sabi ay bigla itong pumasok sa loob. Napabuga ako ng hangin at sinara ang pinto. Naratnan ko naman siyang nakaupo sa sofa, kaya lumapit ako roon at umupo sa tabi niya.

"Kumusta ang tulog mo?" tanong nito.

"Okay naman, medyo inaantok pa!" saad ko.

"Naistorbo ba kita?"

"Hindi okay lang, sa totoo lang pagising na rin ako kanina," pagsisinungaling ko. Kinuha ko ang kapeng binigay niya at agad na tinikman ito.

"Masarap ba?" nakangiti nitong tanong.

"Oo. Bakit pala ang aga mong nagising?" tanong ko.

Sumulyap ito sa akin at ngumiti kasabay noon ang paglabas ng dimples niya sa kaniyang kaliwang pisngi.

"Masaya lang ako na makita kang muli, Mark,"  sabi nito na nakapagpatigil sa akin.

"Ganoon ba, masaya rin naman ako na alam mo na kung sino ako, hindi bilang isang Ares," natatawa kong sambit.

"By the way, kumusta na pala sila mama at papa mo?" biglang tanong nito. Umayos ako nang upo at inubos ang kape na bigay ni Reed.

"Okay naman sila roon. Sila Mama at Papa mo kumusta?" tanong ko naman.

"Okay naman sila, kahit paano ay masaya naman," saad nito.

"Mabuti naman kung ganoon."

"Mark, since weekend naman ngayon puwede mo ba akong samahan mamaya?" nahihiya nitong tanong.
Tumingin naman ako sa kaniya.

"Saan?"

"Pupunta sa grocery, ubos na kasi ang stocks kong pagkain. Ang sabi ko kay Mama ipadala na lang ang pera sa akin at ako na lang ang bibili," nakangiti nitong sabi.

"Ganoon ba, sige sasamahan kita. Anong oras ba tayo aalis?" tanong ko.

"Mamaya, mag-aayos lang muna ako. Pati hihiramin ko yung motor sa tropa ko, medyo malayo kasi ang market dito. Yon ang gagamitin natin papunta sa market sira na kasi yong akin. Hintayin mo na lang ako dito susunduin kita," mahaba nitong litanya.

"Sige, sige hihintayin kita."

Marami pa kaming pinag-usapan na kung ano-ano ni Reed bago siya umalis. Pagkaalis na pagkaalis niya ay agad na akong dumiretso sa cr, at nagbabad sa tubig dahil maaga pa naman.

Dinama ko ang bawat haplos ng maligamgam na tubig sa katawan ko. Ilang beses ko na bang nasabi na masaya ako dahil okay na kami ni Reed. Feeling ko tuloy bumalik na yong dati naming pagkakaibigan.

Nang matapos akong maligo ay simple lamang ang sinuot ko dahil sa market lang naman kami pupunta.

Mayamaya ay nakatanggap ako ng text mula kay Chinny. Speaking of Chinny hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya na okay na kami ni Reed.

From: Chinny
Girl nasaan ka na ba?
Kahapon pa kita hindi Makita.

To: Chinny
Nasa bahay lang ako.
Punta ka na lang dito  bukas may
ikukuwento ako sa yo.

From: Chinny
Bakit may smiley, good news ba 'yan?

To: Chinny
Basta pumunta ka na lang bukas.

Maya-maya pa ay may sunod-sunod nang kumatok kaya agad akong nagtungo doon at binuksan ito. Pero iba ang inaasahan kong bumungad sa akin.

"Kayo po pala, Lola Vilma, magandang umaga po," bati ko.

"Tigilan mo ako, walang maganda sa umaga, bumaba ka na doon at kanina ka pa hinintay noong kaibigan mo," inis nitong sabi at agad nang umalis.

Natawa na lang ako at nagkibit balikat. Agad na akong bumaba at nakita ko doon si Reed na inip na naghihintay sa akin.

Nang makita ako nito ay agad itong ngumiti sa akin. Sabay hagis sa akin ng isang helmet, na muntikan ko pang hindi masalo.

"Tara na, dito ka sa likod ko,"  saad nito, pero nanatili pa rin akong nakatanga at nakatayo.

"Oy, Mark sakay na."

"Diyan ba sa likod mo? Pasensya ngayon lang ako sasakay sa ganiyang uri ng sasakyan, wala naman kasing ganiyan sa probinsya natin," nahihiya kong sambit.

Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin at inalalayan akong sumakay sa motor. Medyo kinakabahan ako dahil unang beses kong sasakay sa ganito.

"Sure ka bang safe ito?"

"Trust me, sure akong safe ito basta kasama mo ako," nakangiti nitong sabi.
Inilagay ko ang kamay ko sa ibabaw ng balikat niya.

"Sure ka bang diyan ka kakapit? Baka malaglag ka" narinig kong sabi nito.

"Oo okay lang," saad ko.

Pero laking gulat ko nang bigla niyang inabot ang kamay ko para iyakap sa baywang niya. Medyo nataranta ako kaya napabawi ako ng kamay, pero hinila niya pa rin ang 'yon.

"Yumakap ka na, mamaya malaglag ka pa diyan," sabi niya pagkatapos ini-start na niya ang motor.

Hala, feeling ko biglang namula ang mga pisngi ko ngayon. Bumilis din ang tibok ng puso ko at nanigas ang mga kamay ko at medyo naiilang ako.
Mas lalo pang napahigpit ang yakap ko sa kaniya nang sinimulan na niyang paandarin ang motor. Nagulat kasi ako. Medyo nakakapa ko din yong abs niya dahil sa hapit nitong T-shirt na suot. Amoy na amoy ko din ang pabango niya.

"D'yan lang ha," sabi niya, sabay tingin sa kamay ko sa baywang niya. "Huwag mong ibaba. Baka kung ano ang mahawakan mo diyan," natatawa nitong sabi.

Napayuko na lang  ako sa hiya.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon