Mission #21

1.6K 73 12
                                    

Mark Kieffer Montilla

Nagising ako dahil parang may mabigat na nakapatong sa akin. I opened my eyes at napakunot-noo ako dahil wala ako sa sarili kong kuwarto.

I turned my face to my left and I saw Reed peacefully sleeping habang nakayakap sa akin. Bigla ko tuloy naalala yong mga nangyari kagabi.

At naalala kong dito na ako pinatulog ni Reed kagabi. Gusto niya raw kasi akong makatabi. How sweet di ba? I smiled sweetly at hinawi ko ang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ni Reed. I scanned his face and I can really say that he's the most beautiful man I've ever met.

"I love you Reed!" I whispered.

"I love you too, Mark." I was shocked dahil gising pala siya.

Babangon na sana ako upang mag-ayos ng sarili nang bigla ako nitong hatakin at ikinulong sa mga yakap niya.

"Reed, bumangon na tayo sikat na ang araw," saad ko pero parang wala lang siyang narinig bagkus ay ibinababa niya ang kamay niya sa baywang ko at hinapit ito upang mas magdikit pa kami.

"I know, pero gusto ko pang matulog nang kayakap ka, pinagod mo kaya ako kagabi!" pilyong sabi nito. Bigla tuloy namula ang mukha ko.

"Anong pinagod? Ikaw ang nakipagsuntukan di ba paanong ako ang papagod sa 'yo," saad ko at bigla naman siyang natawa.

"Joke lang. Good morning, sweetheart," nagulat ako bigla sa tinawag niya sa akin. Ano daw sweetheart?

"Good morning din," I replied.

Bigla namang kumunot ang noo nito.

"Wala ka bang itatawag sa akin?" malungkot na tanong nito sa akin.

"Reed, yon naman ang pangalan mo di ba?" saad ko pero sa totoo lang binibiro ko lang siya.

Bigla naman itong sumimangot at bumitaw sa pagkakayakap sa akin at tumalikod.

Napangisi ako nang bahagya at saglit na nag-isip. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at niyakap siya.

"Good morning too, love," saad ko pero nagulat ako dahil bigla itong humarap sa akin at namalayan ko na lang na nasa ibabaw ko na siya.

"Morning kisses," he said seductively.
Hindi na ako nakapalag dahil bigla na lang ako nitong siniil ng halik, at namalayan ko na lang na nagre-respond na ang labi ko.

Naramdaman ko ang dahan-dahang paggapang ng kamay ni Reed sa tiyan ko, hanggang sa pababa ito nang pababa. Agad ko siyang pinigilan nang tatangalin na niya ang suot kong shorts at agad siyang tinulak.

"Nagugutom na ako magluluto lang ako saglit," saad ko at kita ko ang pagkainis at alam kong nabitin siya.

Napangisi na lang ako nang makita ang naasar niyang mukha.

"Ako rin nagugutom na, puwedeng ikaw na lang kainin ko?" pilyo nitong saad. Kinuha ko naman ang unan sa gilid ko at binato sa mukha niya at tumayo na ako para magluto.

Naramdaman ko naman ang pagsunod nito sa akin.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko, habang naghahalungkat sa ref niya.

"Ikaw nga ang gusto kong kainin," malandi nitong sabi. Nag-angat ako ng tingin at tiningnan siya nang masama.

"I mean hotdogs and eggs ang gusto kong kainin." Tumango ako at nagsimula nang magluto.

Nang matapos ako ay agad ko naman na itong inilagay sa hapag kainan at sabay kaming kumain.

"Nga pala, gusto ko lang matanong? Hindi naman sa pinagdududahan kita Reed, totoo ba talagang gusto mo ako?" curious kong tanong.

Tumigil naman ito sa pagkain at nakangiting tumingin sa akin.

"Opo, hindi ko nga inaakala na mahuhulog yong loob ko sa 'yo," saad nito.

"Hindi lang kasi ako makapaniwala na gusto mo rin ako ay este-"

"Anong sabi mo?" tanong nito.

I took a deep breath at tiningnan siya sa mata. Wala naman na akong magagawa kung hindi sabihin sa kaniya ang totoo kung bakit talaga ako nagpunta rito.

"Alam mo, may dahilan talaga ang pagpunta ko rito. Una sa lahat hindi talaga ako mag-aaral dito, gusto lang talaga kitang makita at yon ang totoo.

May nararamdaman din ako sa 'yo Reed, simula pa lang ng mga bata tayo," mahaba kong litanya at nag-iwas ng tingin.

Nagulat ako dahil bigla itong tumawa kaya mas lalo akong nahiya feeling ko tuloy kulay kamatis na ang mukha ko ngayon dahil sa hiya.

"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" nahihiya kong tanong.

"W-wala naman, natutuwa lang ako sa 'yo at masaya ako na tayo na," saad nito.

Kumunot naman ang noo ko at tiningnan siya.

"Anong tayo na, hindi ka pa nga nanliligaw!" saad ko.

Uminom muna ito ng tubig bago magsalita.

"Oo, tayo na remember nagsabi ka na ng I love you sa akin kagabi at pumayag ka nang halikan kita. So tayo na!" nakangisi nitong sabi.

Napangiti na lang din ako dahil kahit ako ay masaya para sa amin at kung ano man kami ngayon.

Magiging kontento na lang ako kung ano kami ngayon ni Reed. Basta ang importante ngayon ay masaya kaming dalawa.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon