Mission #15

1.7K 87 19
                                    

Mark Kieffer Montilla

"Wow! Talaga?" kinikilig na tanong ni Chinny nang magkita kami sa tapat ng library. Kinuwento ko kasi sa kaniya yong mga pinaggagagawa namin nila Reed at Cedrick kahapon. Lalo na 'yong paghalik sa akin sa noo ni Reed.

"Big deal ba sa 'yo yong halik sa noo, pero in fairness ang sweet ng kababata mo, ha, alam mo bang kapag ang babae ay hinahalikan sa noo it means ginagalang ka nong lalaki," mahabang litanya ni Chinny.

"Gano’n? Wala naman akong alam sa ganiyan," natatawa kong sabi.

Nagpaalam na ako kay Chinny nang nasa tapat na ako ng classroom namin. Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang nakataas na kilay ng  teacher namin ngayon na si Mr. Lorenzo.

"Buti naman ay dumating ka na, Mr. Montilla," saad nito. Yumuko na lang ako dahil sa hiya.

"Sorry po," saad ko.

"I need to talk to you at the faculty room later, okay," mahinahon na itong nagsalita. Nag-angat ako ng tingin at tumango-tango. "Okay, take your seat," saad nito, agad naman na akong umupo sa upuan ko.

Ano naman kayang pag-uusapan namin?

"Saan ka galing?" bulong sa akin ni Reed nang makaupo ako sa upuan ko. Nakalimutan kong magkaklase na nga pala kami.

Hindi ko siya nilingon, dahil kapag nakikita ko 'yong mukha ni Reed, lagi kong naaalala 'yong halik niya kahapon. Big deal nga ba sa akin 'yon?

"Ah, may binalik lang akong libro," bulong ko at hindi pa rin siya nililingon.

"Ah, ganoon ba, mamaya sabay ka sa amin ni Cedrick mag-lunch libre niya daw, eh," sabi nito.

"Sige," tipid kong sabi.

Hindi na nasundan pa ang pag-uusap namin at agad na kaming nakinig kay Sir Lorenzo.

Maya-maya pa ay nag-bell na bilang hudyat na breaktime na.

Palabas na sana ako ng classroom, kasabay si Reed nang harangin kami sa daan ni Sir Lorenzo.

"Puwede ko bang mahiram muna si Mr. Montilla," sabi ni Mr. Lorenzo sabay tingin sa amin pareho ni Reed.

"Opo naman, Mr. Lorenzo," natatawa pang sabi ni Reed.

"Sige, Reed mauna na kayo ni Cedrick, susunod na lang ako," saad ko at ngumiti.

Agad namang pumayag si Reed at nauna na sa aming umalis. Ako naman ay walang imik na sumunod kay Mr. Lorenzo. Nang makarating kami sa loob ng faculty niya ay umupo naman ito sa kaniyang upuan.

"Please sit down, Mr. Montilla," saad nito. Agad naman akong umupo sa tapat nito. Ano kayang pag uusapan namin?

"Okay, Mr. Montilla hindi ko na patatagalin pa ito, naalala mo ba yong quiz natin last week?" seryosong tanong nito sa akin. Tiningnan ko naman ito nang kunot ang noo.

"Opo, ano pong meron doon?" kunot noo kong tanong, mamaya kasi baka zero ako dahil distracted ako kay Reed noong time na 'yon.

"Good news dahil sa lahat ng kaklase mo ikaw ang nakakuha ng perfect score, at yong kaibigan mo namang si Reed, nakamamangha na isa lang ang mali niya," mahabang paliwang nito, pero hindi ko alam kung anong pinupunto niya.

Hindi ko rin maiwasan na hindi maging proud kay Reed, talagang nag-aaral ang lalaking 'yon. Dati kasi napakatamad na bata ni Reed.

"Salamat po, Mr. Lorenzo," saad ko. Maya-maya pa ay may inabot ito sa akin na brown envelope na ipinagtaka ko.

"Para saan po ito?" tanong ko.

"Open it," he said.

"Okay po."

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon