Mission #17

1.6K 88 21
                                    

Mark Kieffer Montilla

"Hala totoo nga, bumalik na siya. Kaya pala nakita ko silang magkasama
kahapon. Ang akala ko kung sino eh."

"True sis, wala na tayong pag-asa kay Papa Reed."

Yan ang mga narinig kong tsismis sa paligid habang naglalakad sa pasilyo ng building namin.

Sino ba 'yong tinutukoy nila? Huwag nilang sabihinn yong babaeng  kasama ni Reed kahapon ang pinag-uusapan nila.

"Mark, Mark, Mark!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Chinny sa harapan ko.

"Ano ba 'yon, nakakagulat ka naman," sabi ko.

"Sorry na, alam mo na ba ang chika minute?"

"Anong chika ba 'yan?"

"Hala sis, bumalik na yong first love ni Reed, si Trixie, kahapon lang!" Natulala ako saglit dahil sa sinabi niya. Umayos ako nang tayo at nakangiting tiningnan si Chinny.

"Ano naman kung dumating yong first love niya?" sabi ko.

"Hala siya anong nangyari sa 'yo? Paano yong addicted mission keme mo?" curious na tanong nito.

"Kalimutan mo na 'yon ang gusto ko lang naman ay magkita ulit kami ni Reed, at nagawa ko na 'yon," saad ko.

"Seryoso ka?"

"Oo naman, seryoso ako. Sige na mauna na ako mamaya na lang ulit pupuntahan ko pa si Baron sa library. Bye, see you around," hindi ko na siya hinintay na magsalita at dali-dali na akong umalis.

Agad akong pumasok sa library at nakita kong nagbabasa doon si Baron. Napangiti na lang ako dahil kahit paano ay madali namang turuan itong si Baron. Hindi na ako mahihirapan.

"Good morning," bati ko kay Baron, pagkaupo ko sa tabi niya.

Nakangiti naman itong tumingin sa akin at sandaling tiniklop ang librong binabasa niya.

"Nandiyan ka na pala, good morning din," saad nito.

"Ano, ready ka na bang sumagot?" I asked.

"Yes, always ready." Kinuha niya ang notebook niya. "By the way, nakita ko kanina yong kaibigan mo," sabi nito at napatingin ako sa kaniya.

"Yes, alam ko bumalik na 'yong first love niya," walang gana kong sabi.
Saglit naman itong tumigil sa pagsasagot at tumingin sa akin.

"Bakit ganoon yong kaibigan mo ang sama lagi ng tingin sa akin kapag nagtatama ang tingin namin, para niya akong binubugbog sa utak niya," natatawa nitong sabi.

"Hindi. Ganoon lang talaga siya pero mabait 'yon.

"Sabay tayo mag-lunch mamaya, ha. Wala pa kasi akong kilala dito bukod sa 'yo." Natawa naman ako dahil bigla siyang ngumuso pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Ginulo ko ang buhok niya.

"Sige na bumalik ka na sa pagsagot diyan," sabi ko.

At para naman siyang batang tumango-tango. Na-miss ko na tuloy si Reed.

Galit kaya talaga siya sa akin? Pero anong dahilan?

Reed Chaves

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, sobrang gulat na gulat pa rin ako sa pagbabalik niya. Unexpected na magkikita ulit kami. Walang nagbago sa kaniya, bukod sa pananamit nito, ganoon pa rin siya masayahin, malambing, at mapagmahal na Trixie na minahal ko noon.

"Reed, hindi ka pa ba papasok baka ma-late ka," sabi ni Trixie sa akin habang nakapulupot ang kamay niya sa braso ko.

Nandito kami ngayon sa field at alam kong lahat ng estudyanteng dumaraan sa harapan namin ay kami ang pinag-uusapan.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon