Mission #11

1.7K 86 12
                                    

Mark Kieffer Montilla
Halos isang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari iyon, halos hindi ko magawang tingnan si Reed nang diretso kapag nagkikita kami. Masakit para sa akin na ako na kaibigan niya ay hindi niya maalala. Alam kong dapat sinabi ko na noon pa sa kaniya na ako si Mark na kababata niya pero pinangunahan ako ng kaba.

Maaga akong pumasok ngayon dahil may special quiz kami sa Business Ethics, buti na lamang ay nag-review ako kagabi kung hindi ay kolelat ako ngayong araw. Pagpasok ko pa lang sa room ay sinalubong na ako ng maiingay kong classmates.

Agad na akong umupo sa upuan ko at inayos ang gamit. Sampung minuto pa naman bago dumating ang teacher namin na si Mr. Lorenzo kaya minabuti ko na munang magbasa ng binili kong libro. Kinuha ko sa bag ang Kissed by the King na hindi ko matapos-tapos.
Natapos ang sampung minuto at saktong pumasok ang teacher naming si Mr. Lorenzo.

He is a strict teacher pero mabait din naman. Pagkapasok palang nito ay parang maamong tupa ang muka ng mga classmates ko. Parang kanina lang ay para silang mga hayop na nagwawala sa sobrang ingay.

"Good morning class, if I'm not mistaken we have a long quiz today, right? he asked.

"Opo!" Sabay-sabay na saad naming lahat. Pinagmasdan ko ang mukha ng mga classmates kong mukhang matatae halatang mga hindi nag-review.

"Pero bago ang lahat gusto kong ipakilala sa inyo ang bago ninyong classmate." Halos lahat kami ay nakatutok sa susunod na sasabihin ni Mr. Lorenzo.

"Ano may bago kaming classmate?" bulong ko sa sarili ko.

"Pumasok ka na dito, hijo," saad ni Mr. Lorenzo.

Dahan-dahang bumukas ang pintuan, parang nag-slow motion ang nasa paligid ko, halos lahat kami ay nakatingin sa kung sino man yong papasok na bagong classmate namin.

Halos malaglag ang panga ko dahil hindi ko inaasahan na si Reed ang bago naming classmate. Halos mabingi ako sa tilian ng mga classmates kong babae yong iba naman ay walang pakialam.

Pumunta sa unahan si Reed pero ang mas ikinabigla ko nang magtama ang mata namin.

Anong ginagawa niya rito?

"Hello, ako nga pala si Reed Chaves, your new classmate, sana magkasundo tayong lahat. For sure lahat kayo nagtataka kung bakit ako lumipat ng strand, simple lang dahil may sinusundan ako." Pagkasabi niya noon ay bigla itong tumingin sa akin.

Agad akong nag-iwas ng tingin dahil kinakabahan ako kung anong mangyayari ngayong araw.

Pagkatapos niyang magpakilala sa unahan kasabay naman noon ay hindi matapos-tapos na tilian ang mga classmates ko na akala mo ay isang artista si Reed.

"Papa Reed dito ka na lang umupo sa tabi ko!"

"No! Papa Reed marry me, right now!"

"Mga slap soil, hayaan nyo siyang mamili kung saan siya uupo."

Sigawan ng mga classmates kong babae.

"Sige Mr. Chaves puwede ka nang maupo,"  narinig kong sambit ni Sir Lorenzo.

Tumingin ako sa aking kaliwa, at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang walang nakaupo doon.

Sana hindi siya diyan umupo.
Sana hindi siya diyan umupo.
Sana hindi siya diyan umupo.

"Hi!"

Napayuko na lang ako dahil doon nga siya umupo. Nagsimula na ang quiz, pero feeling ko ay babagsak ako ngayong araw.

Wala sa quiz ang isip ko, kung hindi dito sa lalaking katabi ko na kanina pa ako kinukulit.

"May ballpen ka ba? Puwedeng mahiram?" Hindi ko siya pinansin, bagkus ay yumuko ako at medyo umusog.

"Uy, galit ka ba? Sorry doon sa nangyari," pangungulit pa nito pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Mark!" halos mapaigtad ako nang tawagin niya ako sa totoo kong pangalan. "I mean Ares, puwede bang makahiram ng ballpen, ibabalik ko rin pagkatapos." Nilingon ko siya at kulang na lang ay manghina ang tuhod ko nang masilayan kong muli ang mukha niya sa malapitan.

"S-sure." Kinuha ko na ang ballpen ko sa bag at agad itong inabot sa kaniya.

"Thank you." hindi ko na lang siya pinansin, bagkus ay nag-focus na lang ako sa quiz.

Mabilis natapos ang oras, at agad na akong lumabas upang kumain.

Pero laking gulat ko na sinusundan pala ako ni Reed. Nakahalukipkip lamang ito habang naglalakad kasabay ko. Tumigil ako sa paglalakad at umiba ng direksyon. Pero laking gulat ko nang hawakan nito ang kamay ko at bigla akong hinatak sa kung saan.

Napansin kong nasa lumang mga locker rooms ako dinala ni Reed. Dahil sa madilim at maalikabok nitong lugar.

"B-bakit mo ako dinala rito?" nauutal kong tanong sa kaniya, pero nanatili lamang itong nakatitig sa akin.

"Sino ka ba talaga?" nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya. Sobrang seryoso nitong nakatingin sa akin, kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang tagalan ang mga tingin niya.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa 'yo na ako si Are-"

"Sinungaling!" sigaw nito.

Nanatili akong tahimik at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at kasabay noon ang pag-atras ko, bumangga ang likod ko sa lumang mga lockers nang wala na akong maatrasan.

Laking gulat ko nang kinulong niya ako gamit ang dalawang bisig niya.

"Inuulit ko, sino ka?" matigas nitong pagkakasabi.

Sinubukan kong itulak siya, pero sadyang malakas ito kumpara sa akin.
"Sobrang laki na talaga ng pinagbago mo!" panimula ko.

"Anong ibig mong sabihin?" matapang ko siyang hinarap sa mata at doon na sunod-sunod na bumuhos ang luha ko.

Kita ko ang pagkabigla sa kaniyang mukha, pero hindi mawala ang galit doon.

"R-reed, sobrang na-miss kita. Kaya ako nagpunta dito at dito nag-enroll upang makita k-" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil pumiyok na ang boses ko.

Naramdaman ko na lang ang dahan-dahan niyang pag-alis sa harapan ko at doon na tuluyang bumigay ang mga tuhod ko, napaupo at sinandal ko na lang ang sarili ko sa locker kasabay noon ang pagyakap ko sa sarili ko.

Inangat ko ang tingin ko at nanatiling nakatitig lang sa akin si Reed.

"Noong nakita ko yong ID mo, alam kong ikaw si Mark, pero bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" seryoso nitong tanong.

Ilang minuto bago ako sumagot. Pinunasan ko ang luha ko at agad na tumayo at inayos ang sarili.

"Gusto kong sabihin sa 'yo noong una pa lang, pero pinangunahan ako ng kaba, huwag kang mag-alala, babalik na lang ako sa Palawan para maging tahimik na rin ang buhay mo, gusto lang naman kitang makita kaya ako nagpunta rito." Hahakbang na ako paalis nang hapitin niya ako at siniil ako ng yakap na ikinagulat ko.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa ginawa niya. Pero aminado akong na-miss ko siya nang sobra-sobra, at masaya akong nakilala na niya akong muli.

"Na-miss din kita, Mark." Hinarap niya ako sa kaniya, kasabay noon ang pagpunas niya sa luha ko sa mata. Napangiti na lang ako dahil sa ginawa niya.

"Sorry."

"R-reed."

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon