Mission #5

1.8K 91 11
                                    

Mark Kieffer Montilla

Maigi kong pinagmamasdan ang apartment ko na ngayo'y iiwan ko na dahil ngayong araw ako lilipat sa bago kong titirhan, katulad nga ng sabi ni Mama sa text. Ibinaba ko muna ang mga gamit na bitbit ko at kinuha ang cellphone sa aking shorts. Tiningnan ko ang adress na sinend ni Mama sa akin.

From:Mama

222 San Agustin Street, yan ang street ng bago mong tutuluyan, room 25. Mag-behave ka diyan anak at galingan mo sa pag-aaral. I love you ‘nak!

Napangiti na lamang ako habang binabasa ang mensahe ni Mama, binalik ko na ang aking cellphone sa aking bulsa at  sandali ko pang pinagmasdan ang lumang apartment ko.

"Kahit saglit na panahon lang akong tumira dito ay mami-miss ko ang lugar na ito," bulong ko. Tumalikod na ako at sumakay sa taxi na kanina pa naghihintay sa akin.

"Ah, Manong sa 222 San Agustin Street po," sabay abot ko ng bayad.

***

Reed Chaves

"Alam mo pre imbes na maglasing ka riyan try mo kayang kausapin si Trixie! Baka magbago pa ang isip niya at balikan ka!" saad ng kaibigan kong si Cedrick.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya bagkus ay sunod-sunod kong tinungga ang lata ng alak na hawak ko.

"Mahal na mahal ko siya pare, pero hindi ko inaasahan na masisira ang relasyon namin dahil lang sa isang pantri-trip! At hindi ko inaasahan na kaya niya akong ipagpalit ng gano’n kabilis," galit kong saad, sabay yupi sa lata ng alak na hawak ko.

"Chill bro, hindi lang naman si Trixie ang babaeng makikilala mo sa mundo!" Halos mag-init ang ulo ko dahil sa sinabi ni Cedrick, sabay tingin sa kaniya nang masama.

"Gago ka ba, wala nang hihigit pa kay Trixie." Yumuko ako at namalayan ko na lang na may mga luhang tumulo mula sa mata ko, dali-dali kong pinunasan ito at kumuha ulit ng isang alak at nilaklak ito.

"Kung ako sa yo pare bakla na lang ang mahalin mo, for sure hinding-hindi ka lolokohin niyon." Dahil sa inis ay binato ko sa mukha ni Cedrick ang lata nang alak na hawak ko.

"Alam mo Ced, kung wala kang magandang sasabihin lumayas ka na lang dito. Anong akala mo sa akin gagaya sa iyo na pumapatol sa bakla!"

"Suggestion ko lang naman bro."
Dinuro-duro ko siya at tinitigan nang masama.

"Ito ang tandaan mo, hinding-hindi ako papatol sa mga bakla! Tandaan mo iyan at isaksak mo sa kokote mo!"

Laking gulat ko nang batuhin ako ng lata ng alak sa ulo ni Cedrick.

"Naku bro, hindi mo masasabi iyan balang araw kakainin mo iyang mga pinagsasabi mo!" Tumayo na siya at inayos ang sarili. Kita ko pa ang pagkuha niya ng iilang lata ng alak at inilagay ito sa bag niya.

"Sige bro, una na ako baka hinahanap na ako ni Krissy." Lumabas na siya nang dorm ko.

"Sisige doon ka na sa bakla mo," sigaw ko pa sa kaniya, napahawak na lang ako sa ulo ko at pabagsak na humiga sa sahig.

"Trixie, mahal na ma ," hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil bigla na lang bumigat ang talukap ng mata ko at namalayan ko na lang na bumagsak ang katawan ko sa sahig.

"Trixie."

***

Mark Kieffer Montilla

Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay na kulay blue ang pintura sobrang gulat pa nga ako dahil may nakasalubong akong pasuray-suray na lalaki. Medyo kinabahan din ako dahil tinitigan pa ako nito hindi ko na lang pinansin iyon at nagpatuloy na lang sa pagpasok.

Nilibot ko ang aking paningin habang naglalakad sa kahabaan ng pasilyo nito. Lumapit ako sa isang staff ng dorm na ito upang magtanong kung saan ang room 25. Agad naman niya itong itinuro sa akin at agad naman akong nagpasalamat sa kaniya.

Umakyat ako sa hagdan at lumiko sa unang kanto dahil iyon ang sabi sa akin noong napagtanungan kong staff. May nakasalubong akong isang matanda na sa tantiya ko ay nasa mahigit singkwenta na ito, dahan-dahan itong lumapit sa akin at laking gulat ko nang bigla ako nitong hawakan sa kamay.

"Ikaw ba ang bagong salta dito?" tanong niya.

"O-opo. Ako nga po!" nauutal kong saad.

Tinitigan niya muna akong maigi agad naman akong nag-iwas ng tingin dahil medyo kinakabahan ako.

"Ako si Lola Vilma at ako ang namamahala sa dorm na ito. Ito ang susi ng iyong kuwarto," sabay abot sa akin ng kulay gold na susi. Tumalikod na siya at iniwan akong nakatulala doon.

Nang maka-recover ako sa pangyayari ay dumiretso na ako sa paglalakad. Tinignan ko ang bawat number ng kuwarto na nakalagay sa taas ng pintuan.

Mga ilang minuto pa ay nakita ko na din ang sariling kuwarto.

"Sa wakas makakapagpahinga na rin." Ibininaba ko muna ang mga gamit ko at agad na binuksan ang pintuan. Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad agad sa akin ang malawak na sala.

"Wow ha! Sala pa lang maganda na. For sure malaki ang binayad nila Mama at Papa dito," bulong ko sa sarili.

Dumiretso ako sa kusina at kompleto naman ang gamit doon. Binuksan ko ang refrigerator at laking gulat ko nang makitang punong-puno ito ng ibat ibang pagkain at may nakadikit pang note sa gilid.

Anak huwag kanang magtaka kung bakit marami kang pagkain sa ref mo, kami ang nagpadala ng Papa mo diyan. Enjoy your new dorm :-)
                     
                                  Mama and Papa

Hindi ko maiwasan na hindi ma-miss sila Mama at Papa. Sobrang mahal na mahal talaga nila ako.

Lumabas na ako sa kusina at pumunta sa kuwarto ko bitbit ang gamit ko. Halos mapanganga ako dahil kompleto din ang gamit dito pero ang mas kinagulat ko pa ay yong teddy bear na nakapatong sa kama ko.

"Teka, pati ba naman yong teddy bear na binigay sa akin ni Reed dati ay pinadala nina Mama at Papa." Dali-dali akong lumapit doon at niyakap ito nang mahigpit.

"Hi, Mr. Coco sobrang na-miss na kita alam mo ba iyon?" Para akong tangang kinakausap ang teddy bear na binigay pa sa akin ni Reed dati.

Inilagay ko muna si Mr. Coco sa gilid ng kama ko at padapa akong humiga sa kama. At dahil sa pagod ay namalayan ko na lang ang sarili kong dahan-dahan na pumikit.

***

Reed Chaves

Bumangon ako sa pagkakahiga sa sahig, pinilit kong tumayo dahil naramdaman kong naiihi ako. Kumapit ako sa upuan at tuluyan nang nakatayo muntikan pa nga akong ulit matumba dahil sa hilo. At buti na lang ay mabilis akong nakakapit, kundi bagsak na naman ako sa sahig.

Pasuray-suray akong lumakad papuntang pintuan. Hindi ko alam kung saan ako papunta pero pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang maliwanag na sikat ng araw.

Lumabas ako sa pintuan at laking gulat ko nang bigla akong bumagsak sa katapat na pintuan ng aking kuwarto.
Bigla itong bumukas na ipinagtaka ko, dali-dali akong pumasok doon at pasuray-suray na naglakad, may nakita akong nakaawang na pintuan sa tantiya ko ay kwarto iyon.

Dahan-dahan akong lumapit doon at sinikap na silipin kung anong meron sa loob. Kumunot ang noo ko nang may naaninag akong parang taong nakahiga sa kama.

Sobrang labo na ng paningin ko dahil sa epekto ng alak, pero pinanatili ko ang aking sarili sa paglalakad at dahan-dahan akong lumapit sa taong nakahiga sa kama. Nang makalapit ako ay bigla akong napatid sa paang nakalaylay sa kama at doon ay bumagsak ako sa katawan ng taong nakahiga at dahil na rin sa hilo ay hindi ko na binalak pang tumayo at naramdaman ko na lang na parang basa na ang suot kong pantalon.

"Teka, naihi ba ako?"

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon