Mission #22

1.7K 72 8
                                    

Reed Chaves

"Hey, sweetheart gising na."

Tinapik-tapik ko ang mukha ng mahimbing na natutulog na si Mark.

"Maaga pa, 5 minutes more," narinig kong reklamo nito.

Napangiti na lang ako dahil ang cute niyang pagmasdan.

"Hindi puwede nakahanda na 'yong agahan natin at may pasok ngayon," saad ko at hinawi ko ang iilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha niya.
Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng mga mata at nakasimangot na nakatingin sa akin.

"Bakit, ganiyan ka makatingin?" tanong ko.

"Curious lang ako pati kahapon. Saan mo nakuha yong mga pagkain na 'yon at paano ka nakapagluto ng agahan, ha?" curious na tanong nito.

Ngumiti ako at bigla siyang hinalikan sa labi.

"Ano ba nakakahiya hindi pa ako nag-toothbrush," narinig kong reklamo nito.

"Ano naman, wala namang kaso sa akin kung hindi ka pa nagto-toothbrush," saad ko. Hinapit ko siya sa baywang upang mapaupo siya, inilagay ko ang ulo ko sa leeg niya.

"I love you Mark." Kumunot ang noo ko dahil ang tagal niyang sumagot. Sinilip ko naman ito at nakita kong seryoso lang itong nakatingin sa akin.

"I love you too, love." Napangiti na lang ako at inaya na siyang kumain.

Sabay kaming naglalakad ni Mark sa pasilyo papunta sa classroom namin pero parang may kakaiba sa paligid.

Ang sama ng tingin sa amin ng mga estudyante, ang iba naman ay parang nandidiri.

Anong problema nila?
Hanggang sa makarating kami sa loob ng classroom ay ganoon din ang tingin sa amin ng mga kaklase namin.

"Reed, okay ka lang ba? Bakit parang tulala ka diyan?" Bumalik lang ako sa huwisyo nang tawagin ako ni Mark.

"Okay lang may iniisip lang ako," natatawa kong saad. Tumango lamang ito at inaya na akong umupo.

Maya-maya pa ay nagsimula na rin ang klase pero parang hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.

****

Mark Kieffer Montilla

Pansin ko na kanina pa balisa itong si Reed, may problema kaya siya? Kinuha ko ang notebook at ballpen ko sa bag at pumunit ng kapirasong papel.

Reed okay ka lang ba talaga?

Nilamukos ko ang papel at inabot sa kaniya. Agad naman niya itong tinanggap at binuksan.

Maya-maya pa ay binalik niya ito sa akin. Agad ko naman itong binuksan at binasa.

Oo naman, hindi lang ako mapakali dito, gusto na kasi kitang halikan ;-)

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa pero deep inside ay masaya at kinikilig ako.

Manyakis :-)

Sabay balik ulit sa kaniya ng papel. Hindi naman na ito bumalik kaya bahagya ko siyang sinilip. Nakatingin lamang ito sa akin at ngumiti kaya ngumiti na lang din ako bilang tugon.

Napag-usapan kasi namin ni Reed na huwag munang ipaalam sa kahit na kanino itong namamagitan sa aming dalawa. Pumayag naman ako dahil alam kong mas makabubuti 'yon sa aming dalawa. At kung malaman man nila, handa naman akong saluhin lahat ng mga panghuhusgang sasabihin nila. Handa akong harapin ang lahat ng 'yon kasama si Reed.

*****

"Mark, maaga pa naman gusto mo bang mamasyal na muna tayo sa park," tanong sa akin bigla ni Reed habang papalabas kami ng classroom.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon